Dice Game - PART XVIII

Start from the beginning
                                        

RANDY: Tumigil ka nga, wala akong pakialam kung anong gustong isipin nila. Matakot sila kung matatakot sila, wala akong pakialam kahit mapatay ko pa kayong lahat basta maipaghiganti ko lang si Kathleen.

Dagliang bigkas sa kanya ni Randy dahilan upang mapatahimik sya sa mga sinabi nito. Nagulat sya sa mga binitawang salita nito, ang dating palabiro at masayahing si Randy ay agad na binago ng isang laro.

NICO: Naiintindihan kita, pero kailangan mo ring pag-isipan kung anong ginagawa mo.

Bigkas niya kay Randy, wala nang sinabi pa si Randy kundi ang tumitig na lamang sa kanya. Hindi na siya muli pang sumagot sa halip ay tumalikod at muling nagpatuloy sa paghahanap.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:48AM

Habang abala ang anim sa pagsasagot ng clue na ibinigay ng Game Maker ay muling nagpakita si Jessica sa lagusan na napansin ni Maricar.

MARICAR: Oh, andyan ka na pala. Naligaw ka na naman ba?

JESSICA: Ah, oo e. Hehe.. Me-medyo naligaw nga ako, pasensya na.

Bigkas nya habang papalapit sa kanila. Samantala, pinagmamasdan naman ni Julian ang mga mata ni Jessica habang nagsasalita ito. Bakit sya nagsisinungaling? Tanong nya sa kanyang sarili.

JESSICA: Teka, di pa rin ba bumabalik sila kuya?

Agad na naalarma ang lahat at napatingin sa LED clock. 01:50AM. Shit! Malapit nang mag-alas dos. Hindi nila namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-iisip sa clue. Agad na nagsitayuan ang lahat sa pagkakaupo sa sahig.

JERRY: Puta! oo nga pala, kailangan na nating sunduin sila Randy sa taas.

Hindi na agad na nag-atubili pa si Jerry, kinuha nya ang natitirang tatlong flashlight at ibinigay ang dalawa kay Julian at Hiko. Tumakbo ang tatlo upang umakyat sa taas at ang tanging mga naiwan sa sala ay ang apat na kababaihan.

HIKO: Bakit di pa sila bumababa? hindi ba nila alam kung anong oras na?

JULIAN: Hindi natin alam, maaaring walang mga orasan sa taas.

JERRY: Tama si Julian, iba ang itsura sa taas. In fact, kaya ko kayo pinagdala ng flashlight kasi sabi nila, wala daw kailaw-ilaw sa taas.

JULIAN: Ibig mong sabihin walang nagbago sa taas?

JERRY: Parang ganun na nga.

HIKO: Teka, anong ibig nyong sabihin?

Tanong ni Hiko. Naalala nilang dalawa na hindi nga pala nanggaling sa itaas si Hiko.

JULIAN: Makikita mo rin.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:52AM

Patuloy pa rin sa paghahanap ang apat. Kahit na nanganganib na ang buhay nila dahil hindi nila namamalayan ang oras.

Sa paghahanap nina Justin at Alfie, nabuksan nila ang isa sa mga silid kung saan naroon ang mga kadena na nakapatong sa kama.

JUSTIN: Dito kayo nanggaling kanina?

Reaksyon ni Justin na para bagang namamangha.

ALFIE: Oo, dyan galing yung iba nating kasama, nakatali sila ng kadena.

Habang nakatayo sila sa harap ng pinto ay narinig nilang mayroong tumatawag sa kanilang pangalan. Nilingon nila ito at nakita sina Julian na tumatakbo papalapit sa kanila.

ALFIE: Guys! Anong ginagawa niyo dito?

HIKO: Sinusundo namin kayo, malapit nang magsimula yung susunod na laro.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now