Chapter 44

11.8K 390 45
                                    

"SIGURADO ka ba na ayaw mo?"

Hindi na mabilang sa daliri ni Light kung ilang beses na siyang tinanong ni Vyrlle. Caleb asked him to come to the hospital for check-up, nang masiguro na maayos ang kondisyon niya, he immediately scheduled him for vasectomy reversal.

He sighed. "No, I'm fine…"

He doesn't want her to come, mainly because he is shy. Second, kasama niya ang mama niya sa hospital. His father even volunteered to look after him which he didn't allow to happen. Nakakahiya. Xyrus, his father, was acting like it was a life and death situation.

"I'm worried. Hindi ba busy si Tita? Ako na lang kasi ang mag-aalaga sayo." Pagpupumilit pa nito.

Naglalambing na pinalibot ni Light ang mga braso sa baywang nito at hinapit si Vyrlle palapit sa kanya. He kissed her forehead and rested his chin against her head.

"Don't be… I don't want you to see me after the surgery. After two weeks, pwede na."

His groin might get swollen and he'll probably stay in bed. Ayaw naman niya na makita siya nito sa ganun na sitwasyon. He was staying in the hospital because of his dick and not because of some kind of illness.

Noon, wala siyang pakialam na nasa hospital siya dahil sa vasectomy. He was actually feeling proud about it. Pero iba na ngayon.

"After two weeks? You do know na hindi kami magtatagal dito 'diba?" naiinis na tanong nito sa kanya.

He shrugged his shoulders. "Edi 'wag muna kayong umalis? Basic."

Umirap si Vyrlle at kinurot ang tagiliran niya. Mahina siyang napaigik. She's getting better at hurting him physically, hindi lang siya nagrereklamo. Malay ba niya kung love language 'yon ng mahal niya?

"Fine, we'll stay here. Sasabihan ko si Dania," aniya.

Vyrlle was about to call her secretary but Light stopped her.

"Okay na, nasabihan ko na. She's cool about it, don't worry." Light smiled at her innocently.

Tumalim ang tingin sa kanya ni Vyrlle and Light was still smiling at her, as innocent as he can. Bukod sa pagiging tsismoso niya. Pakialamero rin siya, alam naman niya 'yon. Aware siya sa sarili niyang ugali.

She sighed heavily. Halata na hindi ito makapaniwala habang umiiling ito sa kanya.

"I'm not even surprised… Oh God, you're so sweet!" Vyrlle sarcastically answered him. "I want to knock you out right now."

"Sa kama ba? Bawal." Light jokes.

Vyrlle scoffed at him. "This is the reason bakit hindi ka gusto ni Kuya."

"Ayos lang, gusto mo naman ako. Pake ko sa kapatid mo, hindi naman si Jyrelle ang pakakasalan ko." Nakangisi na sagot niya rito.

Light chuckled when he saw her cheeks turned pink, kahit na bakas sa magandang mukha nito ang pagkapikon sa naging sagot niya. Vyrlle was the female version of Jyrelle. Madali lang para kay Light na asarin ang mga ito. Wala pa siyang ginagawa, napipikon na ang mga ito.

He let go of her and turned his attention to his things, sapat na sa kanya ang lambing na nakuha niya kay Vyrlle. He needs to prepare the things he'll need while he's in the hospital.

Napatingin siya kay Vyrlle nang kunin nito ang iPad niya na nakakalat. He forgot to turned it off.

"Kailan niyo balak umpisahan 'to?" Vyrlle asked.

Maayos niya na tinupi ang mga damit niya at nilagay sa maleta na gagamitin niya. Ranger's Agency was already looking for construction workers, yung iba ay manggagaling sa kumpanya nila at sa kapatid ni Castiel. Kulang pa 'yon. Lalo na at balak niya na matapos 'yon agad.

LCS 15: Light Perez (Completed)Where stories live. Discover now