Chapter 2: Guide

15.1K 824 227
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

CHAPTER 2: GUIDE

TRACE'S POV

Narinig kong napabuntong-hininga ang nakababata kong kapatid na si Coal bago niya ako nilingon. Lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang makita niya ang nagpapaawang tingin na kanina ko pa binibigay sa kaniya at kanina pa rin niyang pilit na hindi pinapansin.

"Can we not do this now? We're working," he grumbled.

Parehas kaming nakatayo malapit kay Damian Salazar, the son of the president of the Philippines, owner of a sports manufacturing company, and a close friend of ours. He was invited to be one of the guest speakers and award presenters for the event here in Lausanne, Switzerland.

Inignora ko ang huli niyang sinabi. Damian don't even need us to be here kung hindi lang nagpumilit ang ama niya. If he hadn't convinced his father that he'd bring his own bodyguards, Thomas Salazar would have forced him to bring a whole unit. "Isang linggo ka na kayang hindi nagpapakita sa headquarters."

"Busy ako."

"Saka ka na maging busy sa pambababae mo—" Nang lalong sumama ang tingin niya sa akin ay nilawakan ko ang pagkakangiti ko. "Ibibigay ko sa'yo lahat ng number ng mga babaeng nasa contact list ko."

"Those who friendzoned you?"

Sa pagkakataon na ito ay siya naman ang binato ko ng matalim na tingin na balewala lang naman sa kaniya. Anong magagawa ko kung sadiyang friendly ako?

Coal sighed. He knows he has no match when it comes to my persistence. "What do you want?"

Kaagad na kinuha ko ang papel na lagi kong dala-dala at ibinigay ko iyon sa kaniya. It looks tattered because I've been carrying it for more than a year. Nagsalubong ang mga kilay ng kapatid ko at nang mag-angat siya ng mga mata sa akin ay para bang kinukuwestiyon niya kung nasa tamang pag-iisip pa ako.

"You want me to find this person?"

"Yeah. Pinapahanap ko na siya kay Kuya Axel pero baka matagalan daw ng kaunti. You know how busy he is."

Dapat ay pinahanap ko na siya noon pa pero kakakasal lang noon ng kapatid ko at ng asawa niyang si Mireia. He's been minimizing his responsibilities last year so that he could focus on her after everything that she's been through.

Coal stared at the paper I handed him again. "She's... yellow."

"Does it matter?" I rolled my eyes. "Arctic gave me a yellow pen. Iyon lang ang meron ako nang i-drawing ko 'yan. It's just a rough sketch but it might be helpful to you."

"Rough..." Coal shook his head. "Hindi ako ang makakatulong sa'yo. Maybe you should ask Matt Groening."

"Matt who?"

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now