Dice Game - PART XVIII

Start from the beginning
                                        

Agad na nakaramdam ng kaba ang dalawa.

JERRY: Teka, nasaan sila Randy at Nico?

JUSTIN: Naghiwa-hiwalay kami para madali naming mahanap yung kwartong sinasabi ni Alfie.

Bigkas ni Justin, tinitigan lamang sya ni Jerry. Itinago ni Jerry ang inis na nadarama, sa kabila ng mga napag-usapan nila nina Maricar at Candice, nawalan na sya ng tiwala kay Justin.

JULIAN: Kailangan natin silang hanapin, sampung minuto na lang ang natitirang oras magmula ng umalis kami sa sala.

Pagmamadali ni Julian. Hindi na nag-atubili pa ang mga ito at agad ng tumakbo upang hanapin si Randy at Nico.

Samantala, walang kamalay-malay sa oras ang dalawa at patuloy pa rin sa paghahanap ng silid. Hanggang sa isang silid ang kanilang nabuksan at sa loob noon, doon nila nakita ang mga nakakalat na mga ballpen sa mesa. Nagkatinginan ang dalawa dahil sa wakas malalaman na rin nila ang tunay na sagot.

Lumapit sila at hinanap ang dalawang ballpen na may stickers na sinasabing pagmamay-ari ni Kathleen at Randy na kanilang itinapon sa ROTC field ng university. Sa kanilang paghahanap ay nabigla ang dalawa dahil sa kanilang nadiskubre.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:55AM

Naiwan sa sala ang apat na babae at alalang-alala dahil hindi pa nagsisidatingan ang mga lalaki. Sa kanilang paghihintay ay nagsimula ng bumukas ang West Wall at muling nagsilabasan ang kanilang mga cubicle. Naroon pa rin ang bangkay ng dalawa nilang kasamahang sina Kathleen at Kyla.

GAME MAKER: Hello, kumusta na kayo? Wala pa rin bang progreso ang mga plano nyo?

Bungad sa kanila ng boses ng Game Maker. Naghalo-halo na ang kanilang mga nararamdaman, galit ang nadarama nila ng marinig nilang muli ang boses ng Game Maker, pagkalungkot naman ng makita nila ang patay na katawan nina Kathleen at Kyla ngunit mas nangingibabaw sa kanila ngayon ang pag-aalala sa iba pa nilang mga kasamahang lalaki. Hindi nila masyadong iniintindi ang mga pinagsasabi ng Game Maker, sa halip ay nakatuon ang atensyon nila sa lagusan at sa LED clock. Limang minuto na lang.

JESSICA: Ang tagal naman nila.

CANDICE: Kailangan nilang makahabol.

Patuloy sa pagtakbo sila Jerry upang hanapin ang dalawa. Hanggang sa hindi nagtagal ay nakita rin nila sina Randy at Nico na nagtataka at gulat sa kanilang pagdating.

NICO: Anong ginagawa nyo dito, Jerry?

JERRY: Kailangan na nating umalis, malapit ng magsimula yung laro.

Bigkas nila, hindi nagsayang pa ng oras ang mga ito at agad nang tumakbo upang bumalik sa sala.

Patuloy pa ring umaasa ang apat na babae na makakabalik ang kanilang mga kasama.

Two minutes left.

JOANNA: Nasan na ba sila?

MARICAR: Dalawang minuto na lang ang natitira, kailangan na nating pumasok sa mga cubicle natin.

JESSICA: Pero paano sila kuya?

CANDICE: Wala na tayong magagawa kung hindi sila makakaabot.

Malungkot na tugon sa kanya ni Candice. Binuksan na nila Joanna, Maricar at Candice ang kanilang mga cubicle habang nanatili pa ring nakatayo si Jessica sa kanyang pwesto at nakatuon ang atensyon sa lagusan, umaasang darating pa sila Justin.

01:59AM. Nang makita ni Jessica ang oras na ito ay sinimulan na rin niyang buksan ang kanyang cubicle. Habang sina Candice ay nasa loob na ng kanilang mga cubicle at tahimik lamang. Bago sya humakbang papasok sa loob ng cubicle ay nakarinig sya ng tunog ng mga sapatos na parang tumatakbo. Nilingon nyang muli ang lagusan at nakita nyang naroon sina Jerry tumatakbo papalapit sa cubicle nila.

JESSICA: Guys! Bilisan nyo.

Sigaw sa niya sa kanila, ngayon ay kampante nang makakapasok sa loob ng cubicle ang apat na babae. Nagmamadaling tumakbo papalapit sa kaniya-kiniya nilang mga cubicle ang mga lalaki.

Fourteen seconds left. Nilapag nila ang mga flashlight at saka binuksan ang mga cubicle. Sa pagmamadali ay nahulog pa ni Hiko ang susing hawak nya. Naunang nakapasok sina Justin, Alfie, Jerry, Randy, Nico at Julian habang naiwan pa sa labas si Hiko.

JULIAN: Hiko, bilisan mo!

Sigaw nila habang nasa loob sila ng mga cubicle.

Eight seconds left. Nahanap at napulot na ni Hiko ang susi. Agad nya itong ginamit sa pagbubukas ng pinto.

Five..

Four..

Three..

Nabuksan nya ang pinto at agad na pumasok.

Two..

One.. Kusang nag-lock ang kanilang mga pinto at kasabay noon ang muling paglabas ng puting usok sa paligid dahilan upang hindi nila makitang muli ang isa't isa. Napahinga ng malalim ang lahat dahil sa pag-aakalang maiiwan na sila sa labas. Ligtas man sila sa usok, hindi pa rin sila makakaligtas sa laro.

Nagsimula ng ihulog ang tatlong dice sa tatlong cubicle at magbilang ng sampu g segundo ang timer. Nahulog ang mga ito sa cubicle nina Joanna, Jerry at Julian. Pinulot nila ang mga dice. Gaya ng iba ay nagdadalawang isip din sila kung iro-roll ba nila ang dice o hindi, ngunit dahil sa takot na baka mangyari sa kanila ang nangyari kay Kyla ay agad din nilang binitawan ang dice bago pa man matapos ang sampung segundo.

ΦΦΦ END OF PART XVIII ΦΦΦ

••• Kyah!! Malapit naaaa!!! Hahaha.. Medyo nagiging active na naman ako. Ano, may sagot din ba kayo sa clue na binigay ng Game Maker?? •••

*** Who's next?? ***

Thanks for reading and voting -.-

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now