SHE'S INTO HER

40 2 0
                                    

CHAPTER 5: CONTINUATION

School.

Wala ako sa sarili dahil hindi ako nakatulog ng sapat kagabi. Mag a alas cinco na rin ng dalawin ako ng antok pero nagising din agad nang tumunog ang alarm. Wala din akong maintindihan sa idini-discuss ng kasalukuyang teacher namin ngayon. Napasulyap ako kay Momo na abala sa pagsusulat. Gusto ko sana siyang tanungin kaso baka mahuli kami, masungit pa naman ito dahil matandang dalaga. Maya-maya pa ay tumalikod ito para magsulat sa white board. Sinamantala ko ang pagkakataon para kalabitin si Momo, agad naman itong lumingon.

"Best, pahiram na lang ng notes mo mamaya ha?"

Imbes na sumagot ay nginisian lang niya ako saka muling yumuko para magsulat.

"Pssst! Best!" tawag ko pero nagbingi-bingihan lang ito.

"Gago ka talaga!" Inis akong umayos ng upo at nagkunwaring nakikinig.

Matapos ang ilang klase ay nagkayayaan kaming pumunta ng canteen para magmeryenda.

Tahimik lang akong kumakain habang titig na titig sa akin si Momo.

"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan? Nawawalan ako ng ganang kumain!" reklamo ko sakanya.

Nginisian niya ako. "Naka high ka ba best?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha lang akong bangag best pero hindi ako naka high!"

"Ano bang nangyari? Bakit parang kinulang ka sa aruga?"

"Sa tulog ako kinulang best."

"Tsaka sa height," dagdag niya na lalong nagpataas ng dugo ko. Sana bigyan ako ni Lord ng mahabang pasensiya. Konti nalang kase bibingo na siya sakin!

"Gusto mong saksakin kita ng toothpick!?"

"Kalma best! Binibiro ka lang naman! Bakit ka ba napuyat? Di ba hanggang 9 lang tayo magka chat? Teka.." Pilya itong ngumiti kaya nagsimula na akong kabahan. Tangina! Ano na naman kayang kabulastugan ang lalabas sa bunganga ng gagong 'to! "Huwag mo sabihing nanuod ka ng porn!"

Haysss! Punyeta! Puyat ka na nga tapos may kaibigan ka pang madaldal!

Ibinato ko sakanya ang hawak kong tinidor saka ko siya inirapan. Nakakahiya sa mga nakarinig! Tatawa-tawa naman ito habang inaabutan ako ng bagong tinidor.

"Hindi no! Nagbagong-buhay nako!" sakay ko sa kalokohan nito.

"Pero seryoso best, bakit ka napuyat kagabi?" tanong nito habang umiinom ng softdrinks.

"Ewan ko best, kinukulam yata ako e!"

Nasamid naman ito dahil sa sinabi ko. Pagkuwa'y natawa. Inaasahan ko ng mangyayari yan. Lagi niya akong pinagtatawanan.

"Kulam? Ang tanda-tanda mo na best, naniniwala ka pa rin sa ganyan?"

"E kasi best, kagabi, nakita ko si Mina kasama yung babaeng mukhang espasol."

"Oh, tapos? Saang part doon ang kinulam ka?"

"Doon sa part na pumulupot siya sa leeg ni Mina, as in parang sawa! Eto namang si Mina enjoy na enjoy!"

"Yun na yun? Nakita mo lang na pumulupot kay Mina feeling mo kinulam ka na?" Inirapan niya ako ng bongga. "Alam mo tigil-tigilan mo pagpapak sa albatros niyo!"

"Gago mo talaga! Seryoso ako best! Huwag mo idamay albatros namin!"

"Best, pag sinabing kulam kase, may iba kang nararamdaman sa katawan mo. Yung parang may tumutusok sayo? Ganoon yun napapanood ko sa tv e!"

"Best naramdaman ko yun! Una parang humapdi yung mga mata ko, tapos parang ang init-init ng pakiramdam ko kahit nakatutok sa akin yung walong electric fan. Tsaka best, habang nakahiga ako, parang may nakaparadang ten wheeler truck sa dibdib ko, ang bigat-bigat!" hinihingal na paliwanag ko kay best. Nakanganga ito at napatanga. Hindi siguro siya naniniwala!

She's into HerWhere stories live. Discover now