CHAPTER 6:

26 2 0
                                    

CONTINUATION:

I was heading to Dahyun's office.

I have something to ask her regarding doon sa video na pinapanuod niya sa akin kagabi. Gaya ng nakagawian ay hindi na ako nag-abalang kumatok. Agad kong binuksan ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok. Pareho pa kaming nagulat. Napansin ko siyang palihim na nagpahid ng mukha.

Wait.. Is she--

"Hey! Are you crying?" I worriedly run towards her.

"No. Why are you here?" She briefly replied as she averts her gaze away.

Sus! Hindi daw?

"Oh come on! You're not a good actress! What's that?" I asked. I noticed that she's holding something. Hindi ako sigurado kung ano iyon pero natataranta siyang tumingin sa akin.

"Wala. Ano bang kailangan mo?" Dahyun asked. A little impatient this time.

Ang moody talaga ng pinsan ko!

"Ah- yeah! About dun sa video kag---"

"Tito has already fixed it."

"Did he talked to you?"

"No. My Dad did."

"A-anong sabi niya? Nagalit ba siya?"

Malamig itong tumitig sa akin.

"Pinagtakpan ko lang naman ang kalokohan ng pinsan ko, what do you think?"

"Im sorry, are you mad?"

"Depende."

"Huh?"

"Kung ililibre mo ako ng inumin baka makalimutan kong galit ako sayo."

This bitch! Gusto lang palang magpalibre ang dami pang arte!

Tumayo ito at iniabot sa akin ang bagay na hawak-hawak niya kanina.

It was a picture. An old one.

Damn!

Sa isang bar ako niyaya ni Dahyun. Pagkaupong-pagkaupo palang ay agad na itong um-order. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan at pinapakiramdaman. Matapos nitong ibagsak ang basong wala ng laman ay naglakas-loob akong tanungin siya.

"Kailan pa?"

Dahyun smiled forcely as she ordered for another shot.

"I met her when I was thirteen. She was 15 that time. It's kinda weird pero, kumabog ng husto ang puso ko sa unang beses pa lang ng pagtatama ng aming mga mata."

Tulala parin akong nakatitig sakanya. Gusto ko sanang tumawa dahil napaka lalim ng mga sinasabi niya pero kitang-kita ko ang ka seryosohan sa mga mata niya.

"You mean.. you fell for her agad-agad?"

Tumango-tango ito. "Uhm.. yeah. Parang ganon na nga? Nakakatawa lang kase pareho kaming babae. Noong mga panahon na iyon hindi ko pa alam ang tama at mali kaya sinunod ko ang pansarili kong kagustuhan. Hindi ko nga ini-expect na pareho pala kami ng nararamdaman. Okay na sana Mina, masaya na sana kaming dalawa dahil tanggap kami ng mga magulang niya pero.." Saglit itong huminto at napayuko. Maya-maya pa'y humihikbi na ito.

"Dahyun.."

"Pero nalaman nila Mommy at Daddy at tulad mo pwersahan nila akong ipinadala sa Japan pero hindi ako pumayag. And that was the biggest mistake I've ever made."

Saglit itong tumigil sa pagkukwento. Matiyaga naman akong naghintay sa mga susunod pa niyang sasabihin.

"Noong araw ng alis ko, tumakas ako. Tinawagan ko siya at nakipagkita. I asked her na kung pwede doon muna ako sakanila. Ang hindi ko alam, pinapaman-manan na pala ako ni Daddy una palang.  Mina.. dahil sa akin kaya namatay ang mga magulang niya."

Hindi agad ako nakapagsalita. Ayoko maniwala pero nanggaling mismo sa kanya. Sa sobrang shocked ay napa shot na rin ako.

"Pinasunog ni Daddy ang bahay nila. Iyong lumang bahay na pinagdalhan mo kay Chaeyoung."

Oh my God!

"That... that was insane.."

"Parang nagbibiro nga ang tadhana dahil nagkita ulit kami after 10 years. At dahil yon sayo."

"Kaya ba pumapayag ka na sumama sa akin because of her?"

"No." Nagpahid ito ng luha at pilit ang ngiting bumaling sa akin. "Sumasama ako sayo dahil ayokong mapahamak si Chaeyoung. Mina, habang maaga pa, lumayo ka na sakanya."

"Hindi pwede. Ang tagal kong hinintay na magkita ulit kami, na bumalik lahat sa dati."

"I know, mahal mo siya at hindi ganoon kadaling pigilin iyon. But please, huwag mong hayaang pati si Chaeyoung idamay nila. As much as possible, iwasan mo na muna siya."

/-/-/-/-/

"Dahyun told me everything.. Im so sorry."

Momo and I were sitting on the swing, sa paborito naming swing ni Chaeyoung noon. Matapos ko silang masundo kanina ay nag message ako sakanya na kung pwede ba kaming magkita. Pumayag naman siya with out even asking why.

"Tapos na yon."

"Alam kong masakit pa rin."

"Kahit kailan naman hindi nawala yung sakit."

"Nag-usap na ba kayo?"

"Uhm.. nagme-message siya sa akin. Pero ayoko ng pag-usapan ang nakaraan. Masakit parin pero hindi ibig sabihin hindi ako okay ngayon."

"Momo.."

"Ang liit ng mundo." Tumingila ito at tumitig sa kalawakan. Ginaya ko ang ginawa nito. Sa pagtingala ko nakaramdam ako ng pansamantalang kapayapaan.

"Maybe there's a reason kung bakit nagkita ulit kayo."

"Ano sa tingin mo ang dahilan?"

"I don't know," I shrugged. "Baka may gusto kayong sabihin sa isa't-isa na hindi niyo nasabi noon.."

"Wala akong gustong sabihin sakanya.."

"Baka siya meron? What do you think?"

"Ewan ko? Kung ako lang masusunod, ayoko ng magkrus ulit landas namin.."

"Pero---"

"Sinabi mo na ba kay Chaeyoung na gusto mo siya?" Pag-ibaba nito ng usapan.

Napalingon ako sakanya at ganoon din ito sa akin.

Gustong-gusto ko ng sabihin lalo na kapag nakikita ko silang magkasama ni Justin pero nandon yung takot.

Natatakot ako na baka hindi kami pareho ng nararamdaman. Natatakot ako na magbago na naman ang pakikitungo niya sa akin. Na baka iwasan niya ako ng tuluyan or worst siya pa mismo magpatapon sakin sa Japan! Haha! Ano ba itong pumapasok sa isip ko!

"Sa tingin ko, kailangan na natin umuwi. Pareho pa tayong may pasok bukas."

Ngumiti ito at saka nagpaalam.

Tahimik lang akong naglalakad nang maalala ko ang sinabi ni Dahyun.

Kaya ko bang iwasan si Chaeyoung?

She's into HerWhere stories live. Discover now