Chapter 13: Dare

11.6K 756 234
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

CHAPTER 13: DARE

EMBER'S POV

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napahikab. Malalim na rin kasi ang gabi at nabusog din ako masyado sa naging dinner namin na thankfully ay maraming vegan options. Saka may dala rin si Lia. She was worried na baka wala akong makain. How sweet is that?

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko at bahagya iyong inilayo sa apoy na nasa harapan ko.

"You might burn yourself," Trace said while eyeing the stick I'm holding.

Nagdala kasi si Lucienne ng marshmallows. She even bought a vegan one so that I could have some too. They are all so considerate.

"Nasaan sila Lia?" tanong niya.

Tanging si Coal at Domino na lang kasi ang kasama ko. They are at the opposite side of the fire. Kanina ay nandito rin sina Lia at Gun pero nagpaalam sila na may kukunin lang daw sa kuwarto nila sandali. Iyong iba naman kasi na mga kapatid ni Trace ay susunod na lang daw at mauna na kami rito.

"May kinuha lang sa kuwarto nila," sagot ko.

Nakangising bumaling si Coal kay Trace nang marinig ang pinag-uusapan namin. "Maybe Kuya Gun impressed Lia with his fire-starting strategy that he's showing it to her again."

"Duda rin ako kila Kuya Thorn." Nalukot ang ilong ni Domino. "Saka sina Belaya at Kuya Pierce. Baka mga nagpapakitaan ng camping skills nila."

Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang nakababatang Dawson. "Is that... safe?"

"Hindi naman kailangan ng maging safe nila Kuya Pierce," natatawang sagot ni Domino.

"I don't think they should do that inside the room. They might trigger the automatic sprinklers. Pwede naman nila ditong gawin na lang."

Coal and Domino burst out laughing. Trace glared in their direction before he took a seat beside me. Iniladlad niya ang hawak niya at napagtanto ko na jacket iyon na may logo ng Dagger. Iyon siguro ang kinuha niya kanina nang umalis siya sandali.

"Nilalamig ka?" tanong ko kay Trace.

"Hindi para sa akin 'to."

Hindi ko na nagawang makapagtanong muli nang siya na mismo ang nagsuot sa akin niyon. It's a little chilly outside, and I've been rubbing my arms to keep warm.

"May jacket din ako na dala," sabi ko.

"I don't want to touch your stuff without your permission." He pulled the zipper up and gave me a small smile. "This will do for now."

Iginalaw ko ang mga kamay ko. Masyadong mahaba ang mga manggas ng jacket. I look like a child in it.

Nangingiting inirolyo ni Trace ang sleeves ng jacket at nang matapos siya ay pinakatitigan niya ako. There's something in his eyes that tells me that he enjoys seeing me in his clothes.

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now