XXXIX.

33 3 0
                                    

Naupo na kami sa lamesa,
Um-order na rin sila.
Hati-hati kami sa magiging gastos,
Sayang nga lang at 'di ko 'to natuos.

Maingay sa paligid dahil sa lakas ng musika.
Tila ba ang lahat ng naririto ay sobrang saya,
Walang ibang iniisip na problema,
Wala ring nagaganap na pagdadrama.

Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin,
May kasama na rin 'yong alak matapos ihain.
Nagsimula na kaming magpakasaya,
Nakiayon na lamang ako at winaksi ang pag-aalala.

Mapait ang alak, maski ako'y 'di 'to gusto.
'Di ko alam pero bakit kaya ang daming nahuhumaling dito?
Para ba makalimot sa masalimuot na nakaraan?
Kahit na sakit ng ulo ang hatid nito kinabukasan?

SilakboTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang