Chapter 29

4.3K 39 0

(PRE-FINALE)


 " Ay! Sorry po, Ma'am! Nama- " Napatigil ang binata sa pagsasalita nang malingunan ang babaeng nasa hospital bed na nakahiga. Hindi siya makapaniwala na ito si Sanda.


" Sanda.... " Paanas pa niyang tawag, saka tuluyang pumasok sa kwarto.


" Teka, sino ka ba? Bakit mo kilala si Cassandra? " Ani Cristy. Napalitan ng pagtataka ang kanyang anyo para sa binatang aksidenteng nagkamali ng pasok lang sa kwarto kung nasaan sila ni Sanda.


" Ikaw nga! Salamat ligtas kana...! " Sunod pang wika ng binata na walang ibang kundi si Randy nang makalapit ito. Hinaplos niya ang buhok nito at hinawakan sa kamay.


" Ako si Randy. Nakasama ko siya sa Casa ni Larry. Boy ang trabaho ko doon. " Pagdakay sagot naman niya sa tanong ni Cristy.


" Talaga? So, tauhan ka ni Larry! " Naninigurado niyang wika pa. Tumayo na siya sa inuupuan, at naging alisto. Baka espiya ito ng Larry na 'yun para manmanan siya'y huwag ito magkakamali ng kilos. Kinapa ni Cristy ang baril niya na nakalagay sa likuran.


" Oo, tauhan ni- "


" Pak! Blag! " Nabigla si Randy. Hindi niya inasahan sa ikinilos nang babae na nagbabantay kay Sanda. Naputol ang kanyang sasabihin. Biglang dumapo kase ang kamao nito sa kanang pisnge niya, at tinadyakan pa siya nito.


" A-Araay...! B-Bakit mo ginawa 'yun?! " Naitanung niya nang makabawi.


" Huwag na tayong maglokohan pa! Espiya ka ni Larry! At alam ko na may masama kang plano dito kay Sanda! Pero hindi ka oobra s'kin! Dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo makuha ang bata! " Galit na turan ni Cristy. Naroon siya sa kama at ikino-cover ang sarili kay Sanda. Binunot na din niya ang baril, at itinutok kay Randy.


" H- Hindi! Wala akong masamang balak sa kanya.... Ang totoo nga nag aalala talaga ako sa kanya at hinahanap ko siya... Magkaibigan kami... "


" Maniwala!! Lumabas ka! Wa-" Hindi na naituloy pa ni Cristy ang sasabihin pa sana. Nang may humawak, at humigit sa laylayan ng likurang damit niya. Nilingon niya ito, at si Sanda iyon. Kinakapos ng hininga. Lito ma'y binalingan niya ang bata, at pinindot ang buzzer na magbibigay ng signal sa doktor na pumunta sa kwarto.

" Cassandra, hold on please!!! " Sigaw ni Cristy. Labis ang kaba sa kanyang dibdib sa maaring mangyari dito. Hinawakan niya ang kamay nito at niyakap.


" Kayanin mo, please! Sabik na sabik ang Mama mo na makasama ka! "


" Sanda, andito na ako! Mabuhay ka naman please! Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang lahat! " Wika ni Randy. Lumapit na rin ito, at ang kabilang kamay ay hinawakan. Mababanaag ang luha sa mata ng binata kaya hinayaan na lamang ito ni Cristy. Mukha namang wala nga itong intensyong masama. Ilang sandali pa'y dumating na ang doktor, at mga nurse.


Lumabas na muna ang dalawa sa utos na din ng doktor na susuri sa kalagayan ni Sanda. Patuloy ang pagtirik ng mata nito, at panginginig ng katawan.

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!