Chapter 12

245 21 0
                                    

Chapter 12

“Sir Zach! Sandali!”

Pasakay na sana siya sa kanyang kotse ng sundan at tawagin ko siya. Huminto siya sa akmang pagpasok sa loob ng kotse niya at tiningnan niya ako ng nakakunot ang kanyang  nuo, hinintay niya akong makalapit sa kanya.

“What?” Tanong niya ng makalapit ako sa kanya.

“Ah, Sir Zach.  Tatanong ko lang po kung saan ka pupunta?” Sabi ko sa kanya.

Kumunot pa lalo ang kanyang noo at ilang segundo akong tinitigan bago siya nagsalita. “Why do you ask?”

Tumayo siya ng tuwid. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at tinaasan ako ng kilay.

“Baka po kasi tumawag ang mommy niyo kay manang Koring at tanungin ako kung nasaan ka. Wala po akong maisasagot sa mommy niyo.”

Pano ba naman kasi kararating niya lang galing sa university nila, tapos aalis siya ulit. Wala naman akong pakialam kung aalis siya at sa kung saan man siya pupunta. Ang akin lang kasi baka tanungin ako ni ma’am Celine tungkol sa anak niya at wala akong maisagot sa kanya. Nakakahiya naman kung iisipin ni ma’am Celine na hindi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko.

Tumango tango siya at sinagot ang tanong ko. “I’m going to my friend’s party. Nah, she’s not my friend just a random annoying girl.”

Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya.

“Basta. Ang sabihin mo nalang pagtumawag at tinanong ka ni mommy ay wala ako at nasa bahay lang ako Isa sa mga kaibigan ko, okay.” Tumango ako sa kanya akmang papasok na siya ng kotse niya ng magsalita siya ulit. “Wait, wala ka bang cellphone number kay mommy at kay manang Koring pa siya tatawag at magtanong? Wait a minute, don’t tell me you don’t have a phone?” Tanong niya.

Kinamot ko ang likod ng ulo ko at iniwas ko ang tingin sa kanya. “Grabe ka naman sir Zach, meron naman ako cellphone noh.” Tumingin ako sa kanya at nakita kung may aliw sa kanyang mga mata ngumuso ako at kinuha ko sa bulsa ko sa likod ng suot kung short pants ang aking cellphone at pinakita ito kay sir Zach.

Pinakita ko ito sa kanya para maniwala siya sa sinasabi ko. Pero iba yata ang naging tingin niya doon sa cellphone kung di-keypad, kung tingnan niya kasi ito ay parang hindi pa siya nakakakita no’n sa tanang buhay niya.

Kinuha niya ito sa’kin. “What this! This is your phone…” sinabi niya ito habang sinusuri niya ang cellphone ko. “This is so…. small, it’s smaller than my hand and I can even break it with my palm also.”

Mabilis ko itong inagaw sa kanya at ibinalik sa bulsa ko ng marinig ko ang huling sinabi niya, mahirap na baka tutuhanin niya nga ang sinabi niya. Wala na akong magagamit pa-ngon-tak doon kayla Mama n’yan.

“Grabe ka naman sir Zach, wag na wag mong mamaliitin ang cellphone ko na ‘to kahit gantong di-keypad lang ‘yo, matagal na rin ang pinagsamahan namin noh!”

“Seriously,” natatawa niyang wika.

“Oo! Sir, sinasabi ko sa inyo bago pa man magkaroon ng cellphone n’yong mga ‘yan… anong tawag d'yan touch screen tama touch screen ay ito munang tulad ng cellphone ko! Di-keypad! Kaya original ‘tong  cellphone ko at higit sa lahat matibay!” pagtatanggol ko sa cellphone kung di-keypad.

“So, your saying that’s my phone is fake and easy to break.” Tanong niya o kung tanong nga ba ‘yon o pahayag.

“Hindi sir, hindi naman ‘yon ang ibig kung sabihin. Syempre matibay rin iyang cellphone mo at nag upgrade na ng laki at itsura… iyang katulad ng cellphone mo nga ang ngayong mga latest, eh.”

My Personal YayaWhere stories live. Discover now