Chapter 34

12.2K 420 38
                                    

TAHIMIK lang na nanonood sa tabi si Vyrlle habang si Light ang nagluluto. Nakanguso lang siya habang nakabantay sa bawat galaw nito. He's wearing a t-shirt that hugged his body perfectly.

"Aren't you staring too much?" nakangisi na tanong ni Light at pasimple na tumingin sa kanya.

"So?" Pagsusungit niya.

Naiiling na tumawa ito. Luto na ang tocino at itlog, fried rice na lang. Ayon ang tinutukan ni Vyrlle, she can still remember how good his fried rice was, hindi nga lang niya naubos noon pero parang naiwan ang lasa noon sa dila niya. She tried to try different seasonings, para makuha ang lasa na gusto niya, sadly hindi niya 'yon makuha kuha.

"Bakit ang sarap ng fried rice mo?" Hindi na niya mapigilan ang magtanong nang makita na halos pareho lang naman sila ng step na ginagawa.

Light continue to stir the rice. "Masarap din naman yung sayo."

"No, iba ang lasa." pamimilit niya.

Light brows furrowed and scooped a spoon of his fried rice, tsaka 'yon pinatikim sa kanya. Vyrlle closed her eyes and sighed softly when she realised that it almost taste the same, pero mas masarap pa rin ang kay Light.

"Sunshine, fried rice is still a fried rice. Kahit magdagdag ka pa ng sahog," natatawa na sabi nito.

Light patted her head and leaned in to kiss her forehead.

"Araw araw na kitang gagawan ng fried rice, gusto mo?" He asked.

Pabiro siyang umirap pero natagpuan pa rin niya ang sarili na marahan na tumatango kay Light.

Nang matapos ito, si Light na rin ang nag ayos ng lamesa habang siya naman ay tahimik lang na nakaupo. Kulang na lang talaga ay si Light na rin ang magsubo sa kanya.

"Ang ganda dito…" Vyrlle uttered.

"First day pa lang natin, we can enjoy this place as much as we want." Light answered. "Ah, after natin sa salon bukas, we're not going to stay in our cabin tomorrow."

"You're planning something…" naningkit ang mga mata niya kay Light.

"Yes, I do,"

"Another surprise?"

"Sunshine…" mariin na tawag nito sa kanya.

Vyrlle chuckled and sticked out her tongue, "sabihin mo na, Luca, nahuli ka na oh!"

Light sighed and scratched the tip of his nose.

"I rented a yacht. Want to have dinner with you in the middle of the sea."

"Wait, marunong ka ba na—" Light cut her off.

"Yes, nagpaturo ako sa kaibigan ko." He answered, mukha pa itong nahihiya.

Her lips parted a little. Shocked. Hindi si Light ang tipo ng tao na magpapaandar ng mga mamahaling sasakyan, kahit anong klase na sasakyan pa 'yan.

"I'm just curious, kaya nagpaturo ako. Mabuti na lang pala, ayoko na may kasama tayo sa yate bukas." Bulong nito pero narinig pa rin naman niya.

"Want to finally make love?" Pang aasar niya rito.

Akala siguro nito ay hindi niya mapapansin. Light was doing his best to rein himself, hinahalikan siya nito pero sa noo, niyayakap siya nito sa pagtulog pero halos hindi rin niya maramdaman ang katawan nito na nakadikit sa kanya. There's always a space. Enough for him to survive the night.

"Sunshine, we're eating." Mariin na sagot nito.

Lumabi lang si Vyrlle at kumain na lang ng matiwasay. She's more than ready to give herself to him. Pero alam din niya na may gusto pa itong patunayan sa kanya. She's just going to wait and see what will happen next.

LCS 15: Light Perez (Completed)Where stories live. Discover now