Chapter 19

5.6K 43 1

 " hi, Randy! " Bati ni Sanda sa lalaking crush niya. Papunta siya sa may likuran ng bahay upang doon maligo.

" O, diba sabi ko mag-kuya ka s'kin? Mas matanda ako sa'yo, ah! " Sagot naman nito na may kasamang kaunting galit sa tono ng pananalita. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang batang si Sanda.

" Eh....konti lang naman agwat ah! Sungit mo dyan! Hmp! "

" Naku huwag mo na ako kausapin kung hindi mo ako tatawagin ng kuya... Respeto 'yun! Palibhasa kase... "

" Ano bang respeto? Hmp! Dami arte! Binati na nga, sungit pa! " Ani Sanda pa dito. Nakapameywang siya, at iniirapan ang binata.

" Naku, magligo kana nga! Sana di mo nalang ako binati para di ka dyan nagmumukhang palaka sa kakairap! " Si Randy, natatawa na siya sa iniakto ng batang kausap. Bukod tangi ito sa mga bugaw doon ang bumabati sa kanya. Kahit ilang beses na niya ito ipinapahiya.

" Aba't napaka- hmp! Dyan kana nga! " Mataray na sagot ni Sanda sa pang aasar ni Randy sa kanya, saka tumalikod na dito, at nagdadadabog na iniwan. Pero masayang-masaya siya pagkat kahit pa'nu'y pinansin siya nito. Kuntento na siya doon. Subalit mas gusto niya na malaman nito ang kanyang paghanga para dito.

Mabilis pang lumipas ang mga taon para kina Sanda. Halos maraming ulit na silang ibinugaw nina Hanah at Larry sa iba't-ibang lahi ng lalaki nang ibalita nito sa kanila na ibebenta na si Angel sa isang mayamang kailangan ng parausan.

" Ayoko po tita Hanah! Maawa na kayo! Okey naman na po ako dito at sinusunod ko kayo, ah? " Ani Angel kay Hanah. Naiiyak na ito, at natatakot. Si Sanda nama'y tahimik lang na nakikinig. Tutol siya na mahiwalay si Angel sa kanya. Ito na ang nagsilbing kapatid at pamilya niya pero may magagawa ba siya para pigilan sina Larry, at Hanah? Idagdag pa na mahirap silang makatakas mula doon.

" Bawal mag inarte! Tutal laspag ka naman na, eh papakinabangan na kita sa huling pagkakataon! " Ani Hanah sa matigas na tono.

Tuluyang umiyak si Angel. Nauna na ito sa kwarto at doon pinakawalan ang mga luha.

" Ikaw Sanda, galingan mo pa para di ka din maibenta! " Baling ni Hanah kay Sanda na patuloy ang pagkain.

Isang tango lang ang isinagot niya kay Hanah. Lihim siyang makikiramdam. Hahayaan na muna niya si Randy. Marami pang pagkakataon. Alam niyang magkikita pa rin sila nito. At papatunayan niya na kahit isa siyang bugaw ay maipagmamalaki siya nito. Ang importante sa ngayon ay ang maialis niya si Angel, at mailayo. Mabuti nalang at paunti-unti ay nakaipon siya ng pera. Mula sa mga tip na binibigay sa kanya.

" Tumigil kana dyan Angel! Walang magagawa ang pag-iyak mo! Tumahimik ka't magpaplano ulit tayong tumakas dito! Ihanda mo na ang ibang mga damit mo. " Wika ni Sanda sa kasamang bata pagkapasok ng kwarto nila.

" Ano Ate? Totoo ba ang narinig ko? " Nabiglang sagot na tanung ni Angel kay Sanda. Napabangon ito sa kama, at umayos ng pwesto.

" Oo! Pero 'wag kang magpahalata para 'di makatunog si bruhang Hanah! Alam mo naman 'yun... " Ani Sanda muli na sagot kay Angel. Umupo na rin siya sa kama nito, at inayos-ayos ang magulo nitong buhok.

" Pero A-Ate, baka mahuli na naman tayo ni Larry... " Alalang wika naman ni Angel.

" Sssshhh! Lakasan lang natin ang loob... At mag-isip ng positibo...ramdam ko na hindi pa tayo niya inaabandona! Mga pagsubok lang ito, at dapat natin malampasan! " Pagpapakalma ni Sanda kay Angel. Kahit sa loob niya'y natatakot siya sa mangyayari. Nu'ng huli kase na tumakas sila at nahuli'y nagbanta ito na pag ginawa pa nila sa sunod ay isasalvage na silang dalawa ng mga tauhan ni Larry.


Itutuloy...

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!