Chapter 42

130 8 3
                                    

Chapter 42

“Siya ba?”

Kahit wala siyang binabanggit na pangalan, alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Nagsimula ulit kaming maglakad patungo naman ngayon sa sakayan ng jeep. Nasa loob ng bulsa ng jacket ang magkabila kung kamay dahil sa lamig ng simoy ng hanging pang-gabi, habang naglalakad kami.

Umiling ako sa kanya. “Hindi ko alam…” nabulol pa ako sa sinabi ko, dahil nga hindi ko alam ang sasabihin ko at nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ang tanong niya.

Siniko ko siya ng matawa siya sa akin.

“Robin magkaibigan parin tayo, ah?” sabi ko, kalaunan ng humupa ang tawa niya.

“Oo nga,”

“Pasesya kana, ah…” kinagat ko ang labi ko. “Sorry kung hanggang kaibigan lang ang kaya kung ibigay sa’yo. Mahalaga ka sa’kin. Ikaw ‘yung taong laging nandiyan kapag kailangan ko ng tulong, o, kahit hindi nga, eh nandiyan ka parin sa’min ni mama. At pinapahalagahan ko iyon.” Nilingon ko siya at nginitian, nginitian niya rin ako pabalik ngunit natawa rin siya kalaunan.

Huminto siya sa paglalakad at tumigil sa harap ko, napahinto rin ako sa paglalakad dahil humarang siya sa lalakaran ko. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya, umiling siya sa’kin, natatawa kaya kumunot ang noo ko sa kanya.

Itinaas niya ang kamay niya para punasan ang luha ko, na hindi ko alam na umiiyak na pala ako. “Nagiging iyakin kana, ah…? Pinapaiyak kaba ng Zach na ‘yun?” sabi niya.

Umiling lang ako sa kanya.

Umatras ako para punasan ang sarili kung luha. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Binalik ko ulit ang kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket.

“Mahal kita, Robin…” pinagpatuloy ko ang sinasabi ko. “…pero pasensiya na kung hanggang kaibigan lang ang mas mataas na kaya kung maibibigay sa’yo.” Nilingon ko siya na nasa harap lang ang tingin niya. “Para na nga kitang kapatid, eh… meron na akong kuya meron pa akong kaibigan na lagi kung naasahan.”

“Baka pagnarinig ‘yan ni Max magtampo ‘yun sa’yo.” Natawa kami pareho.

“’tsaka sa’kin lang, ah… tingin ko mas maganda na maging magkaibigan nalang tayo. Kasi… tingnan mo, ah ‘yung mga magkarelasyon sa una lang masaya, papakiligin ka tapos kapag sinagot mo na siya at naging kayo na wala… maghihiwalay rin pagkaraan. Hindi sila nagtatagal, kaya gusto ko na magkaibigan lang tayo kasi ang kaibigan nagtatagal kahit lumipas man ang panahon nandiyan pa rin sila.” Hinarap ko siya. “ Kaya tayo may forever ang pagkakaibigan na’tin, hmm…” bahagya pa akong tumalon at ginulo ang buhok niyang medyo magulo na.

“Parang ayaw ko na tuloy magka-girlfriend niyan.” Ngumisi siya.

“Sira…!” natawa ako.

Nang makasakay kami ng jeep ay hinatid niya lang ako hanggang sa labas ng bahay at agad na siyang nagpaalam gano’n din ako sa kanya. Diretso agad ako sa loob ng bahay patungo sa silid ko para makapagpahinga na rin.  Pero napahinto ako sa paglalakad ng makita si Zach doon sa may kusina.

Nakaupo siya sa high stool habang nakayuko siya at hawak ang can beer. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad, nang mapatigil ako ng gumalaw siya. Uminom siya ng beer na hawak niya at pagkatapos, ay halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko, ng lumingon siya sa gawi ko. Diretso ang kanyang tingin sa akin.

Hindi pa muna siya nagsalita ng ilang minuto at tinitigan niya lang ako, nagtama ang aming mata ilang minuto, nang hindi ko na kaya ang paraan ng pagtingin niya sa’kin ay nag-iwas na ako ng tingin.

My Personal YayaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant