SHE'S INTO HER

42 2 0
                                    

CHAPTER 5:

CHAEYOUNG'S POV

Lutang ako habang naglalakad kami sa corridor papunta sa room namin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang okay na kami ni Mina. Akala ko habang buhay akong magtatampo sakanya. Pero may bumabagabag pa rin sa loob ko, pakiramdam ko may hindi pa siya sinasabi sakin.

"Iniisip mo?" tanong ni Best pero nakatutok ang mata sa screen ng cellphone. ML player kase siya mage user. Kaso uubusin lang star mo. Mas masahol pa sa pabigat!

"Ikaw." Nakataas ang kilay nitong napalingon sa akin.

"Ako?" turo niya sa sarili. Natatawa ako kapag ganoon ang reaksiyon niya.

"Oo."

"Bakit ako? Bakit hindi si Justin? o kaya si Mina?"

"Bakit hindi ikaw e pinagkanulo mo ako kay Mina!" galit-galitan kong sabi sa kanya.

Dumagundong sa buong corridor ang halakhak nito kaya wala sa oras na nabatukan ko siya. Napa 'aray' naman ito at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakalimutan na rin niyang nagra-rank siya kawawa naman mga kakampi niya.

"E kase naman best, desperada na yung tao. Alam mo ba sabi pa niya, bumalik daw talaga siya para sayo. Kaya kung hindi pa daw talaga kayo magkakaayos, babalik na lang daw siya ulit sa Japan."

"Sinabi niya yon?"

"Uh-uh.."

"Pero bakit ganon best? Pakiramdam ko may hindi pa siya sinasabi sa akin?"

"Best, huwag mo munang isipin yan. Mahalaga okay na kayong dalawa."

Napabuntong-hininga na lang ako. Tama si Momo. Mahalaga okay na kami ni Mina. Okay na nga ba?

"Chaeyoung!" Nakangiting lumapit sa amin si Justin. Napaka maskulado niya sa gamit niyang pabango.

Aminado akong may itsura si Justin, matangos ang ilong, may dalawang malalalim na biloy, makapal-kapal na kilay at matipunong pangangatawan. Kung tutuusin nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalake. Mayaman, matalino, at talented.

"Hi!" bati niya nang makalapit sa amin at sumabay sa paglalakad.

Nginitian ko lang ito dahil parang hindi ako kumportable sa presensiya niya samantalang crush na crush ko ito.

"Hi daw best?" bulong ni Momo. Siniko ko ito para manahimik.

"Ah Chae, sabay tayong mag-lunch mamaya?"

"Ha? A-ah.. sige?" alanganing sagot ko.

"Yon! Kita na lang tayo!" Ngumiti ito at kumindat saka naunang tumakbo papasok sa room namin.

Papasok na rin sana ako pero hinila ako ni Momo.

"Halika nga muna, best!"

"Bakit ba?"

"Anong bakit ba? Parang kailan lang noong ini stalk-stalk pa natin si Justin. Tapos ngayon nandyan na, ang tagal mong sagutin? Naka drugs ka ba best?"

Hindi ko alam kung saan ako matatawa. Sa sinabi ba ni Momo o sa sarili ko? Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari sa akin nitong mga nakaraan simula noong bumalik si Mina. Pakiramdam ko okupado niya isip ko.

"Ewan ko ba best, recently kasi parang hindi na ako kinikilig kay Justin," nahihiya kong pag-amin.

Hindi makapaniwalang napatitig sa akin si Momo. Nanlalaki ang mga matang napatutop ito sa sariling bibig.

"Gago ka best! Samantalang ang saya-saya niyo pa kahapon sa simbahan!"

"Gago ka rin ba best? Kung alam mo lang, uwing-uwi na ako non! Ayoko lang siyang mapahiya kila Mama at Papa!"

She's into HerWhere stories live. Discover now