Chapter 31: Home

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pahingi nga ako ng recipe ng gayuma mo, Trace. Feeling ko mas yayaman ako riyan kesa magpakahirap ako sa pagsusulat," pang-aasar ni Lucienne.

"Hindi ko kailangan ng gayuma. Magsulat ka na lang," nakangusong sabi ni Trace.

Nginitian ko ang babae. "Kasi isusulat mo pa ang story namin."

Lucienne blinked with a blank expression on her face. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Trace. "Akala ko mahahawaan ni Ember ng katinuan si Trace pero parang iba ang nangyayari."

"Kesa ma-stress nga naman siya eh di i-embrace niya na lang ang pagkatao ni Kuya." Nilagay ni Domino ang hintuturo niya sa ilalim ng baba niya na parang nag-iisip. "Bagay niyo na couple name 'yon ah? Embrace."

Inangat ni Trace ang nakakuyom niya na kamay sa direksyon ko. I tightened mine into a fist and bumped it with his.

Inakbayan ni Thorn ang asawa niya. "You need to start accepting it. Nakahanap na si Trace ng kakampi niya."

Lucienne harrumphed. "I only like the other half of Embrace. Ayoko sa mga alien. Si Ember lang ang taga-planet Earth sa kanilang dalawa."

I just laughed at her words. Sigurado ako na isa siya sa pinakamasayang tao para kay Trace. Iyon nga lang ay sadiyang parte ng relasyon nila ang makahanap ng ipang-aasar sa isa't isa. He told me about the meaning behind the 'special halo-halo' that he said to me on the rooftop and how Lucienne went to him to shake some sense into him.

"Gutom na ako."

Lahat kami napatingin kay Axel na siyang nagsalita. Nakapaikot ang isa niyang braso sa beywang ng asawa habang ang isa pa ay kipkip naman ang isang malaking tupperware container. Hindi lang siya ang may dala niyon kundi maging ang iba pa niyang mga kapatid. Iyong kila Thorn nga lang ay si Lucienne ang may dala.

I shook my head at them, and I let go of Trace's hand so that I could take a step forward to the front. Bago pa may makapagsalita sa kanila ay pinindot ko ng tatlong beses ang doorbell.

"Hala isa lang. Winarningan na kami dati ni Gun kasi pinaglaruan namin nila Trace ang doorbell nila dati," nakangiwing sabi ni Lucienne.

Oops.

Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Trace palayo sa harapan ng camera sa may doorbell. The butterflies in my stomach flutter when he moves in front of me as if shielding me from the wrath of his brother.

Since the moment I completely admitted to myself that I love him, there has been a change in how I receive Trace's actions towards me. It's like there's a switch inside me that frees everything. If I thought the rush of what he made me feel was intense before, this time it's even more so.

I have never been in love. There wasn't one time where I even got infatuated with someone. So to feel this way—something so extreme that it exceeded everything that I felt before... it's bewildering. It's like knowing that the sky is blue but never really seeing how blue it is. That sometimes its blue is as light as a glacier, and other times it is as rich and deep as the ocean.

Napakurap ako at ipinilig ko ang ulo ko nang mapagtanto ko na nakatingala at nakatulala pala ako kay Trace. Nahagip ng mga mata ko si Thorn na nakatingin pala sa akin. The corners of his eyes crinkled as if he were finding me amusing.

I heard the door open, followed by what could only be described as a growl. "What?"

Sumilip ako mula sa likod ni Trace at nakita ko si Gun na magulo pa ang buhok na parang kagigising lang. Except that his hair is wet and his eyes are very awake. Mas mukha ngang tamang sabihin na nagliliyab ang mga mata niya. Hindi nga lang sa galit kundi sa isang bagay na nagpapatunay na tama lang na hindi kami basta pumasok sa bahay nila. Parang nakaistorbo ata kami.

Dagger Series #5: UnbowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon