SHE'S INTO HER

75 5 1
                                    

CONTINUATION:

"Sakay," malamig na utos ni Mina sabay bukas sa pinto ng passenger seat. Nagkatinginan naman kami ni Momo.

"Do I have to carry you?" Frustration is all over on Mina's face kaya patakbo akong lumapit sa nakabukas na pinto ng kotse. Uupo na sana ako nang biglang sumigaw si Mina.

"Hey!" She was looking straight to Momo.

Gulat namang nagpalinga-linga si Momo at napapangangang itinuro ang sarili.

"Ako?" Momo mouthed.

"Yes you! What the hell you think you're doing?"

"Sasakay?"

"No you're not."

"Bakit? Kaibigan ko si Chaeyoung!" dipensa ni Momo.

"But you are not my kaibigan. So, back off." Sumakay si Mina at binuhay ang makina ng sasakyan. "Sasakay ka o sasakay ka?"

Wala akong nagawa kundi sumakay dahil wala naman ibang pagpipilian. Bago nito paandarin ang sasakyan ay ikinabit muna nito ang seatbelt ko. Napalunok ako nang malanghap ko ang gamit nitong pabango. Lumingon ito kaya halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya

"Safety first," aniya at lalong kumabog ang dibdib ko nang dumampi sa pisngi ko ang mainit nitong hininga. Napalingon ako kay Momo at nakita ko kung gaano kalapad ang pagkakangisi nito. Tangina! Para siyang si Nanno sa girl from nowhere! Ang creepy ni Best!

Tahimik si Mina habang nagmamaneho. Ako naman ay hindi mapakali dahil sobrang nakakailang. Hindi ko rin maiwasan na hindi siya nakawan ng tingin kaya naglakas loob na akong kausapin ito.

"Ah.. Mina?" tawag ko sakanya.

"Yes?" sagot nito nang hindi man lang inaalis ang paningin sa daan.

"Bakit.. hindi mo isinakay si Momo?"

"She's a mess," matipid ngunit madiing tugon niya.

"Ha?"

"Hakdog!"

Bwiset! Simula talaga nang mauso yang word na yan wala na akong makausap ng matino!

"Pwede ba? Mabuting tao si Momo!"

"Wala akong sinasabing masama siyang tao. Ang sabi ko, she's a mess."

"No she's not!"

"Teka lang, bakit mo ba siya pinagtatanggol?"

"Dahil kaibigan ko siya."

"Ako ba hindi?" sagot ni Mina na tila may himig ng hinanakit. Napatitig ako sakanya. Nagtatampo ba siya? Hindi ba dapat ako ang magtampo dahil umalis siya ng hindi nagpapaalam?

"Excuse me? You left, remember?" pamimilosopo ko at bigla na lang siyang nagpreno ng sasakyan. Kung hindi niya ikinabit seatbelt ko kanina, baka nasubsob na mukha ko.

"Baba!"

"What?" Gago ba siya? Wala pa kami sa school ah!

Lumabas ito at binuksan ang pinto kung saan ako naka upo. Pagkabukas ay tinanggal nito ang seatbelt ko sabay hila sa braso.

"Anong ginagawa mo!" singhal ko.

"Pinapababa ka."

"Wala pa tayo sa school ko!"

"The hell I care."

Nang maibaba ako ay agad itong sumakay ng kanyang kotse at pinaharurot iyon palayo.

Naiwan naman akong tulala at di makapaniwala sa nangyari.

Tangina!

Sirang-sira talaga araw ko ngayon!

She's into HerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora