Chapter 39

143 7 0
                                    

Chapter 39

“I heard...Hans is courting you.”

Sabi ni Zach kinabukasan habang nakaupo siya sa high stool at pinagmamasdan akong nagtitimpla ng kape niya. Hindi ko siya sinagot, hanggang ba naman sa kanya, ay nakaabot na rin ang balita na ‘yun. Saan naman kaya niya narinig ito?

Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa island counter, sa gilid ko lang rin, nang mag-vibrate ito. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Hans. Kasasabi palang ng pangalan niya ni Zach, ah? Nahinto ako sa paghahalo ng kape at napatingin roon, gulat at nagtataka kung bakit niya ako tinatawagan.

Napatingin ako kay Zach na nakatingin rin sa cellphone ko. Tapos ay nag-angat siya ng tingin sa’kin. Tumikhim siya. “Sagutin mo na…baka may importanteng sasabihin sa’yo, o baka aayain kang mag-date.” Bitter na sabi niya at nagkibit-balikat.

Kinuha niya ang kape sa’kin bago nag-iwas ng tingin.

Dahan-dahan kung kinuha ang cellphone ko at maglalakad na sana ako palayo, nang hawakan ni Zach ang palapulsuhan ko. “Saan ka pupunta? Dito muna sagutin ang tawag niya.” Nagtaas siya ng kilay sa’kin.

Binitawan niya naman ako kaagad, ako naman ay bumalik sa kinatatayuan ko kanina, bago ko pinindot ang answer button at nilagay sa tenga ko ang cellphone.

“Hey, Alisha… good morning.” Bungad ni Hans ng sagutin ko ang tawag niya.

“Ah, hello… good morning rin sa’yo.” Bati ko pabalik sa kanya. Nakatingin lang sa’kin si Zach habang sumisimsim siya ng kanyang kape. Nag-iwas ako ng tingin at tumagilid sa kanya, para hindi ako mailang sa tingin niya. “Ah… bakit ka pala napatawag?” nahihiyang tanong ko.

Narinig ko siyang natawa sa kabilang linya. Mukhang nag-da-drive siya dahil rinig ko ang pagbusina ng isang sasakyan. “Ah, yeah. I called you because I want to inform you that I’m on my way there. And maybe ask you to come with me may pupuntahan lang tayo.” Sabi niya.

“Huh…? Ah, eh…” nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Oh, don’t worry I assure you, before your first class nakarating na tayo sa school. I know you hate being late.” Pahabol niya kaagad.

“What? What did he say?” tanong ni Zach ng ibaba ko na ang cellphone ko. “Anong sinabi niya at ang lapad ng ngiti mo? Kinikilig ka dahil lang tumawag sa’yo ang crush mo? Tsk.” Panunuya niyang sabi.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Tumikhim ako at inayos ang sarili ko, tumaas naman ang kilay niya. “Wala. Ang sabi niya lang ay papunta na siya dito, tapos may pupuntahan daw kami.” Nakalabi akong nagkibit-balikat sa kanya.

Agad naman siya napaayos ng upo. “Saan naman?” tanong niya.

“Hindi ko alam… kukunin ko lang ang gamit ko, at baka maya-maya ay nandiyan na siya.” Paalam ko sa kanya ‘tsaka siya iniwan roon at nagpunta sa silid ko at kinuha roon ang bag ko.

“Wag mo ngang masyadong ipahalata na may crush ka sa kanya.” Suplado sabi ni Zach sa’kin. Inirapan pa ‘ko.

Nasa labas na kami ng bahay at inaantay si Hans na dumating. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan at naka-kruss ang paa habang hawak naman niya ang kanyang cellphone at naglalaro ng games doon.

“Hoy, Mr. Zachary Ice Torres!” Tinuro ko siya gamit ang index finger ko. “Sasabihin ko lang ‘to sa’yo para alam muna, na wala nang talab ‘yang pagsusuplado mo sa akin ngayon. Nung una siguro, oo, pero ngayon…ha, hindi na ‘yan eepekto sa’kin!” inirapan ko siya.

“Hindi kana takot sa’kin ngayon? Okay, if you say so…” natatawa niyang sabi at nagkibit-balikat.

Sumandal ako sa baradilya ng hagdan ng main door nila ‘tsaka ko ipinatong ang siko ko dito at pumangalumbaba habang inaantay ko ang sasakyan ni Hans na dumating. Ilang segundo rin akong nasa gano’n pwesto, nang may narinig akong pag-click ng camera. Kunot-noo kung binalingan ng tingin si Zach habang nakapangalumbaba pa rin ako. Pagtingin ko sa kanya, nasa cellphone ang kanyang tingin at may kinakalikot doon.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now