WA [DR] 26 - The Real Journey Starts

Magsimula sa umpisa
                                    

Still, my name is Veronica Nalia Savannah Delacroix... kagaya ng nasa panaginip ko. Nathalia ang dala ko. Sa sobrang haba ng pangalan ko, ipinagbuti nilang 'Nathalia' na lang ang gamitin kong palayaw.

The longer the name, the higher the family's rank.

We are now on our way to Sleekhedo. Dito ang meeting place para sa lahat ng papasok sa Worthwood Academy. When you're at the right age, you will be given the letter which contains the approval of your admission to that school. Lucky for me that I have one.

Nasa puso na kami ng Sleekhedo at kitang-kita namin ang dami ng mga estudyante. May mga mas matatanda pa sa amin ni Liz, may mga kasing edad rin na wari ko'y magiging kaklase namin.

"Hihintayin na lang namin hanggang sa makapasok kayo sa portal." Iyon ang sabi sa amin ni Mama Ade.

Hinila ni Liz ang kamay ko para mapabaling sa isang gawi."Tignan mo sila Ate oh. May mga wands din sila katulad ko." Tinuro ni Liz ang mga nagkukumpulan sa gilid.

"Baka maging kaklase kayo niyan." Sabi ko.

Tumango siya, "Siguro nga." Bigla siyang napabuntong hininga at kinalabit ako.

Napatingin ako sa kanya. Nakanguso at parang binagsakan ng langit, "Oh bakit?" Tanong ko.

"Hindi nga pala tayo sa iisang tirahan titira." Malungkot niyang sinabi.

Napataas ang kilay ko. "Bakit naman?"

"Ang sabi kasi ni Mama, magkaiba daw ang tinitirahang bahay ng Sorcery at Elemental."

Bigla ko ulit naalala ang panaginip ko. May pangyayari doon na tinutulungan niya akong hanapin ang magiging bahay ko saka pinangaralan na rin niya ako tungkol sa pagkakahiwalay ng dalawang bahay."Yup. Witches and Wizards don't live with elemental users and also, they don't have the same classes." That was what she said.

Naalala ko na naman. Pinalibot ko ang tingin. Oo nga. This is the exact spot. Bigla akong humiwalay sa kanila at tumayo sa gitna.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong ni Mama.

Napadapo ang tingin ko sa kanya. And there I saw myself... parang tanga lang. Naupo ako ulit. "Opo ma." Saka ko binaling ulit ang tingin sa paligid. Rinig ko ang mahinang tawa ni Liz. Pinabayaan ko na lang.

As I was roaming my vision around... Halos natigil ako sa paghinga dahil sa hindi ko inaasahan na makita. What the hell! Napatitig ako sa taong nahagip ng mga mata ko. Seriously? Totoong buhay siya? I can't believe this! Now that the urge is filling in, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. The adrenaline is on its peak once again. I feel agigated right at this moment.

Naramdaman ko na lang ang palad ni Liz sa noo ko. "Ate, namumutla ka. May sakit ka ba?"

Umiling ako, "W-wala. May naalala lang ako."Alam kong siya nga ang taong 'yon.

I can still remember her body built, the hair color and the face features. Alam kong sa panaginip ko lang siya nakita pero siguradong-sigurado akong siya nga ang taong 'yon. Kahit na magpustahan tayo, alam kong si Xynthea Summers ang taong namataan ko sa may gilid ng malaking puno. Dala niya ang parehong bag na dala niya nung una kaming magkita.

Now, tell me if I am still dreaming... kailangan ko atang gumising.

This is way beyond reach. Nakakabaliw na ang sobrang pag-iisip sa bagay na sa panaginip ko lang nasaksihan. And the worst part is... I saw myself lying helplessly cold and dead at the floor. So, ano ba sa tingin niyo ang dapat kong maramdaman? Should I be happy or what? Because to be honest, I don't know anymore.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon