Chapter 32: Christmas and New Year

Start from the beginning
                                    

"Bad trip naman! Nabawasan pa ko ng bente! Cornetto na rin sana yun!" Iiling-iling na saad ni Liam.

"Told ya guys! She's stupid!" Sabi ni Vince habang nambebelat kay Sophia at sa mga kabanda ko.

"Di ko gets anong meron?" Medyo shunga pero di ko talaga gets.

"Tinamaan nanaman ng pagkatanga..." bulong ni Almira.

Sabay-sabay silang napatampal sa noo at napailing.

"May nangyari bang masama sa kanya? Natapilok?"

Umiling silang lahat.

"Natae? Naaksidente?" Umiling nanaman.

Binatukan akong bigla ng kapatid ko.

"Aray ha!"

"Di ko alam kung ate ba talaga kita e. Tss. Tanga! Ayun siya oh!" At tinuro sa direksyon ni Santa.

"Ahe he! Huy Paulo! Ano nakikita mo ha? May multo ba? Huwag mo kong t-takutin. Hehe!"

"SIYA SI ZANE OKAY?!" Sabay-sabay nilang sigaw habang nakaturo kay Santa.

Huhuhu! Nababaliw na sila! Help!

Biglang nagtanggal ng balbas si Santa. May inalis din siyang malaking unan si tiyan at biglang nag-transform at naging Zane. Woah! Awesome!

Umiiling siya. "Sabi sa inyo e. Mananalo kami sa pustahan!"

"Anong pustahan?"

"Huhulaan namin kung mauuto ka naming ako si Santa. Kaming apat..." tinuro si stef, Almira at Vince. "Sinabi naming syempre oo. At sila naman, hindi daw. Ang matatalo, magbabayad ng bente sa nanalo. So ayun, kami ang winner kaya may bente kami."

"Aaaaahhh...." pinagpustahan lang naman pala nila kung mauuto ako...

"TEKA NGA! GINAGAWA NIYO BA KONG TANGA!" Bulyaw ko. Nagtawanan lang silang lahat na mas kinaasar ko pa.

"Huy Iyah! Hinaan mo nga yung boses mo. Nakakahiya sa mga bisita." lumabas si nanay mula sa kusina na may dalang carbonarra. Tumingin siya sa kanila. "Good evening! Merry Christmas! Pasensya na kung konti lang ang handa namin ha."

"Okay lang po yun. Kami nga po ang dapat humingi ng pasensya kasi walang pasabi kaming bumibisita." sabi ni Zane kaya syempre kinilig nanaman si madur.

"May dala din naman po kaming pagkain." Lumabas yung mga lalaki. Pagbalik nila parang nagkapiyesta. May lechon, pansit, lengua, steak at caaaaake!

"KAINAN NA!" Sigaw ko with so much enthusiasm.

Habang hinihintay naming mag-twelve o clock, naglaro kami, nagkantahan, nagsayawan, kwentuhan, tawanan tapos kain ulit. Ang saya-saya talaga! Pero mas masaya sana kung nandito din si Blaine at nakikiisa.

Hay. Sobrang namimiss ko na yung lalalaking yun. Simula kasi nung umalis siya, wala na kong--kaming naging communication with him. Kahit man lang sana ngayong Pasko, tumawag at bumati siya.

Hay nako! Good vibes lang okay? Good vibes!

Naglalaro ulit sila ng newspaper dance habang kami ni Stef, umupo na kasi talo kami.

Pipikit na muna sana ako para magpahinga nang kausapin ako ni Stef tungkol sa mission ng H.Q.D double H. Z-- ang makakuha ng ebidensya na bading si Zane.

"Doing great na ba bakla? Mukhang close na kayo ha?" Pabulong niyang tanong. Naging uncomfortable naman ako bigla. Ayoko muna sanang sabihin na nagawa ko na yung mission at kailangan na lang ibulgar. Kasi kapag sinabi ko yun, iisipin ni Bunchkin napaka-traydor ko. Magagalit siya, at matatapos na lang ang friendship namin. Sa totoo lang ayoko nang mangyari yun kasi masasaktan nanaman siya at iiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now