Chapter 2

357 42 8
                                    

Chapter 2

"Oh, Ganda? Bakit narito ka pa? Hindi ka ba papasok ngayon?"

Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko habang ako'y nagsisibak ng kahoy sa harap nang aming bahay.

"Ma! Gising ka na pala? May agahan akong inihanda sayo."

Itinigil ko muna ang ginagawa ko at lumapit sa kanya pagkatapos ay iginiya siya patungong kusina.

"Wala akong pasok ngayon," sinagot ko ang tanong niya kanina. "Dahil nandyan ang mga Amo ko para mag-alaga sa anak nila. At holiday din ngayon kaya wala rin silang mga pasok sa trabaho."

Tumango-tango siya.

Pinaghain ko siya, kumuha ako ng pinggan at nilagyan iyon nang fried rice at itlog, nagtimpla rin ako sa kanya ng gatas. Nilagay ko narin ang kanyang gamot sa harap niya para pagnatapos siyang kumain, agad niya na itong mainum, dahil kung minsan ay nakakalimutan niya.

Habang ginagawa ko ang lahat ng 'yon ay nakatingin lang siya sa'kin. Napailing nalang ako dahil alam ko na ang sunod niyang sasabihin.

"Ganda, Apo. Hindi mo na ako kailangan pagsilbihan ng ganito... kaya ko."

"Kaya ko pa naman ang kumilos at gawin 'yan. Blah, blah, blah!" I wave my hand nonchalantly.

Mahina siyang napatawa sa ginawa ko,dahil alam niyang hindi ko siya papakinggan.

"Kumain ka nalang po d'yan, Ma."

Iniwan ko na siya doon at binalikan ang ginagawa ko kanina at pinagpatuloy ito. Patapos na ako sa ginagawa ko nang dumating si Robin. Agad na kumunot ang kanyang noo ng makita ang ginawa ko.

"Ali. Pinabibigay ni Mama." bahagya niyang itinaas ang isang Tupperware para makita ko.

"Ano 'yan?"

"Ulam. Naalala niya kasing paborito mo ito kaya pinabibigay niya." sabi niya habang hindi naaalis ang kanyang tingin sa ginagawa ko, bahagya pang nakabusangot ang mukha.

Natawa ako. Sinumpong na naman ng katamaran ang isang 'to. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at inantay siyang makalapit sa'kin. Inabot niya ito at kinuha ko naman agad sa kanya at nagpasalamat. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Mama na nilalagay na ang kanyang pinagkainan sa lababo.

"Ma. May bigay si Tita Rina na ulam," tukoy ko sa Mama ni Robin.

Nilagay ko ito sa lamesa at tinakpan.

"Ako na d'yan, Ma. Mamaya ko na 'yan huhugasan, tatapusin ko muna 'yung ginagawa ko sa labas."

"Oo, na po." ngumiti siya.

Lumabas ulit ako at naabutan ko si Robin na nagsisibak na ng kahoy.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Ako na dyan!" lumingon siya sa'kin saglit, pagkatapos muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Inagaw ko kay Robin 'yun itak pero mukang walang balak siyang ibigay sa'kin 'yon.

"Ako na... patapos na rin naman ako—"

"—kaya nga ako na ang magtatapos!"

At iyon ang nadatnan sa'min ni Mama paglabas niya.

"Jusko. mijo!" sabay kaming lumingon at nakita kong nakalagay sa dibdib niya ang isa n'yang kamay. "Ano bang ginagawa niyo pati ba naman itak pag-aagawan niyo. Bitawan niyo yan, kayong mga bata kayo Oh!"

"eh kasi naman lola, itong apo niyo tinutulungan na nga ayaw pa patulong kung kumilos pa kala mo hindi babae, pati gawain ng lalaki kinakarir niya na,tsk."

"Wala naman kasi ang gagawa niyan kung hindi ako, nakakahiya naman kung tatawagin pa kita para lang magliak ng kahoy. Noh!"

Ang gamit lang kasi namin sa pagluluto ay kahoy kaya kung minsan pagwala nang panggatong tulad ngayon, ay kailangan ko pa namin na magliak ng kahoy. Pati sa tubig ay nagpapadeliver lang kami deliver means, yung host ikakabit sa gripo nila Robin tapos yung host hihilain hanggang makarating sa bahay at isasahod namin lalagyan yun mga inumin pati na rin drum, kila Robin kasi kami ng papadeliver, ganon din sa ilaw nakakabit kami sa kanila yun tawag nilang jumper ganon.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now