CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT

Start from the beginning
                                    

Hinigit siya ni Chef Nate pataas dito. Mabilis pa sa alas kwatro ang nangyari.

Nanginginig ang tuhod na nakatingin si Ashari sa ibaba habang nagtatahulan ang galit na galit na tatlong aso sa kanila dito sa may itaas.

Kasunod ang dalawang panget na tiningala din sila.

"Arrghhh! Sundan niyo sila!" galit na mwestra ng isa bago binuhat ang isa sa mga aso at akmang ilulusot din sa square na entrance ng duct system.

"Isara niyo mabilis!!!" sigaw ni Chef. Isinara naman ng mabilis ng dalawang jurlalay. "Ashari, dito tayo!"

"Oo wait lang."

"Walang wait wait dito! Pwede nila tayong masundan!"

"E paano akong hindi mag w-wait e pwet mo Chef Nate nakatambad sa mukha ko. Pwede ba 1 meter apart naman? Baka umutot ka e mahimatay pa ako."

Papatol pa sana si Chef Nate pero naalala niya na si Ashari nga pala ang kakampi niya ngayon.

Saka nalang!

Dahil maliit lang ang duct area, nakapa gapang style sila sa pinakamabilis na paraan. Nakasunod naman kaagad ang dalawang alipores na Marchese.

Ang init dito kumpara sa ibang lugar. Pinagpapawisan na ng malagkit si Ashari.

"Siniguro niyo ba na nakasara ang daluyan?"

"Yes Chef Nate, sinisiguro namin--"

"Rawrf!"

"Ano ulit? Ano ulit 'yung siniguro niyo?"

"Sinisiguro po namin na naisara ng mabuti---"

"ASHARI~ ASHARI~ pahuli ka na sa amin~"

"Rawrf!!!!"

Sandaling tumigil ang mundo ng mga ferson.

"AHHHHHHHH! WALANG HIYA KAYO! HINDI NIYO SINIGUROOOOO!!!"

Ang sabi ni Madam Helen, sa fourth floor siya dumaan kasi walang mga pa-epal, e bakit parang parehas lang naman? Parang mas pinahirapan pa niya sarili niya?

Ngayon karipas sila sa paggapang para hindi maabutan ng mga panget na humahabol sa kanila. Hanggang dito ba naman kasi sa duct system naabutan pa sila e.

Sumasakit na ang tuhod ng mga ferson dahil ito ang ginagamit nilang paa pang gapang.

"Chef Nate, malayo pa ba ang exit?????" reklamo ni Ashari dahil papalapit na din sa kanila ang mga aso.

Imbis na sumagot, tumigil ang chef Nate. Montik pa mabunggo si Ashari sa pwet nito.

"Ganito Ashari." itinuro ni Chef Nate ang magkahiwalay na likuan ng duct system. "Kaylangan nating paghiwalayin ang aso at ang panget. Para magawa 'yon, maghiwalay din tayo, ako dito sa kaliwa, ikaw sa kanan. Tapos tig-isa tayo ng extra na isama."

Tumango si Ashari. Bukod sa ok siya sa ideya e malapit na din sila maabutan kaya wala na silang time mag plano pa.

"Sige chef, bye na! Dito ako sa kanan!" minwestrahan ni Ashari ang isang extra na sumunod sa kaniya.

"Teka!!!" pagpigil ng Chef. "Alam mo ba kung bakit diyan kita pinapunta, pwede ka naman dito sa kaliwa."

"Nagmamadali na ako Chef Nate, wala na akong time para alamin."

"Diretsyuhin mo lang 'yan, may storage room ka na bababaan, tatlong kwarto mula dito sa likuan. Pag baba mo sa storage room, may passage doon na konektado sa play room."

Ok, sige, nagets ni Ashari pero sana matandaan niya later.

"Mag-iingat kayo Ashari."

Tumango si Ashari kay Chef Nate. "Ikaw din po, Chef."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now