Chapter 14

182 18 0
                                    

Chapter 14

“I’m leaving now, Ali. Take care of my baby Ry, okay?”

Sinasabi ‘yon ni ma’am Celine habang sumasakay siya sa kotse niya sa backseat. Ang family driver nila ang driver ng kotse niya at nalaman kung tatay pala ito ni Rey na driver din nila.

“Opo, ma’am Celine.” sagot ko sa kanya nang nakangiti.

Ngumiti rin siya pabalik sa akin, kumaway pa siya bago niya itaas ang bintana ng kotse at sabihin sa driver na paandarin na ang sasakyan. Kumaway rin ako sa kanya at bahagya pang yumuko ng dumaan sa harap ko ang kotse ni ma’am Celine paalis ng bahay nila patungo sa kanilang kompanya.

Umuwi kasi si ma’am Celine kagabi ng walang pasabe kaya nagulat kami, pero okay lang naman ‘yon dahil bahay niya naman ito. Anong oras na kasi siya nakarating kagabi gabi na rin iyon. Ang sabi niya umuwi lang siya para makita ang anak niya si sir Zach kaso wala pa no’n si sir Zach anong oras na siya nakauwi magmamadaling araw na, eh nakatulog na yata si ma’am Celine sa hahahintay kaya hindi rin niya nakita ang anak niya.

Ngayon naman maaga rin umalis si ma’am Celine, sinilip niya lang ang kanyang anak sa kwarto nito at tsaka umalis hindi rin sila nagkita ng anak niya dahil tulog pa si sir Zach sa mga sandaling ito.

“Hija, gisingin mo na si sir Zach anong oras na male-late na ‘yon.” Sabi sa akin ni manang Koring bago siya umalis at pumasok sa loob ng bahay.

Sumunod ako sa kanya at agad na tinungo ang kwarto ni sir Zach, kumatok muna ako ng maka tatlong katok na ako at wala pa rin akong naririnig na ingay mula sa loob ay ako na ang nagbukas ng pinto.

Ang dilim naman dito!

Tinungo ko agad ang makapal na kurtina na nagpapadilim sa silid at hinawi ito sa magkabilang gilid. Narinig kung dumaing si sir Zach, tumingin ako sa kanya at nakita kung nilagay niya ang unan sa mukha niya para takpan ang sinag ng araw na tumatama sa kanya.

“Mom! Put it back!”

Ngumiti ako at pumunta sa gilid niya at bahagya siyang niyugyog. “Sir, Zach! gising na.” Grabe ganto ba ‘to matulog walang man lang damit pang itaas.

Dumaing siya at iniwas ang katawan sa akin. “Mom. Five minutes please.”

Tumawa ako ng mahina at ginising siya ulit. “ Sir, Zach! gumising  ka na riyan male-late ka na!”

Nagulat ako ng pabalikwas siyang bumangon kaya napaatras ako ng bahagya sa kanya. “Mommy! I said five minutes!” Inis niyang wika.

Tumango ako para itago ang mukha ko at pigilan na rin ang tawa ko kaya kinagat ko ang pang ibabang labi ko. “Yaya! What are you doing here?” gulat niyang tanong sa akin ng makita niya ako roon sa harap niya nakatayo imbes na ang mommy niya.

Tumikhim ako at umayos ng tayo. “Ah sir Zach nandito po ako para gisingin ka at para sabihin na rin na male-late na kayo sa klase niyo.”

“Tch!” pabagsak siyang humiga ulit sa kanyang kama ang kanang braso niya ay inilagay niya sa kanyang mukha.

“Sir, Zach! bumangon na kayo riyan.” Sabi ko ng makitang bumabalik na naman siya sa pagtulog.

Iniiwasan kong magawi ang tingin ko sa katawan niyang walang damit. “Sir, Zach!” hinila ko ng bahagya ang kanyang braso.

“Can you put it back the curtain, Yaya! And can you please leave me alone! Your so noisy!” sabi niya sa akin habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata tsaka marahas niya rin hinila ang braso niyang hawak ko.

“Pero sir Zach male—"

“I said leave me alone!” sigaw niya sa akin na nagpa bahagyang talon at gulat sa akin.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now