SHE'S INTO HER

36 3 0
                                    

CHAPTER 4: CONTINUATION

Kinabukasan ay pinakiusapan ko si Dahyun na sunduin ako. Tumanggi ito nong una pero pumayag din nang sinabi kong balak kong ihatid si Chaeyoung at Momo gamit ang kotse niya. Kahit hindi maganda ang naging pakikitungo namin sa isa't-isa nitong nakaraan, alam kong mabuti siyang tao.

"Gago ka ba? Akala ko ba ihahatid natin sila?" nangingiwing tanong niya. "Anong ginagawa natin dito?" Ipina park ko kase ang kotse niya ilang metro ang layo mula sa bahay nila Chaeyoung.

"Ano ka ba? Gusto mo ba akong malintikan kay Daddy?"

Kaya nga nagpasundo ako at dito ko siya pinag park para hindi kami makita at hindi ako pagdudahan ni Daddy.

"Sabi ko naman sayo diba? Gagawa ako ng paraan para makasama siya!" I proudly added.

"Oo pero wala kang sinabi na ilulublob mo sa putikan ang gulong ng kotse ko!" sigaw nito sa akin. Kulang na lang ay tirisin niya ako sa sobrang pagkainis.

"Pwede ba? Mamya mo nako awayin kapag nasa office na tayo?"

"Hindi lang kita aawayin, sasaktan pa kita!"

Natawa nalang ako sa inasal niya. Pero seryoso siya, mukhang sasaktan talaga niya ako!

Nabuhayan ako ng loob nang masilayan ko ang babaeng kanina ko gustong-gustong makita.

"Hey!" Niyugyog ko ang balikat ni Dahyun. "There they are!"

"Oo nakita ko, tangina! Bitawan mo nga ako?"

Ang sungit neto! Na excite lang naman ako?

Bawal? Bawal??

"Makinig ka sakin okay?" sabi ko habang hindi inaalis ang paningin kay Chaeyoung.

"Duh!? Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Cause I will be the next CEO at magiging boss mo. Ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mong sumunod sa mga gusto, that's an order!"

Lumukot ng husto ang mukha nito. "E kung tadyakan kita palabas ng sasakyan ko?"

I chuckled in surprise. Grabe siya sobrang palaban! Dati siguro siyang mandirigma sa past life niya! 7"Hey? I was just kidding!"

"Pwes ako hindi!"

Sandaling nawala ang paningin ko kay Chaeyoung kaya huli na nang mapansin kong nakasakay na pala sila ng trycicle.

"Hey! Hey! Hey! Sundan mo iyon! Bilis!"

"Paano kung ayoko?"

"Fuck! Tabi nga!"

Mabilis akong kumandong sakanya at inagaw ang manibela.

"Bitch! Get off ang bigat mo!" reklamo nito pero walang ibang nasa isip ko kundi maabutan ang trycicle na sinasakyan nila Chaeyoung!

Nang maka overtake ako ay agad ko silang hinarang sabay tapak sa preno. Subsob ang mukha ko sa manibela samantalang subsob naman ang mukha ni Dahyun sa malapad na likod ko.

"Tangina Mina! Gagawin mo ba talaga lahat para sa babaeng yon!?"

"Oh  well, I would die for her!" I replied. Dahyun's jaw literally drop and I can't help but to laugh.

"Gago! Kung gusto mong magpakamatay para sakanya huwag mo akong idamay!"

We both stop arguing when someone knocked on her car's window. Ibinababa ko iyon at laking gulat ko nang makita si Chaeyoung at Momo. Pareho silang nakatitig sa amin ni Dahyun with no emotions.

"Anong trip niyo?" Chaeyoung asks while crossing her arms.

"Hindi masama gumawa ng milagro pero sana nilulugar niyo," Momo said in her coldest tone.

Wait? What did she say? Milagro??

Nagkatinginan kami ni Dahyun at na realized ko na medyo masagwa nga ang posisyon naming dalawa. Dali-dali akong bumaba at hinarap sila.

"Gusto lang namin kayong ihatid!" I stole a glance at Dahyun's direction, her side profile was neutral, but she tightened her grip on the steering wheel. "Diba Dahyun?"

She slowly and unconsciously turn her gaze to us. "Ha?"

"Hakdog!" Momo said, turning Dahyun's face in to red.

Padarag na bumaba ng kotse si Dahyun at hinarap si Momo.

"Kapag sinabi kong 'Ha' it means hindi ko narinig. Huwag mo ako ma hakdog-hakdog!" Dahyun said through clenched teeth.

Napansin ko ang unti-unting pagtaas ng kilay ni Momo at sa pagkakakilala ko ay hindi ito nagpapatalo. Bago pa man lumaki ang gulo ay pumagitna ako.

"Sandali, gusto lang namin kayong ihatid. Yun lang yun."

"Gusto mo kaming ihatid pero halos madisgrasya kami sa ginawa mo?" dismayadong sabi ni Chaeyoung. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang malalamig niyang pagtitig.

"Tara na best, wala tayong mapapala dito." Hinila ni Momo ang kamay ni Chaeyoung at nagpatianod naman ito.

Wala naman kaming nagawa kundi sundan sila ng tingin habang pasakay ng trycicle. Ilang sandali lang ay wala na ang mga ito sa aming paningin.

"Great! This is fucking great!" gigil na sabi ni Dahyun. "Now what?"

"Teka? Ba't ikaw ang galit? Diba dapat ako kasi hindi ko naihatid si Chaeyoung?"

Tila natauhan naman ito dahil biglang umaliwalas ang mukha.

"Practice lang!" sagot nito sabay bukas ng kotse. "Tara na?"

Tahimik naman akong naupo sa tabi nito. (passengerseat)

"Bukas sunduin mo ulit ako."

"What? No way!" She exclaimed before she starts the engine.

Napangiti ako dahil ngayon pa lang kami nagkakasundong mag pinsan.

Lalo tuloy akong nagkaroon ng pag-asa na magkakasundo din kami ni Mina.

Lihim akong napasulyap kay Dahyun. Salubong parin ang kilay nito.

"Tangina Mina! Huwag mo akong titigan ng ganyan!"

"Huwag ka mag-alala di kita huhubaran!"

Sabay kaming natawa.

Alam kong medyo okay na kami dahil minumura na niya ako.

Actually, kanina pa!

She's into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon