RBW II: Obsession

Începe de la început
                                    


**


" Ceres " Nabigla si Light nang mapagsino ang babaeng pababa sa hagdanan. Nangingilid ang luha nitong papalapit kay Light. Sa gitna nang kuwarto ay naroon si Monique, ang mga alagang ghouls na kalahating halimaw na paikot-ikot sa baba nito ay limitado lang ang galaw. May Barrier na nakaharang para hindi ito sumugod sa iba.


" Inaasahan kong darating ka .. pinagtatangkaan ni Crescent ang buhay ko. Gusto niya kong patayin, lahat gusto niyang wasakin " tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Ceres.


" Monique! " Si Light na nakita na itong nakabitin. Lalapitan niya ito nang may barrier na nakaharang. Tila iyon salamin ngunit kahit anong gawin niya hindi iyon bumubukas, hindi rin siya naririnig nito kahit anong pukpok ang gawin niya. Kinuha niya ang espada, pinigilan siya sa braso ni Ceres.


" Light, maliligtas mo lang silang lahat kung tatanggalin mo ang mahikang nakalagay sa itim na libro ni Crescent. Kaya mo yung gawin hindi ba? nangako si Neo, palalayain niya tayo sa lugar na 'to at maliligtas mo sila basta isuko mo ang mga impormasyong kailangan niya! " si Ceres, tinignan ito ni Light.


" Libro? "


" May libro si Crescent na hawak ni Lyra, hindi siya mahawakan ninuman dahil sa spell na nakaharang. Nasisiguro ko na matatanggal mo ang spell!" si Ceres.


Tinitigan ito nang husto ni Light. " Ceres .. " Nabigla si Ceres ng itulak siya nito kaya napaupo siya sa pagkawala ng balanse. Tumingala siya dahil kaunting galaw niya lang babaon sakanya ang talim ng espada ni Light na tinutok nito sa leeg niya.


" Sinasabi mo ba na pagtaksilan ko si Crescent?! " nagbago ang kulay ng mga mata ni Light sa pagiging kulay dugo. 


" Light anong ... " 


" Tumahimik ka! Matagal ka ng namatay kaya hindi ka dapat nandito! " Kitang-kita niya ang galit na lumarawan sa mga mata nito. Agad siyang naglaho sa harap ni Light. Nawala ang mga luha niya, hindi niya akalain na may balak itong patayin siya. Ilang hakbang na ang layo niya dito at tuluyan ng nakatayo si Ceres.


" Light! anong nangyayari sa'yo?" - Ceres


" May kakaiba bang nangyayari sa'kin?" sumilay ang nakakalokong ngiti nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Ceres sa nakita. 


" Kapag nagmahal ako, dinadala ko sa hukay. Doon hindi niyo ko iiwanan hindi ba? kapag namatay kayo hindi na  'ko mahihirapang hanapin at sundan kayo " Papalapit na si Light sakanya, hindi niya alam kung bakit napapaatras siya dito. 


Nakita niya na minsan ang ngiti na 'yon kay Crescent. Hinding-hindi si Light ang kaharap niya " Si Light ka nadadama ko,pero bakit ka ganyan ... "


" Dahil gusto kong hindi ka na mapagod. Dadalhin kita sa mahabang pagtulog, kung saan hindi ka makakatakas at makakapunta sa ibang lugar. Hindi ba masaya 'yon? " ngiti pa nito."Babantayan ko kayo, hindi ko kayo iiwanan. Napapagod akong habulin kayo, hindi ko rin gusto na mag-away kayo.. " 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum