Chapter 36

126 10 0
                                    

Chapter 36

“Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.”

Napalingon ako sa babaeng narinig kung nagsabi nito, hapon ng biyernes. Dalawang araw na ang lumipas nang mangyari ‘yung ginawang paghalik ni Cheska kay Zach. Naging laman ‘yun ng usapan sa nakalipas na dalawang araw, nang bawat usapan ng grupo ng estudyante dito at hanggang ngayon nga ay ito pa rin ang topic nila.

Nandito kami ngayon nila Ruby, Robin—at ang dalawang nagbabangayan na naman na si Leo at Aira— ngayon nakaupo sa benches, nakatambay dahil wala na kaming mga klase. I mean, kami lang pala nila Ruby dahil itong si Robin ay wala lang ang professor nila, kaya nandito kasama namin.

Napatingin ulit ako sa mga kasama ko ng marinig kung may tumunog na cellphone para sa isang tawag.

“Sorry,” Si Ruby na hinahanap sa kanyang bag ang cellphone niya. Tumayo siya agad ng mahanap niya ang kanyang cellphone at sinenyasan kaming sasagutin niya lang, tumango naman ang mga kasama ko.

“I-delete mo na ‘yan sabi, eh!” naiirita nang sabi ni Aira. Ang tinutukoy niya ay ang video niya na lasing siya, na vinideo ni Leo.

“Ayaw ko nga, sagutin mo muna ako.” Si Leo na tinataas ang kamay para hindi maabot ni Aira sa kamay niya ang cellphone.

Tumawa si Robin. “Sagutin mo na kasi, Aira.” Pakikisali niya sa dalawa.

“Ayuko nga, he’s not my type! Kung ikaw pwede pa.” ngumisi si Aira kay Robin at nagsimulang lumapit dito.

“Ouch! Ang sakit mo naman magsalita, baby.” Sabi ni Leo na humawak pa sa kanyang dibdib at umakting na nasasaktan.

“I-delete mo na kasi ‘yan, Leo.” Natatawang bawi ni Robin dito at nagsumiksik na nagtago sa likod ko. “Wag kang lumapit sa’kin!” Sabi niya pa kay Aira.

“Tumigil na nga kayo,” saway ko. “Robin, ano ba!” Reklamo ko ng lalo pa siyang nagsumiksik sa’kin, naalibadbaran kung tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko ‘tsaka ako lumayo sa kanya.

Humalakhak si Aira ng tumakbo palayo si Robin sa kanya. “Halika rito, pretty boy.” Natatawang sabi ni Aira at hinabol siya.

"Ayoko!" Sabi niya at tumakbo palayo.

Bumalik si Ruby pagkatapos makipag-usap sa tumawag sa kanyang cellphone. Sinundan ko siya ng tingin nang niligpit niya na ang mga gamit niya, naghahanda ng umalis. “Mauuna na ako, pinapauwi na kasi ako ni Daddy, may pupuntahan pa daw kami.” Paalam niya sa’kin.

Ngumiti ako sa kanya. “Okay, ingat ka.” Kumaway ako sa kanya.

“Ge ingat.” Matamlay na sabi ni Leo.

“Oh? Ruby, aalis ka na?” tanong ni Aira nang makabalik sila ni Robin.

Tumango si Ruby sa kanya. “Oo. Bye.”

Lumapit si Aira kay Leo na animo’y pinagbagsakan ng lupa ang itsura. Tinapik niya ito sa balikat ‘tsaka hinawakan sa braso at marahan itong hinila patayo. Umangat ang tingin sa kanya ni Leo at takang siyang tiningnan. “Tara…” aniya.

“Ano? Ayaw mo sa akin, diba?” sabi niya rito at hinawakan ang kamay ni Aira sa kanyang braso para alisin.

“Tangek!” marahang tinulak ng dalawang daliri ni Aira ang nuo ni Leo. “Kaya nga sabi ko tara, diba? Aalis tayo.” Natatawang sabi ni Aira.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Leo.

Nakangiti at nakapangalumbaba ko lang silang pinagmamasdang dalawa, nang mapatingin ako kay Robin ay gano’n din ang ginagawa niya.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon