SHE'S INTO HER

56 3 0
                                    

CHAPTER3 : CONTINUATION

"Grabe ka best ah? Hindi pa rin ako maka get over sa paninigaw mo kay Mina kahapon!" Eto na naman siya, paulit-ulit na naman niyang ipapaalala sa akin yung kahihiyang inabot ko!

"Uso move on best!" I replied while resting my chin on the palm of my hand.

"Kung ayaw mo ng pagkain, pwede mong ibigay sa akin huwag mong laruin!" Momo said and slap my arm. Kanina ko pa kase pinaglalaruan yung in-order naming pagkain.

"Tsaka, huwag kang nakangalumbaba sa harap ng pagkain, malas yan!" dagdag pa nito.

"Hi Chaeyoung!" It was Justin. Nakangiti ito at may hawak na tray ng pagkain. "Pwede maki join?" tanong nito.

"Ah sure," walang ganang sagot ko.

"Siya nga pala Chae, may gagawin ka ba mamaya? Labas sana tayo, sagot ko!" Justin said but I pretended that I didn't heard it. Ewan ko ba, parang kanina pa ako walang gana.

"Ako Jus? Di mo ako yayayain? Wala rin akong gagawin!" sabat ni Best pero natawa lang si Justin.

Naramdaman ko na lang na sinipa ni Momo ang sapatos ko kaya natauhan ako.

"Best!"

"Ha?"

Momo was about to say HAKDOG pero inunahan ko ito. Itinutok ko sakanya yung tinidor na hawak ko.

"Say Hakdog and your dead!" banta ko at ngumisi naman ito.

"Grabe best, ang tapang! Ibaba mo nga yan?" Tinabig nito ang tinidor na hawak ko. "Tinatanong kasi ni Justin kung may gagawin ka ba mamaya? Labas daw kayo, sagot niya."

"Uh, sige. Labas tayo after ng klase," sagot ko nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Justin. "By the way, mauna na ako."

Tumayo ako at kinuha ang ilang gamit ko. "Tara na best?" Nagsimula na akong maglakad palayo. Sumunod naman si Best.

"Best ano yun!?" nanlalaki ang mga matang tanong nito habang sinasabayan ako sa paglalakad pabalik ng room.

"Ang alin?"

"Naku best huwag na tayong magplastikan!"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ito.

"Okay fine. Wala ako sa mood makipag usap ngayon!" sagot ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"So required maging rude pag wala sa mood? Kung nakita mo lang sana itsura niya!"

"Ewan ko ba best, hindi ko siya feel kausapin ngayon. Well actually, pati ikaw. Pero dahil kaibigan kita, pinipilit ko pa ring kausapin ka."

"Ang attitude a? Utang na loob ko pa pala sayo na kinakausap mo parin ako!"

Sabay kaming natawa sa mga sarili namin.

Naisip ko tuloy, what if hindi umalis si Mina? Ganito din kaya kami magbiruan ngayon? Ganito din kaya kami ka close?

Speaking of Mina? Nasaan kaya siya? Bakit hindi niya kami hinatid kanina?

Teka lang..

Ano bang pakialam ko sakanya!

/-/-/-/-/

Agad kong hinanap si Momo nang matapos ang klase ngunit ni anino nito ay hindi ko nakita. Ang bilis naman mawala ng babaeng yun!

Nang hindi ko ito nahanap ay nagpasya akong tawagan na lang. Mabilis naman itong sumagot.

"Hoy! Babaeng balahura, nasaan ka!"

Humalakhak naman ito na parang si Nanno.

"Nasaan ka! Kanina pa kita hinahanap!"

"Ikaw ang nasaan? Kanina pa kami nasa labas!"

Oo nga pala! May usapan kami ni Justin!

"Sige papunta na ako." Ibinaba ko ang tawag at patakbong lumabas ng campus.

Sinalubong agad ako ni Momo nang makalabas ako.

"Best!" Nagulat pa ako nang iabot nito sa akin ang isang pirasong bulaklak. Awtomatiko akong napangiti nang tanggapin ko iyon. Paborito ko kasi ang rose lalo't kulay yellow!

"Owh.." usal ko habang maluha-luha ko itong inamoy.

"Ang sweet! Galing ba ito kay Justin?" tanong ko pero sunod-sunod itong umiling kaya napakunot ako ng noo. Hindi galing kay Justin? Imposible namang kay Best mismo, dahil hindi ito sweet na tao. Minsan nga napapatanong ako kung tao ba talaga siya. So kanino galing?

"Kapag may nagpaabot sayo ng bulaklak, galing agad kay Justin? Hindi ba pwedeng galing sakin?"

With a furrowed forehead and skipping heartbeats, I slowly turned my gazed to that familiar voice.

Those perfect eyebrows, that pointed nose, that pouty yet sexy lips, perfect jawline,deep dimples and those moles...

"Done checking me out?" A small smirk played on her lips.

Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito at tila nabalik ako sa katinuan.

What? Checking her out? Did I checked her out? Of course not!

"Excuse me?"

"Best, huwag ka na magkaila. Sa katunayan, 45 seconds kang nakatitig sakanya!" bulong ng hinayupak kong kaibigan. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at siniko sa tagiliran

"Ayaw mong maniwala?" Ipinakita ni Momo ang hawak nitong cellphone na naka set pa ang timer.

Tangina! What a supportive friend!!

"Pasensiya ka na kung hindi ko kayo naihatid kanina, isinama kasi ako ni Daddy sa office niya," Mina said in her softest tone. Kaya pala CEO na CEO ang pormahan! Naka white long sleeve polo kasi ito na itinuck-in sa kulay itim na skirt na tinernuhan ng kulay itim na highheels. With shade pa! Samantalang noong mga bata kami t-shirt na may mukha ni sakuragi ang mga sinusuot nito!

'Pake ko!'

"Okay lang! Susunduin mo naman kami ngayon diba?" Momo asked, smiling widely from ear to ear. Gagang 'to! Parang kailan lang noong galit na galit siya kay Mina dahil hindi siya isinakay, tapos ngayon feeling close? Balimbing si Best!

"Yeah, kaya nga hindi ko na tinapos ang ilang paper works para maabutan k---"

"Chaeyoung!" Ako lang yung tinawag pero tatlo kaming sabay-sabay na lumingon.

"Tara na?" aya ni Justin. Hindi naman ako agad naka sagot dahil biglang sumabat si Mina. Mukhang nainis ito nang hindi man lang natapos ang sasabihin dahil sa biglang pagdating ni Justin! Nasabi ko iyon dahil nagtanggal ito ng shades!

"So, you're Justine."

Nilingon naman ito ni Justin.

"Oo. Bakit?" He answered in his cool way.

"Sorry pero hindi siya sasama sayo."

"What? Sinong may sabi?"

"Ako!"

Pagkasabi no'n ay bigla na lang akong hinila ni Mina at sapilitang isinakay sa kotse niya pero nagpumiglas ako.

"Hey! Let her go!" pigil ni Justin. "Ayaw sumama ni Chaeyoung sayo!"

"Ayaw ko rin sumama si Chaeyoung sayo, so BACK OFF!" singhal nito kay Justin dahilan para lalong mainis ang binata.

"Bitawan mo nga ako! Naka oo na ako sakanya!"

"Pwes binabawi ko!" maawtoridad na sabi nito.

"Anong karapatan mong pangunahan si Chaeyoung!" giit ni Justin.

"Anong karapatan mong mangialam!"

"Im her suitor!"

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwang ng pagkakahawak sa akin ni Mina hanggang sa tuluyan na niya akong binitiwan at hinarap si Justin.

Nagulat na lang ang lahat nang bigla na lang itong sikmuraan!

Hala! Tangina!

Bakit mo ginawa yon Mina!

She's into HerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt