18. The Letters 📝

Începe de la început
                                    

"Anong iniisip mo, bave?" tanong ni Sir Aki habang hinahawakan niya ang kaliwang kamay ko. Nasa biyahe pa rin kami pabalik ng opisina.

"Madami, bave," napapangiti kong tugon. Minsan talaga 'pag naalala ko ang Ken na 'yon, napapangiti pa rin ako.

"'Uy, ang sarap no'ng pakinggan," sambit niya.

***

Madaming nagbago sa loob ng isang linggo. Mas naging masayahin at pala-kuwento na ang Bavy Aki ko. Mas ginanahan akong pumasok. Pagdating ng Biyernes ay sinamahan niya ako sa unit ko sa Tower 2 ng FATE kung nasaan rin ang isa sa mga unit niya.

"This is official, bave. Sa 'yong sa 'yo na 'to, parang ako," sabi nito habang iniaabot sa akin ang susi at ang proximity card ng unit ko. Naganap na rin ang awarding ceremony noong nakaraang araw kaya naman alam na rin ng buong mundo kung gaano ako ka-suwerte.

"Very generous, indeed," sambit ni Mark nang minsang magkausap kami sa isang high-end na coffee shop kasama si Ara.

"Gandara. Isama mo naman kami sa condo mo, Mek," dugtong pa ni Ara habang humihigop ng mamahaling kape na libre ko sa kanya.

Pero hindi ko pa nasasabi sa dalawa ang pampelikula kong first kiss pati na rin ang totoong feelings ko sa boss ko. Ayoko rin naman kasing mag-assume. Hindi naman kasi porke't gusto namin ang isa't isa ay kami na agad. Bahala na si destiny, sabi ko.

"Tutulungan ka namin ni Vicky na mag-ayos," sabi nito pagpasok namin sa loob ng unit. Bakit kasama pa ang Victoria na 'yon?

"Hindi na. 'Andiyan naman sina Ara at Mark para tulungan ako. Abala pa sa inyo."

"I'm sorry? Makikipagkita ka pa sa Mark na 'yon?"

"Bakit naman hindi. Magkaibigan kami."

"Do you even hear yourself?" Heto na naman, nag-eenglish na siya, nagagalit na naman siya.

"Nagseselos ka ba?" Opo, ang haba ng hair ko nang sinabi ko 'to.

"Hindi. Hindi lang tama na nagpapaligaw ka pa sa iba kahit may boyfriend ka na." Ano raw? May boyfriend na raw ako? Medyo nainis ako sa term niyang nagpapaligaw. Para kasing ang bastos. Parang ang landi landi ng tingin niya sa akin.

"Teka teka. Una sa lahat, hindi ako nililigawan ni Mark. Magkaibigan lang kami. Pangalawa, I don't have a boyfriend."

"So all this time, I'm still that stranger to you," bulyaw nito na tulad ng boses niya ay unti-unting lumabas ng unit.

Bigla tuloy sumagi sa 'kin ang isa sa mga paborito kong mga sipi sa libro ni Madam Mara. Kapag nagpapahabol siya sa 'yo, habulin mo. Kailan na sumarap ang pagtakbo nang walang reward? Tama naman si Madam. Kaya naman hinabol ko nga ang aking soulmate candidate number 1. Bago pa man ito makapasok sa loob ng condo unit niya ay nahablot ko na ang baywang niya. Sa bilis niyang maglakad ay wala akong nagawa kundi ang yakapin siya mula sa likuran niya. Para pigilan siyang tuluyang lumayo sa akin. At para maramdaman ng mga braso ko ang matigas niyang abs.

Huminto rin naman siya sa paglalakad. "Anong ginagawa mo?" singhal pa niya.

"Sorry na," sabi ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagpigil sa kanya.

Sandali siyang tumahimik bago muling nagsalita. "Ang mga taong mahal natin, bakit ang dali-dali sa kanilang pasayahin tayo, pero ang dali-dali rin nila tayong saktan?"

"Hindi ba't 'pag nagmamahal tayo, dapat handa tayong masaktan?" tugon ko.

"Hindi lang naman sa pag-ibig tayo dapat handang masaktan. Sa lahat ng bagay. Dahil hindi perpekto ang mundo. Maging ang mga lalaki sa mundo."

"Hindi naman perpektong lalaki ang hinahanap ng mga babae. Maligaya na kami sa isang masintahing relasyon."

"Ang hirap sa inyong mga babae, ang hilig n'yong maniwala sa mga nababasa n'yo sa libro, sa mga pelikulang napapanood n'yo."

"Hindi na nga sana ako maniniwala e, pero nakilala pa kita."

At kaya naman 'di ko na napigilan pa ang pag-ikot niya paharap sa akin. "Natatakot akong ma-dissappoint kita, bave ko." Kapansin-pansin ang namimintanang lungkot sa mga mata niya.

***

Pagkatapos ng madamdaming tagpo sa pasilyo ng palapag na iyon ng Tower 2 ay nagtungo kami sa pinakamalapit na mall. Sabi niya patatawarin lang daw niya ako 'pag sinamahan ko siyang mamili ng gamit niya roon.

Bumili siya ng bagong comforter at mga unan. 'Buti na lang at kasama namin si kuya Marvin. Napakarami kasi talagang binili ng lalaking 'to.

"Saan ang party? Ang dami na n'yan," puna ko rito nang nasa supermarket na kami.

"Para hindi tayo magutom."

"What do you mean?" takang-taka kong tanong.

"'Di ba nag-pramis ka sa 'kin na sasamahan mo ako ngayon? It's a deal, not unless ayaw mong mapatawad kita."

Kung tutuusin naman wala talaga akong kasalanan sa kanya. Siya naman kasi ang maraming lihim sa 'kin. "Teka-teka, hindi malinaw ang usapan natin kanina. Ang sabi mo sasamahan lang kita ngayong mamili."

"Ang sabi ko samahan mo ako. Ang linaw na no'n. Malay mo ma-kuwento ko pa sa 'yo ang buong buhay ko, tonight. Tonight," tudyo pa nito.

And that got me. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero parang hindi 'yon tama. Sabi nga ni mama, lumayo sa tukso. Alam ko ang mga posibleng mangyari 'pag natulog ako sa condo niya.

"No!" sigaw ko. "Virgin pa ako, s-sir." Natawa pa 'yong katabi naming lalaki doon sa loob ng supermarket. 'Buti't malayo si kuya Marvin sa amin.

Kaya naman natawa rin ang lalaking 'to nang napakalakas. As in nito ko lang siya nakitang tumawa nang ganoon. 'Yung para bang wala siyang anumang problemang dinadala. Ang sarap niyang pagmasdan. "Iba ka talaga, Mica Santos," natatawa pa rin nitong sabi. "Sino namang may sabi sa 'yo na matutulog tayo nang magkatabi? Sa isang condo? May condo ka na, 'di ba? Kaya nga ibinili kita ng comforter e... para makatulog ka na sa condo mo. Pero kung gusto mo, why not? Hindi naman ako mahirap pilitin," tudyo pa niya.

Dahil dito ay nawalan na ako ng mukhang ihaharap sa kanya. Ako talaga 'yung taong hindi iniisip ang mga binibitawan niyang salita. Nakakahiya talaga. Wala akong nasabi.

"That's okay. 'Yan ang gusto ko sa 'yo e. Padalos-dalos. Matapang. Ikaw kaya ang kauna-unahang babaeng nagtaray sa akin. Hindi pala. Nag-iisa ka."

Tama siya ro'n. Basta alam kong tama ako, push lang nang push. Ayokong na-aagrabyado ng kahit na sino. "And you still like me, after all?" mapangahas kong tanong.

"Ewan ko nga ba. You're one of a kind," napapailing nitong tugon.

Habang pabalik na kami sa car park ay nagulantang ako sa lalaking sumalubong sa amin. Mahigit dalawang taon ko siyang hindi nakita, o nakausap, kaya hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

"Mek-Mek?" bati niya na parang hindi niya ako niloko noon.

"Ken Ken," bulong ko na umalingawngaw sa buong sistema ko.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum