XXXV.

52 2 0
                                    

Nakita ko na naman si Arman,
Wala akong balak na siya'y sundan.
Sa kamandag ng jowa siya'y akit na akit,
Nakaramdam na naman tuloy ako ng pait.

Gano'n naman talaga sa umpisa,
Pag-iwas ay higit na mahalaga.
Sa pag-iba ko ng direksyon,
Kalooba'y 'di na nagrigudon.

Sa aking pagpapatuloy, napaisip akong bigla,
Paghihiganti kay Trina, ako'y walang mapapala.
'Di naman siya ang sa aki'y higit na nangwasak,
Huwag na dapat ituloy ang planong pagresbak.

Pagkatungo ko sa bago kong mga kaibigan,
Sila'y nagkakaigihan at naghahalakhakan.
Pagkaupo ko sa tabi ni Betina,
Munting luha, dumaloy sa 'king mukha.

SilakboWhere stories live. Discover now