SHE'S INTO HER

41 3 0
                                    

CHAPTER 5: CONTINUATION

"You make me feel speciaaaar! Sesangi amuri nal jujeoancheoyodooo! Apeugo apeun maldueri nal jjileodoooo!" sintonadong kanta ni Momo habang naglalakad kami papuntang room. Sinabi ko kasi sakanya na nagkausap kami ni Mina tapos bigla na lang siyang kumanta na parang sinasapian, as in ang ingay niya.

"Ang ingay mo best!" sita ko sakanya. Sarap niyang tusukin sa ngala-ngala!

"Ano ka ba best? I am just happy for you!" Kumindat pa ito pero di niya bagay.

Napangisi ako. Kita ko nga. Halatang-halata!

"Bakit? Dahil okay na kami ni Mina?" nakangiting sabi ko.

"Syempre! Hindi!"

Gago mo! Akala ko pa naman masaya siya para sakin dahil ayos na kami ni Mina!

"Masaya ako para sayo best kasi, mas masaya ka na ngayon kumpara noon. Alam mo yun? Ang sigla ng awrahan mo. Ang aliwalas ng mukha mo. Napansin ko pa best ha? Ibang-iba yung ningning ng mga mata mo ngayon!" Medyo exagerrated ang pagkakasabi nito dahil with actions pa.

"Alam mo best, ang dami-dami mong napapansin!"

"Kasi naman best ang dami mo rin pinagbago! Noon, halos ayaw mong pag-usapan si Mina. Tapos kapag napapag-usapan natin, kung hindi ka galit, nalulungkot ka. Samantalang kanina best! Grabe yung saya mo habang ikinukwento mo siya sa akin!"

"Natural lang yun best kase okay na kami!" depensa ko.

"Hindi best e? Iba talaga yung energy mo ngayon!"

Napapailing na lang ako dahil hindi ko ma gets kung anong ibig sabihin ni Momo.

"You make everything alright! Gureumi jjwak kkin haessal han jum eomnun nal!" huling hirit ni Momo bago siya tuluyang napatigil dahil bigla na lang may sumabog na confetti sa harapan namin.

Nagtataka kaming napatingin sa isa't-isa.

Napansin ko rin ang ilang kaklase ko na may kanya-kanyang hawak na pulang rosas at isa-isa silang lumapit para iabot iyon sa akin. Nagtataka man ay tinanggap ko ang mga iyon. Huling lumapit si Justin na malapad ang pagkakangiti. At parang alam ko na kung ano ang nangyayari.

Mas madali ko pang na gets iyon kesa sa mga sinasabi ni Momo kanina.

"Woooooohhhhhhh!" hiyawan nila nang makalapit na sakin si Justin. Kakamot-kamot pa ito ng kilay na tila nahihiya habang iniaabot sa akin ang isang bungkos ng bulaklak.

"Para sayo," aniya.

"Ako na hahawak!" Mabilis itong inagaw ni Momo. Kunot-noo naman siyang tinitigan ni Justin. "Marami na kasing hawak si Best!" pagdadahilan nito.

"Chae, hindi naman sa nagmamadali ako pero.. pwede na ba kitang maging girlfriend?" seryosong tanong ni Justin. Muling naghiyawan ang mga estudyante at halos mabingi ako dahil sa lakas ng mga hiyaw nila. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nito. Oo gusto ko siyang i-reject pero ayokong gawin yun sa harap ng maraming tao.

"Chae?"

"H-ha? A-ano ulit yon?"

"Kung pwede na ba kitang maging girlfriend?"

"Hindi!" Natigilan ang lahat at napalingon kay Momo. Siya kasi yung sumagot.

"Ba't ikaw sumagot? Ikaw ba tinatanong?" mataray na sabi ng isa kong kaklase. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda nang unti-unti itong lingunin ni Momo. Tangina!

"Bakit ka nangingialam? Maganda ka ba?! E mukha ka ngang sinumpang nilalang!" mas mataray na sagot ni Momo kaya ang masaya sana at nakakakilig na effort ni Justin ay nauwi sa parinigan at sabunutan.

She's into HerWhere stories live. Discover now