RBW II: Her Weakness

Start from the beginning
                                    


" Napansin mo din? kakaiba siya. Hindi ko nadadama sakanya ang mga negatibong enerhiya. Hindi kaya nag split siya sa dalawa? " ngiti ni Neo.


" Sobra na siya sa kakayahan kung pati ang paghahati sa sarili niya nagawa na niya. Ilang beses niya kong muntikan ng patayin, hindi niya ginagawa dahil kay Light .. Nawala ang mga alaala niya, nasisiguro ko. Hindi niya magagawang magmahal ng iba kung may alaala siya. " nakatitig sila kay Crescent sa screen na patuloy lang sa pagpasok. " 


" Marahil dahil sa nawawalang mga alaala niya kaya hindi na siya ganoon kung titignan. " sinulyapan ni Ceres si Neo.


**






IMPERIAL CITY


" Pababagsakin ang Palasyo?! " sabay-sabay na tanong nila Kae, April kay Tomo. Tumango-tango naman si Frances, naroon sila sa cabin. Naguusap sila habang nasa kama si Shin at naglalaro ng baraha.


" Tomo.. tomo .. bigyan mo ko ng panibagong kanta " si Shin kaya natigil sila sa pag-uusap.


" Ha? ano ? " nag-isip ng kantang pambata si Tomo.


" London bridge " si Kae na nginitian si Shin.


" Salamat! " ngiti ni Shin, alam na nila ang sunod na itatanong nito. 


"Paano kantahin? " si Shin na nginitian sila ng husto.


Kinanta naman ni April at lalong lumuwang ang ngiti nito at binalik na ang atensyon sa ginagawa.


" Gusto ko lang makita ang kapatid ko sa huling pagkakataon " ani April na nakangiti. 


" Ang Circle of destruction ay nakamamatay. Gagawin ko nang walang alinlangan ang Circle of destruction sa pagpupula ng buwan " si Frances,


" Hindi ko din bibiguin ang Panginoon sa bagay na 'yon. Hindi ko man masilayan ang mundong iyon, magiging masaya na'ko na pumanaw na alam kong may nangyari " si Kae.


" Desperate attack natin ang Circle of destruction. Dalawampung minuto ang pagbuo niyon, paano natin masisiguro na hindi tayo mapapasok ng imperial Generals? Malalakas sila, higit sa'tin marahil. " si Frances na ang tingin ay kay Tomo.


" Ang circle of destruction ang magpapalabas sa totoong Chain ng Panginoon. Kung hindi natin mapagtatagumpayan ang bagay na 'yon matatalo tayo sa laban na hindi natin matatanggap. Kailangan mawasak ang Imperyo bago pa man dumating ang mga anghel " sinulyapan ni Tomo si Shin, tama halos lahat ay kalaban na nila. Hindi papayagan ang pagkabuhay ng Thanatos, isa itong banta sa Eros na sinasabing anak ng isang tao at isang anghel.


" Malakas na tayo, hindi na tayo tulad noon kakayanin natin 'to " si Kae na ngumiti . Walang halaga ang buhay kung matatakot ka, kung hindi sila kikilos maaring ang mundong kinabibilangan nila ay tuluyan ng mapasailalim ng Imperyo at magkaroon ng impiyerno sa lupa.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now