CHAPTER 10

25 3 0
                                    

Hindi ko halos namalayan ang pagtakbo ng oras‚ it‘s been a week since vacation started‚ walang araw na hindi kami magkasama ni Vrix. Every moment that we shared was treasured by us. I would gladly spend time with him.

“Tara na Shia‚ baka kanina pa tayo inaantay ng mga magulang ni Vrix,” si Mommy habang nakatayo sa pintuan‚ inaantay niya akong lumabas dahil abala pa ako sa pag-aayos ng buhok ko.

Maganda naman ako kahit hindi na mag-ayos but I want to be presentable.

“Teka lang po,” patuloy padin ako sa pag-ayos ng buhok ko.

“Mauuna na kami ng Daddy mo sa sasakyan. Sunod ka na lang‚ ilock mo ang pinto,” hindi niya na ako pinasadahan ng tingin. Nauna na itong umalis.

Inayos ko din ang damit ko bago lumabas ng pinto‚ gusto ko na malinis akong tignan. I hope that this night would be peaceful and happy.

I feel excited. I‘m excited to meet Vrix‚ namiss ko na siya agad. Angas ng gayuma niya‚ inuulol ako.

Inalalayan ni Daddy si Mommy pababa sa kotse‚ kainggit naman. Tawagan ko kaya si Vrix para buhatin ako papasok sa bahay nila. Am I exaggerating?

I miss Vrix so much, pinanganak ba ako para mangulila sa kanya?

Mabagal lang ang nagiging hakbang ko dahil medyo mataas ang heels ko. Heels makes me to look taller than usual.

Mula sa paanan ng pinto kampanteng nakatayo si Vrix habang may malapad na ngiti sa amin. Can‘t wait to hold qnd hug him‚ basta namiss ko siya.

Binati ni Vrix ang mga magulang ko bago ito nagmano.

He landed a soft kiss on my forehead before holding my hands.

Magkasabay kaming pumasok sa loob habang hawak-hawak padin ni Vrix ang mga kamay ko na parang ayaw na ako nitong bitiwan. Si Mommy at Daddy naman ay nakasunod sa amin pareho. We headed inside together with a smile in our face‚ one of the most awaited moment of our life.

Sa dalawang taon namin na pagsasama‚ this is the first time na magkaharap ang aming pamilya‚ I honestly felt some uneasiness‚ kabado-bente.

As we step in front of them‚ parang tambol ang pintig ng puso ko‚ Tita‘s eyes landed on me first. Matamis itong ngumiti sa akin‚ ngumiti din ako pabalik bilang tugon.

She roamed her eyes around hanggang sa dumapo ang mga mata nito kay Mommy‚ enmity was all over in her face. Si Daddy naman ay nag-aalalang nakatitig kay Mommy. I don‘t have any clue kung ano man ang nangyayari.

I shifted my eyes on Tito‘s hand‚ he‘s gripping Tita‘s hand while staring on Mommy. Lahat ng reaksiyon nila ay parang gulat. Si Vrix naman ay tila nalilito kung anong gagawin niya. Ano bang problema? Naguguluhan ako.

“Layuan mo ang anak ko Shia,” may diin sa bawat katagang binitawan niya. Sobrang naguguluhan ako‚ sobrang gulo.

Si tito ay hindi nag-abalang bitawan ang kamay ni Tita‚ it seems that he‘s stopping Tita baka may gawin itong hindi maganda.

Si Daddy naman ay masamang titig ang ipinupukol kay Tito‚ may hindi ba ako alam na dapat kong malaman?

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Mula sa mukha ni Tita na puno ng galit, kay Daddy at kay Tito na nag-aalala, kay Mommy na naguguluhan at kay Vrix na hindi alam ang gagawin. I am so damn clueless.

“Wag na wag kang magpapakita sa akin Shia.”

“Umalis na kayo.”

“Wag na wag kang magpapakita sa akin,” patuloy si Tito sa pag-alo kay Tita habang patuloy naman akong naguguluhan. Mahigpit ang kapit ni Vrix sa akin‚ namamawis na ang kamay ko dulot ng tensiyon.

Twisted Fate by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon