Habang nakikinig ako sa kwento niya hindi ko mapigilan ang hindi maluha. Hindi sa’kin ni Lola nakwento ang bagay na ‘to, hindi ko rin naman siya masisisi kung wala rin siyang alam tungkol dito, dahil baka hindi rin siya napagsabihin ni mama. O ‘di kaya ay ayaw lang ito sabihin sa’kin ni mama.

“I’m sorry anak, patawarin mo ako sa nagawa ko sa mama mo.” Hinawakan ni Mr. Fernandez ang kamay ko at nagsusumamo akong tiningnan. “Sana patawarin mo ako, Alisha.”

“Pa-paano niyo po nalaman na anak niyo ako?” ‘yan rin ang kanina pang bumabagabag na tanong sa’kin.

Tipid niya akong nginitian. “Your eyes, Alisha is like a reflection of mine. Mabilis ko rin nalaman na anak ka ni Marina because you look like your mom, Alisha. That’s why ‘yung una kung kita sa’yo ay hindi kana mawala sa isip ko. Naisip ko si Marina sa’yo but I also have a doubt at first, but everytime I see you nakikita ko siya sa’yo.” Marahan niyang pinasadahan ng kanyang kamay ang aking pisngi.

Tumango ako.

Totoo ang sabi rin sa’kin ni mama ay kamukha ko si mama ko at nakikita niya rin daw si mama sa akin. Mahabang katahimikan ang bumalot ulit sa aming dalawa. Pinapakiramdaman ang bawat isa, ako ay prinoproseso ang kanyang sinabi.

“Zach, help me to found out more about my daughter, you.” Sabi niya.

Napalingon ako sa kanya. Si Zach? May alam rin siya?

“Can I hug you again, Alisha?” nag-aalinlangan na tanong sa’kin ni Mr. Fernandez.

Nag-aalangan pa man ako sa kanya, pero tumango at ngumiti parin ako sa kanya at pinayagan siya sa gusto niya. Niyakap ko rin naman siya pabalik at pinikit ang mga mata ko at ninamnam ang kung anong pakiramdam ng yakap ng isang ama.

Napangiti ako at tila naiiyak na naman.

“What?” may pagtatakang tanong ni Zach sa’kin na hindi naman makatingin sa’kin dahil sa paninitig ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at hinarap ako.

Siya naman ngayon ang nasa tabi ko dahil umalis saglit si Mr. Fernandez…papa—pinilig ko ang ulo ko. Hindi parin ako sanay na tawaging papa si Mr. Fernandez, naiilang ako. Kahit ‘yun ang request niya sa akin— dahil may biglang tumawag sa kanya at inistorbo ang yakapan naming dalawa. Pagtayo niya ay siya namang paglalakad palapit ulit sa amin ni Zach.

Pinanliitan ko siya ng mata ko.

“Alam mo?” tanong ko kay Zach kahit alam ko naman na ang sagot. “Kailan mo pa alam na anak ako ni Mr. Fernandez—ni p-papa?” nabulol pa ako.

Natawa siya kaya hinampas ko ang braso niya.

“Okay, chill… did you remember when we went to the shore? You mentioned your dad there. I couldn’t sleep that night. I  Contemplating and connecting what Jake and uncle Ronald said to me. At lahat ng naiisip ko… lahat ‘yun ay nagtuturo sa iisang tao lang… sa’yo.” Mariin niya akong tinitigan.

Hindi ako kumibo. Attentive lang akong nakikinig sa kanya.

“No’ng una hindi ako makapaniwala. So, I simply took your hair fiber and I ask my friend to run a test together with uncle Ronald.” Umawang ang labi ko at magsasalita na sana ng inunahan niya ako nag-iingat na ngayon sa sasabihin niya. “I know it was an insult to you for not having your consent, I’m sorry.”

“Ikaw…” suminghap ako, hindi madugtungan ang sasabihin.

“I’m really sorry, baby, please forgive me.” Nagsusumamo niyang sabi sa’kin sabay yakap at baon ng kanyang mukha sa leeg ko. “When we heading towards here, my friend called me confirming to me that your hair DNA results and uncle Ronald are match.” Paliwanag niya pa.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon