SHE'S INTO HER

47 5 0
                                    

CHAPTER 3: CONTINUATION

Sa isang lumang playground kami dinala ni Mina, at hindi ko iyon nagustuhan. Sa lahat ng lugar, itong lumang playground ang pinaka ayaw ko ng puntahan.

Sa t'wing nakikita at nadadaanan ko ang lugar na iyon ay bumibigat ang pakiramdam ko.

Para sa akin kasi ay hindi lang ito basta lumang playground. Dito kami madalas maglaro ni Mina noong mga bata pa kami. Saksi ang lumang playground na ito kung paano niya ako asarin, awayin at paiyakin. Saksi ang lugar na ito kung paano ako ipagtanggol ni Mina sa ibang batang umaaway sakin. Para sakanya kase, siya lang ang may karapatang umaway sakin. Saksi ito kung paano ako nag-isa nang umalis siya ng walang paalam. Saksi ito kung paano ako umiyak, at kung paano ako nangulila sakanya, kung paano ako naghintay sa pagbabalik niya, kung paano ako umasa na makikita ko ulit siya. Ang lumang playground na ito din ang naging saksi kung paano ako sumuko sa paghihintay sa pagbabalik ni Mina.

Bakit niya ako dinala dito? Para ano?

Para ipaalala kung paano ako nag-isa noon?

"Ay wait lang best! Tumatawag si Mama, hahanap lang ako ng signal!" paalam ni Momo kaya naiwan kaming dalawa ni Mina.

Ilang minuto ding namayani sa pagitan namin ang nakakabinging katahimikan.

Walang gustong maunang magsalita.

Pero napapitlag na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ito at ngumiti.

"Na miss kita," aniya na tila kumislap ang mga mata dahil sa namumuong mga luha. Napatitig ako sa mga kamay naming magkadaop. Ilang taon ko ding hinintay na muling mahawakan ang kamay niya. Pero bakit parang masakit? Siguro kasi akala ko hindi na siya babalik. Pero heto siya ngayon, sa tabi ko, hawak ang kamay ko at sinasabing namiss niya ako.

Ilang saglit pa ay iginiya niya ako at inalalayang makaupo sa isa sa mga bakal na duyan saka siya pumwesto sa likod ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa ibabaw ng mga kamay kong nakahawak sa duyan. Ramdam ko rin ang mainit at malambot niyang katawan na dumadantay sa aking likuran.

"Chaeyoung? Naalala mo noong mga bata pa tayo, dito tayo madalas maglaro. Uutusan mo akong iduyan ka ng malakas tapos iiyak ka kapag nahulog, hahaha!" pagkukwento ni Mina. She tried to laugh but her voice started to cracked. Kahit nakatalikod ako sakanya, alam kong nasasaktan siya. Ramdam ko ang bigat at sakit sa bawat pagbuka ng kanyang bibig, sa simpleng paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Pero hindi niya alam, umiiyak ako hindi dahil sa nahulog ako. Umiiyak ako dahil alam kong nasasaktan ko siya sa t'wing sinasalo niya ako kapag nahuhulog ako.

Tulad ngayon, gusto kong umiyak dahil kahit hindi niya sabihin alam kong nasasaktan siya dahil sakin. Pero nasasaktan din ako dahil sakanya kaya mas pinili kong pigilin ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

"Chaeyoung? Pwede ba kitang iduyan ulit gaya ng dati?"

"Hindi, dahil hindi na ako ang Chaeyoung na nakilala mo. Kaya ko ng magduyan mag-isa. Kaya ko ng hindi umiyak kapag nahuhulog dahil pinatunayan mo sa akin na hindi sa lahat ng pagkakataon nandyan ka para saluhin ako."

"Pero Chaeyoung--"

Tumayo ako pero hindi ko siya hinarap, natatakot kasi akong makita siyang nasasaktan.

"Hindi na tayo mga bata kaya pwede ba? Huwag kang magpanggap na kaya mo pang ibalik sa dati ang lahat."

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita, mabilis akong naglakad para makalayo dahil unti-unti nang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luhang kaytagal kong inipon.

Bakit ganon? Bakit ang laki at ang lalim ng sakit na iniwan niya sakin noong umalis siya?

Hindi ba dapat hindi na ako makaramdam ng sakit dahil kung tutuusin, mga bata pa kami noon.

Pero bakit hanggang ngayon nasasaktan parin ako dahil kay Mina?

She's into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon