Chapter 10

219 28 0
                                    

Chapter 10

Dumating ang sabado at lahat kami ay naging abala sa pag aayos sa buong bahay.

Ang sabi kasi ni Manang Koring sa ‘min ay kasama daw ng mag asawang Torres sa pagdating ang mommy ni ma’am Celine, bibisita raw rito. Ayaw daw kasi no’n ng makakakita ng kahit unting dumi o alikabok, masiyado raw kasi iyong perfectionist, pero mabait naman daw iyon.

“Ali, ikaw na doon sa living room.” Binulungan ako ni Kary.

“Ha? Bakit?” Tanong ko sa kanyang hindi siya nililingon dahil ang atensyon ko ay nasa vase na pipupunasan ko roon dahil baka magkamali ako ng hawak at mabitawan ko ito, sa tingin palang kasi alam ng mamahalin, kahit isang taon ko yata itong bayaran ay hindi pa rin sapat ‘yon.

“Nandoon kasi si sir Zach, kahit na gwapo siya ninerbyos ako pag nand’yan siya baka makabasag pa ako.”

Binalik ko sa lagayan ang vase at hinarap siya nakita kong nagpapaawa effect pa siya.

“Hindi pa ako tapos rito Kary,”

“Sige na Ali, ako na rito palit na tayo.” Hinawakan niya ang braso ko. “'Tsaka mukhang close na naman na kayo ni sir Zach, eh.” Ngumisi siya.

“Tss, segi na at tsaka tigilan mo ako kay sir Zach, kary, hmp!” tumawa siya at iniilag ang braso n’yang hahampasin ko sana.

Nagtungo ako sa living room at naabutan ko nga si sir Zach na nanunuod ng basketball at naka dekwatrong naka upo sa mahabang sofa roon.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng maglinis doon.

“As far as I know you’re a hired yaya here not our maid, so why are you cleaning up? It’s different did you know that.”

Tiningnan ko si sir na nakakunot ang nuo sa akin at sa hawak kung dust feathers, wala na sa pinapanuod niya ang buong atensyon niya kundi ay nasa akin na.

“A-Ah Sir, tinutulungan ko lang naman po sila tsaka ako po ang nagkusang tumulong hindi po nila ako sinabihan rito. Tsaka isa pa Sir Wala rin naman po akong ibang gagawin, ayaw ko naman na tumayo na lang habang sila ay may ginagawa hindi po ako sanay, eh.” Paliwanag ko kay Sir.

Nagkibit balikat siya. “Tss, whatever you say, yaya. Ikaw naman ‘yan, ikaw naman ang mapapagod. Go, continue meron pa dito oh.” Turo niya sa center table na may nakalagay na nagkalat na mga magazine.

Inayos ko ito tsaka maayos na isinalansan sa pagkalalagay sa ilalim rin ng center table. Pagkatapos ay ang flower vase naman ang nilinisan ko, inayos ko rin sa pagkakalagay ang mga bulaklak na nakalagay rito, pinaliitan ko rin ito ng tubig na bago.

Habang inaayos ko ang mga bulaklak ay napangiti ako ng maalala ko si Mama na ingat na ingat rin sa pag aalaga sa kanyang mga halaman lalo na pagnakikita na niyang may bulaklak na ang halaman niya. Ayaw na ayaw niya na ginagalaw ito o pipitasin ang mga bulaklak dahil talagang magagalit siya, alagang alaga niya kasi ang mga ‘to. Naalala ko minsan nag aaway pa kami n’yan dahil tuwing umaga paggising niya ito agad ang pupuntahan niya, eh hindi pa nga siya nakakapag almusal.

Didiligan niya ang mga ito minsan naririnig ko pa siyang kinakausap ang mga halaman niya habang siya ay nagdidilig sinasabi niyang ‘bilisan niyo ang paglaki’ ‘Ang ganda ng bulaklak mo’ at ‘Ang gaganda niyo naman mga bulaklak ko’ minsan nagseselos na nga ako eh. Pero kahit ganon pa man ay hinahayaan ko nalang siya dahil ito ang nagbibigay ng kasiyahan niya, sino naman ako para ipagkait ‘yon sa kanya. Sabi ko nga ang kasiyahan ni Mama ay kasiyahan ko na rin.

“Earth to Yaya,” Pinitik ni Sir Zach ang dalawang daliri niya sa harap ng mukha ko.

Parang bumalik naman ako sa mundo mula sa mga naalala ko, dahil sa ginawa niya, na mi-miss ko lang siguro si Mama.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now