Chapter 31: Moving On

Start from the beginning
                                    

Tinititigan lang mi madur si Zane habang my heart eyes.

"Hay nako! *insert heart eyes* Mister cutie pie, kahit huwag mo nang ibalik yang babaeng 'yan okay lang. Hihihi!" At nagpa-cute pa talaga.

Di ko na talaga kinakaya tong nanay ko.

"Grrrrr. NAY! May pangalan ako okay?!" At tiningnan ko siya nang masama. Aba'y nambelat lang.

Lumakad na palabas ng kwarto si Zane. "Babye tita!"

Kinikilig nanaman tuloy ang mudra ko.

"ANO BA IBABA MO NA KO SABI E!" Bulyaw ko habang hinahampas si Zane sa likod. Pero patuloy pa rin siya sa pagbaba ng hagdan

Nang pababa na kami, biglang lumabas ng kwarto si Paulo.

"Ano ba ate ang ingay mo! Ang aga-aga e!" Saway niya habang tumutulo pa ang laway at nagkakamot ng ulo. Bigla siyang nagising nang mapansin niyang nandito si Zane.

"O! Nandiyan ka pala kuya! Si Sophia?" Sabi niya habang nagpupunas ng laway.

"Nasa bahay. Pwede ka ulit pumunta dun kung pwede ka." at nag-nginitian pa ang dalawa.

"At kelan mo pa naging kuya to aber?" Tapos kinurot ko sa pwet si Zane kaya napahinto siya sa pagbaba.

"ARAY!" ang oa ha 'di ko naman hinigpitan.

"Atsaka anong 'pumunta ulit'?" Tanong ko

"'Wag mo ngang saktan si kuya/ si cutie pie!" Sabay na saway ni nanay at Paulo.

Talaga nga namang ako pa ang pinagkaisahan. Ewan ko ba kung ako yung kapamilya nila o si Zane e. -.-

"Kuya! Wag mo nang ibalik yang babaeng yan ha!"

Isa pa to e nuh?

"MAY PANGALAN AKO SINABI E! Atsaka! Teka nga! Bakit ba mas kinakampihan niyo pa 'to ha?!"

"Sige babye Mr. Cutie Pie! Ingat!"

"Babye kuya!"

Wala man lang pumansin sa sinabi ko. Asar -.-" Ni wala man lang nag-alala na may dumudukot na sa sexying ito.

Nakalabas na kami ng bahay at dumiretso sa kotse. Binuksan ni Zane ang pintuan sa harap at doon ako sinakay. Siya naman sa driver's seat (malamang) Tapos inayos niya yung seatbelt ko.

"Ano bang trip mo ha?!" Bulyaw ko

Tinakpan niya yung bibig ko gamit ang kanang kamay.

"Teka! Shh! Pwede bang pahingahin mo muna ko? Ang bigat mo e. Mag-diet ka nga!" At huminga pa nang malalim ang loko. Kinagat ko yung kamay niya kaya natanggal niya ito.

"Wala naman kasing nagsabing buhatin mo ko!" Dagdag ko pa. Tinanggal ko na yung seatbelt para bumaba ng kotse. Pagbukas ko ng pinto, bigla ba namang humarurot ng takbo yung baklitang ito! Buti na lang alisto ang reflex ko at naisara ko agad.

"JUSKO PO! SHIT! WAHH! HUHUHU! BABABA NA KO! AYOKO NA! HUHUWAAA! MAMAMATAY NA'KO! ZANE MAAWA KAAAAAAAAAA!!!" Nangingiyak na talaga ako.

Kasi naman e! Di pa nakuntento na gamuntikan na'kong mamatay dahil umandar siya nang bukas yung pintuan sa gilid ko! Minaneho pa niya yung kotse na para bang nakikipagkarera siya! Huhuhu!

"ZANE UWAAAAA MABUBUNGGO TAYO! HUHUHU!"

Mamatay na talaga ako! As in sobra nakong natataranta! Pero yung baklita, pinagtatawanan lang ako. Kita niyo na? Napakasama diba? Bully!

Sa wakas, nakarating na kami dito sa mall. Makakahinga na rin ako hay.

Teka. "SA TINGIN MO BA MAG-MAMALL AKO NANG GANTO ANG TSURA KO?!" Bulyaw ko sa kanya.

When a Gay Falls for a GirlWhere stories live. Discover now