Chapter 16: Detonate

12.6K 727 147
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

CHAPTER 16: DETONATE

EMBER'S POV

For the umpteenth time, Trace's gaze was drawn to my feet. Hindi ako sigurado kanina kung anong tinitignan niya pero dahil ilang ulit niya ng ginawa iyon ay ngayon ay natitiyak ko na kung ano ang nakakuha ng atensyon niya. His eyes went up, and I saw him flinch a bit when he saw that I was looking at him through narrowed eyes.

"Why do you keep looking at my feet?" Nagdududang pinakatitigan ko siya. "Do you have some kind of a weird fetish?"

Namula ang mukha ng lalaki at nilingon niya ako nang huminto kami sa stop light. "I'm not looking at your feet. I'm looking at your shoes."

Nagbaba ako ng tingin sa suot kong sapatos. It's an ivory satin stilleto heels with studded ankle straps. It's a Jimmy Choo and a gift from one of my sponsors for my birthday two years ago. Bihira akong bumili ng mamahaling sapatos, damit, o bag. Wala naman akong masyadong paggagamitan ng mga iyon. Bumibili man ako ay minsan lang at kapag alam ko na may dadaluhan akong importanteng events. And some are from my father.

"Why? What's wrong with them?"

"They look uncomfortable to wear. Your feet will hurt later."

I shrugged. "You have a gun, I have my stilleto."

"Are you planning to use it as a weapon?"

"If the situation arises."

Umangat ang sulok ng mga labi niya pero hindi na siya nagkomento pa. Muli niyang pinaandar ang sasakyan nang magkulay berde ang traffic light.

It's the first time we've had a conversation since we left Tagaytay. I'm annoyed at him for turning off my alarm and for not waking me up, so I'm giving him the silent treatment. Alam kong sinadiya niya iyon para hindi ko magawang makasama sa pagpunta sa ama ko. Thorn and Gun have a meeting with him about the termination of the contract. Nang magising ako ay paalis na sila at hindi ako makakasabay dahil kailangan ko pang mag-ayos.

Nagbaba ako ng mga mata sa suot ko na relos. We still have time. Even if they have already started the meeting ay maabutan pa rin namin sila.

"Basement parking," sabi ko kay Trace nang mamataan ko ang pamilyar na building.

"Tatawagan ko muna si Kuya Thorn para mabigyan tayo ng authorization—"

"They'll let us in." Nang bumuka ang bibig niya para magsalita ay inunahan ko siya. "Trust me."

His eyes flashed, recognizing the familiar words that he always asks of me. Tumango siya at pagkatapos ay iniliko niya ang sasakyan na may signage na nagtuturo papunta sa basement parking.

Gaya ng inaasahan ay kaagad hinarang ang sasakyan namin ng lumabas na security guard. Trace rolled down his window, and the guard leaned down as if to speak to him. Iyon nga lang ay natigilan ang security guard nang mamataan ako at bahagyang nanlaki ang mga mata niya na iminuwestra niya sa kasamahan niya na iangat ang harang para makapasok kami.

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now