Chapter 27: Rewind

11.5K 682 158
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

CHAPTER 27: REWIND

EMBER'S POV

Tumalon mula sa likod ng pick up si Trace at sumilay ang ngiti sa mga labi niya bago ako kinawayan. "Can you move away from that cliff, princess? I'm about to have a heart attack, and I'm too handsome to have such an anticlimactic end."

Kung umakto siya ay para bang normal na tagpo lang ang nangyayari sa paligid namin. Kung sabagay. Sanay naman silang gumawa ng mga ganitong senaryo.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako napapailing na lumapit sa kinaroroonan ng ama ko na ngayon ay pinapakalma ng kapatid ko na si Ellena.

"I'm okay, Pa," I said to him with a small smile.

"We're not trusting anyone again that is not family," he said through gritted teeth.

"Cristiano saved me—"

"Anong si Cristiano?" si Trace ang nagsalita na nakalapit na sa amin. "How about me?"

"Cristiano's fighting for his life. Have some sensitivity, Kuya," napapapalatak na sabi ni Coal.

"Gerona wasn't a good shot. Cristiano will live." Ngumuso si Trace at tinuro ang leeg. "Ako talaga muntikan na."

Nakangiting lumapit siya sa akin at inilapat niya ang magkabila niyang kamay sa mga balikat ko. I felt him squeeze them gently, and even though he was being his usual self and trying to lighten up the mood, I could read the worry in his eyes.

"That asshole didn't pull you too hard?"

"I'm okay," I answered.

"Nothing hurts?"

"Nothing that I can't handle."

Pinisil niyang muli ang balikat ko. He's clearly not satisfied with my answer. He rubbed his hands up and down my arm as if offering comfort even without me asking.

"Want me to do something about it?" he asked.

I have a feeling that he'll do something about it even if I refuse. Hindi na ko magtataka kung kamao niya ang susunod na tatama kay Gerona kapag nahimasmasan ang lalaki. "I think my father beat him enough for everyone."

"Not enough." Napabaling si Trace kay papa. "Pero siyempre tiwala ako sa tikas mo, Sir. Ikaw pa ba eh parehas tayong astigin?"

Nang lumingon ako sa ama ko ay nakita kong naniningkit ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. His eyes stopped on me, and then he tilted his head in Trace's direction. "Sigurado ka na ba sa isang 'to? I could introduce you to men who will not give you a permanent headache."

Nakangising inakbayan ni Trace ang ama ko na binigyan siya ng masamang tingin. Iyon nga lang ay parang immune doon ang binata. "Ikaw naman, Pa. Bakit mo naman hahanapan ang prinsesa natin ng iba kung nandito na ang the best?"

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now