When I went to the living room, I saw that Trace had made a DIY fort by attaching a blanket to the sofa and the coffee table. Mukhang alam niyang maghahanap ako ng pagtataguan.

I could go to the barn except for the fact that I knew that he would follow me. Ayaw niya kasing lumalabas ako ng mag-isa lalo na kapag sa kamalig ang punta ko.

"Can I go in?"

I nodded at Lucienne. First, because I truly don't mind. Second, because even if I do mind, I don't have the heart to say no to her. Parang hindi rin siya papayag na tanggihan siya. Siya kasi iyong tao na may kakayahang mangumbinsi na gawin mo ang gusto niya.

She wormed her way inside the small fort. Since we're both small, it wasn't that crowded when she lay on her stomach beside me. If it's Trace I'm here with it would have been a tight fit—

Muli kong sinubsob ang mukha ko sa unan. For some reason ay lahat ng isipin ko ay parang may double meaning at napupunta kaagad ang utak ko sa bagay na dapat ko ng kalimutan.

"Parang problemado ka mareng Ember ah." Pumalatak ang babae at pagkatapos ay nilakasan niya ng bahagya ang boses niya. "Sabagay. Kung sa araw-araw ay mukha ni Trace ang una mong makikita eh magiging problemado ka talaga."

"I can hear you!"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Trace na sumigaw mula sa kuwarto ko.

"Pinaparinig ko talaga sa'yo!" malakas din na sabi ni Lucienne bago bumaling sa akin. She softly patted my head. "So... what happened? Kailangan ko na bang ipakulam si Trace? Marami pa namang picture na nagkalat ang isang 'yon"

Umiling ako pero hindi pa rin ako nagsalita. From outside the makeshift fort, Lia's smiling face peeks in. "May dala akong pagkain."

Sandaling nagkatinginan sila ni Lucienne nang tumingin lang ako sa babae at mahinang nagpasalamat. Umupo siya sa semento at may nilingon siya. Inangat niya ang kamay niya at hindi nagtagal ay may pares ng mga kamay ang nag-abot sa kaniya ng container. Pagkakuha ni Lia niyon ay saglit na nawala ang mga kamay at nang bumalik iyon ay nakita kong may hawak na iyon na throw pillow.

Lia smiled at the man who could only be her husband, and then she lifted her body a bit so that she could sit on the pillow.

Binuksan niya ang container at bago pa ako makaupo ay parang bata ang kaharap na dumampot ang babae ng pagkain at inumang iyon sa bibig ko. I automatically opened my mouth and took the food she was giving me.

My eyes widened, and for a moment... for one single moment, I forgot about my current dilemma. "So good."

"It's zucchini fritters."

Para bang naging pako ang kinakain ko dahil naging mahirap iyon na nguyain. I forced myself to swallow before I plopped my head back on the pillow.

"Ano na namang ginawa ng chihuahua na 'yon at parang ang laki ng pinagdadaanan mo?" tanong ni Lucienne sa akin.

Malaki talaga.

"Nag-away ba kayo?" pabulong na tanong ni Lia. "Nang tumawag ako para i-invite kayo sa bahay dahil nandoon si Lucienne ay tumanggi si Trace. I told him I cooked for you as well, and he asked me if one of his brothers could just bring some here."

"Kaya nga kami pumunta rito eh. Para sumagap ng tea. So... what's the tea?" sabi ni Lucienne.

Ibang T ang problema ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at imbis na sagutin ang tanong nila ay tanong din ang lumabas mula sa mga labi ko. "Do you think alien abduction is real?"

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now