XV.

597 16 16
                                    

Abala ang lahat sa pagluluto.
Ako, nakatanga lang at nakanguso.
Takot din kasi ako sa kutsilyo,
Muntik nang maputol no'n daliri ko.

Ang dami talagang handa,
Ako mismo, nalulula.
Tila imbitado ang buong baryo,
Tiba-tiba ang mga dadalo, tiyak 'to.

Si Ate, nakabingwit ng mayaman.
Idolo ko talaga 'yan, kailanman.
Itinaguyod niya ang aming pamilya,
Marapat lang na siya'y sumagana.

Mamayang tanghali, nandito na sila.
Hindi na 'ko makapaghintay pa.
Napatingin ako sa may langit,
Nais ko siyang yakapin nang mahigpit.

SilakboWhere stories live. Discover now