CHAPTER 7:

26 4 0
                                    

CONTINUATION:

Oras ng discussion pero wala sa idini-discuss ng teacher ang isip ko.

Na kay Mina!

Ganito ba talaga pag inlove? Siya lagi nasa isip mo? Kahit hindi mo alam kung iniisip ka rin ba niya?

Napansin ko ang nakakalokong tingin at ngisi ni Momo. Oo. Nakatingin siya sa akin. Hindi naman ito basta-basta mapapansin ng teacher dahil nakaharang ang libro nito.

Inirapan ko lang siya dahil alam na alam ko ang ibig sabihin ng itsura niyang iyon. Hayop ka! Mamaya ka sakin!

Nakasimangot akong nakikinig buong klase. Ang hirap talaga mag focus dahil hindi mawala sa isip ko si Mina.

In short, wala akong natutunan!

Natapos ang klase at walang Lec. kaya nagyaya ang supportive kong kaibigan.

"Tara!"

"Saan?"

"Sa albularyo!"

"Gago! Kinukulam ka rin?"

"Hindi? Baka may maruya ulit si Manong? Okay lang kahit panis laman parin naman yon ng tiyan!"

"Alam mo napaka patay gutom mo!?"

"E kesa naman sayo, patay na patay kay Mina!"

"Ulol! Oo inaamin kong gusto ko si Mina pero hindi ako patay na patay sakanya!" gigil kong sabi kay Momo pero nakaka insultong ngisi lang ang isinagot nito.

"Atleast inamin mo na rin na gusto mo si Mina. Hahahhaha!"

Naisahan ako ng walang hiya!

/-/-/-/-/

"Tangina best sobrang ganda ni Mina!" bulong ni Momo. Napakunot ako ng noo.

"Best?"

"Hmm?"

"Kailan ka huling nag sipilyo?"

"Noong isang linggo!"

"Hayop! Balahura ka talaga!"

Napalakas ang pagkakasabi ko dahilan para mapalingon si Mina sa direksiyon namin. Buti nalang at mabilis ang reflexes namin ni Momo kaya mabilis kaming nakayuko at nagkunwaring sumisimsim ng in-order naming flavored cappuccino. Nasa isang sikat na coffee shop kami at kasalukuyang ini-stalk si Mina. Pinuntahan namin ito sa MC pero ang sabi ay wala ito doon kaya tinawagan ni Momo si Dahyun upang hingin ang kinaroroonan nito ngayon. Sobrang busy nga nito bilang bagong CEO dahil pang-apat na client na ang kausap niya ngayon mula pa kanina. Kaya pala madalang na niya kaming sunduin. Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko sobra niyang cold?

"Best nakatingin pa ba?" pabulong na tanong ko.

"Hindi na best!"

"Tara na? Baka mahuli pa tayo. Baka sabihin niya sinusundan ko siya!"

"Bakit best? Hindi ba yun na nga ang ginagawa natin? Kanina pa natin siya sinusundan!"

"Baka nakakalimutan mo, kinaladkad mo ako!?"

"Baka rin nakakalimutan mo, nagpakaladkad ka!"

"Anong ginagawa niyo dito? Sinusundan niyo ba ako?" malamig na tanong na nagpaangat ng mukha namin pareho.

Si Mina! Nakatayo sa harap namin! Nakahalukipkip at sobrang sama ng tingin!

Ito na nga ba ang sinasabi ko e!

Wala akong choice! Tumayo ako at hinarap ito.

"Bakit ka naman namin susundan!?" Mataray ko siyang tinitigan saka tinaasan ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Gad.. bakit napaka ganda ng babaeng 'to!

Umurong ang tapang ko nang mapadako ang paningin ko sa mga hita nitong kay puti.

Medyo exposed kasi ito at kahit sino ay mapapatingin dito.

"Tsaka, bakit ganyan ang suot mo? Ang laki-laki ng sinasahod mo pero kinulang sa tela yang suot mo!" dagdag ko pa. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa isiping, ang daming nakatitig sa kanya dahil sa suot niya.

Inismiran lang ako nito.

"Ano bang pakialam mo? Isusuot ko kung ano man ang gusto kong isuot!"

"Anong pakialam ko? Wala! Pero bilang kaibigan mo gusto ko lang magmalasakit sayo! Kung alam mo lang kung paano ka nila titigan dahil dyan suot mo!"

Natigilan naman ito at tila natauhan.

"Salamat sa concern mo pero hindi ko kailangan ng malasakit mo."

Mabilis niya kaming tinalikuran pagkasabi non.

Ako naman ang natulala at natauhan.

Medyo masakit pala kapag ang rude sayo nung taong gusto mo.

/-/-/-/-/

"Best tahan na?" alo sa akin ni Momo habang hinahagod-hagod ang likod ko.

"Masakit pa rin best e? Parang kailan lang kase noong kinukulit niya ako para makipagbati sakanya, tapos ngayon? Ako na yung iniiwasan niya! Pero best mas masakit doon sa part na hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang naging cold sakin? Nakaka tangina best, alam mo yun!?" mahabang litanya ko.

"Tahan na sabi e," sagot nito, patuloy parin sa paghagod ng likod ko.

"Hindi ko lang kasi siya maintindihan best, bakit kung iwasan niya ako ngayon parang hindi siya nangako na hindi niya ako iiwan? Am I a joke to her?"

"Tangina naman! Sabing tahan na! Bahala ka nga dyan!"

Inis niyang itinulak ang likod ko na kanina ay lang hinahagod-hagod niya at saka padabog na tumayo.

"Hoy best! Saan ka pupunta!?" sigaw ko nang magsimula itong maglakad palayo.

"Uuwi na! Ang pangit mong umiyak!"

Tangina! Napaka supportive talaga ng animal!

Magdamag akong nagmukmok dahil sa sama ng loob.

Akala ko pa naman masarap ma inlove, yun kase sabi nila.. masakit pala?

She's into HerKde žijí příběhy. Začni objevovat