Chapter 27

158 16 0
                                    

Chapter 27

Hapon nang makauwi ako galing sa school, ng madatnan ko sa kanilang living room si ma’am Celine. May kausap at katawanan itong nakatalikod sa gawi ko, dahilan kung bakit hindi ko makita ang mukha nito.

Unang nakapansing sa’kin si ma’am Celine. Nang naglakad ako papunta sa gawi nila, para bumati.

“Ali. You’re here na. Where’s Zach?” Tanong niya na tumingin pa sa likod ko.

“Good afternoon po, ma’am Celine.” Bati ko bago sinagot ang tanong niya. “Nand’yan na po si Zach, nag-park lang po ng sasakyan niya.” tumango si ma'am Celine.

Nang tumingin ako sa gawi ng kausap niya, ay parehong gulat ang unang rumehistrong ekpresyon sa mga mukha namin. Si Cheska… bakit siya nandito? Oo nga pala nakalimutan kung Ex siya ni Zach malamang ay kilala siya ng pamilyang Torres.

“Why are you here?” May gulat pa rin niyang sabi.

“Oh. I forgot, you didn’t know each other. My bad.” Iniwestera ni ma’am Celine ang kamay niya kay Cheska. “Ali, this is Cheska. Cheska, this is Ali, my son’s personal Yaya.” Pagpapakilala niya sa aming dalawa.

Ngumiti ako sa kanya at bahagya pang iniyuko ang ulo.

“Ah. What tita? Zachary’s personal… what? Yaya…? This girl? Did I hear it right?” tanong niyang hindi makapaniwala kay ma’am Celine pero ang kanyang mata ay nag-aanalisa sa’kin.

Tumikhim si ma’am Celine. “Yeah. Is there anything problem with that?”

“No. Tita. I’m just a little bit shuck. Because…” umiling siya. “Well, nevermind…” tumaas ang kilay niya sa akin, bago niya kinuha ang juice sa lamesa at sumimsim dito.

“Mom.”

Nagulat ako ng magsalita sa likod ko si Zach. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi. Lumapit siya sa mommy niya at humalik sa pisngi nito. Tsaka siya bumaling kay Cheska.

“What are you doing here, Ches?” tanong niya na ikinabigla ko.

“I invited her here over dinner.” Ang mommy niya ang sumagot.

“Tsk.”

Ini-x-cuse ang sarili ko, para makapagbihis na at makaalis na rin ako roon. Nakita kung umakyat na rin si Zach sa kanyang kwarto, siguro para makapagbihis na rin. Bago pa man siya mawala sa paningin ko, ay sumunod na rin sa kanya paakyat si Cheska.

“Ali…!” excited na tawag sa’kin ni Kary nang makita niya akong papasok ng kusina. “Nakita mo si Cheska? Ang ganda niya noh?” nakangiting sabi niya.

Sumang-ayon ako ron. “Oo.” Sagot ko.

“Ay teka, kilala mo na ba si Cheska?” tanong niya bigla ng marealize niya yata na baka hindi ko pa kilala ang pangalang binanggit niya.

“Oo. Kilala ko na siya, pinakilala na siya sa’kin ni ma’am Celine. Tsaka, nakita ko na rin siya kahapon sa school. Doon ko siya unang nakita at nakilala.” Sabi ko.

Tumango siya.

“Ang ganda niya, diba?” tanong niya ulit.

“Oo. Ang ganda niya nga…” sabi ko.

Nakangiting kung sabi, ini-imagine ang mukha ni Cheska, ng sabihin ko ‘yun, pero ng maalala ang pagtaas ng kilay niya sa’kin kanina, ay napangiwi at unti-unting nawala ang pagkakangiti ko.

Nakapagbihis na ako pero hindi muna ako lumabas ng aking silid. Inabala ko muna ang sarili ko sa paggawa ng assignment sa isa sa minor subject ko, na hindi naman gano’n kahirap, kaya natapos ko rin ito agad.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now