CHAPTER 14

20 3 0
                                    

“Ang sakit ng leeg ko,” reklamo ko kay Vrix‚ namumungay pa ang mata nito habang nakatitig sa akin. Katulad ko ay kagigising lang din nito.

The side of his lips rose up. “I told you that you should lean on me,” he teasingly smiled at me‚ napakagwapo nito sa umaga. Siya kasi ang nakasandal sa leeg ko samantalang ipinatong ko sa kanyang ulo ang ulo ko kaya sumasakit ang leeg ko dahil sa posisyon namin.

Medyo madilim pa ang paligid‚ hindi pa nga lumalabas ang liwanag ng araw. Nilibot ko ang mata ko sa kabuoan‚ nasa gitna kami ng daan.

Sa tingin ko ang lugar na ito ay daan lamang dahil wala ka talagang makikita na kabahayan kahit tumingin ka pa sa kalayuan. Mukhang madalang lang ang dumadaan dito, para itong short-cut route papunta sa kung ano mang lugar.

“I love you,” saad ko sa kanya bago sumandal sa balikat niya‚ my favorite part of him where I can lean on.

Matamis itong ngumiti sa akin bago ako kinabig at niyakap ng mahigpit‚ we‘re hugging each other like there‘s no tommorow. Just what I had said I would always love his arms being wrap around my body. It gives me thousand of butterflies. I love this man so much.

Pasikat na ang araw ng maisipan kong tignan ang cellphone ko, sa kabutihang palad ay may signal na nga. Hindi na ako nag-abalang magpakundangan, agad akong tumawag kay Kuya upang sunduin kami ni Vrix. Halos dalawang araw na din kaming walang proper meal at walang hygiene, pero hindi namin ito ni Vrix namalayan dahil masyado kaming nilamon ng kadahilang magkasama kami at masaya kami.

An escape with him.

A tranquility with him.

Happiness with him.

Comfort with him.

Masaya ako na nakasama ko ito, halos ilang buwan na din ang nakakalipas na wala kaming maayos na kumunikasyon. Sa mga sandaling ito pakiramdam ko nakalaya ako sa kulungan, sa kulungan kung saan hindi ako pwedeng dalawin ni Vrix. Mas nanaisin ko pang makulong sa mga bisig nito kaysa ang layuan ang lalaking pinakakamamahal ko.

Isang malakas na sampal ang gumising sa akin sa katotohanan. Masamang titig ang ipinupukol ni Mommy sa akin. "Sinabihan na kita Shia, layuan mo si Vrix! Hindi siya makakabuti sa'yo pero pilit mo akong sinusuway. Pa'no kung may nangyaring masama sa inyo sa dalawang araw na wala kayo? Pano Shia? Hindi ka magiging masaya sa pag-ibig mo kay Vrix. Hindi Shia! Itigil mo yang kahibangan mo," parang sinaksak ako ng mga salita ni Mommy, sobra sobrang sakit. Ang sakit sakit.

'Yong pakiramdam na mahuhulog ka na pero wala kang pwedeng kapitan. Aantayin mo na lang 'yong sarili mong mahulog kung saan ka man pwedeng bumagsak. Aantayin mo na lang kung anong susunod na mangyayari. Kung kakayin mo pa ba o hindi na?

Mas mabigat pa 'yong nararamdaman ko kaysa sa sampal ni Mommy. She can slap me hard dahil kaya ko pang tiisin pero ang mga salitang layuan ko si Vrix, hindi ko kaya. Bakit ba dumating sa puntong ito?

I used to obey my parents, lagi akong masunurin sa kanila sa lahat ng bagay. Masaya naman kami, hindi yong ganitong sinasaktan na nila ako. Hindi ko lang naisip na magagawa akong saktan ni Mommy ng wasak na wasak. She did not only cause me physical pain but she also broke me emotionally.

Mahirap ang ganitong sitwasyon, sobrang hirap hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Pareho ko silang mahal.

"Shia gumising ka na sa kahibangan mo! Pwede bang pakinggan mo naman kami? Pwede ba Shia?" basag ang boses nito habang pilit na pinipigilan ang mga luha nitong gustong bumagsak. Nagkakasakitan na kami ni Mommy.

Nagpapasalamat ako dahil wala si Daddy at Kuya dahil ayokong makita nila kung ano man ang eksena namin ni Mommy.

"B-Bakit?" finally I made a voice for myself. Oo, kailangan ko din ng paliwanag kung bakit ganito. Kung bakit kailangan kong layuan ang lalaking mahal ko.

Twisted Fate by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon