Chapter 23

5.1K 45 0

 " Dok! Anong lagay nya? " Ani ng lalaking tumulong kay Angel sa doktor na sumuri dito. Hindi na siya nakabalik pa sa bahay ni Larry. Wala pa kase ang Uncle nya na hiningian niya ng tulong para bantayan muna ito habang wala siya.


" Okey na ang kundisyon niya. Maliban sa sugat na nasa kanyang noo ay wala na siya sa panganib. She need a rest lang, at two to three days magkakamalay na siya. " Sagot naman ng doktor sa lalaki na walang iba kundi si Randy. Nakahinga siya ng maluwag. May isa pang dapat siyang balikan si Sanda.


" Salamat dok! "


" Okey hijo, pa'nu? Mauna na ako, huh! " Nagka ngitian lang ang mga ito, at naghiwalay na din. Umalis na ang doktor at si Randy ay may idinayal ulit sa kanyang cellphone. Numero iyon ng uncle niya.

" Helo, Tito Mar! Anong oras po kayo pupunta? " Bungad na tanung agad ni Randy ng makontak ito.


" Ah, ah, ikaw pala yan! Kala ko kung sino? Sige sige papunta na ako, bumili lang ako ng makakain nyo. Sino ba kase yang bata na tinulungan mo? " Sagot sa kabilang linya ng tito Mar niya.


Matandang binata ito, kaya kahit hindi umuwi ay walang maghihintay. Hindi halata sa itsura nito ang edad. Pagkat magandang lalaki ito. Pogi, at mestisuhin ang balat. Matangkad din ito sa taas na 5'8.


" Salamat tito! Basta po, saka ko nalang sasabihin ang lahat. Kailangan ko kase makabalik kina sir Larry. Baka hanapin ako! "


" Ok! Ok! Ten minutes i'm already there! " Pamamaalan na nito kay Randy, at kasunod nu'n ay end tone na ang kanyang narinig.


Napapailing nalang ang binata sa paguusap nila. Mukhang malaking gulo ang kasasangkutan niya kung malaman ni Larry na tinulungan niya si Angel. Pero hindi naman kaya ng kanyang konsensya iyon.


" Ah! Bahala nah! " Mahina niyang nasambit bago nilagay ang mga palad sa mukha at yumuko.

Sa bahay nama'y nag ngit-ngit sa galit si Larry. Dalawa na ang namatay sa kanyang tauhan. Nagmamadali siyang bumalik sa looa ng bahay niya at kinuha ang kanya baril. Pagkatapos ay kumubli-kubli siya sa bintana na matatanaw ang kalsada. Mag-uumaga na iyon, at ganap nang maliwanag. Naghintay siya kung babalik ba ang itim na sasakyan at magpapaulan ulit ng bala, pero walang bumalik. Nang may mga ingay siyang narinig. Tiningnan niya iyon, at ang kanyang mga tauhan. Pabalik na ang mga ito, pero wala ang dalawa na nakatakas.


" Hala! Gary! Elvis! Anung nangyari? Nasaan yung isang bata? Kala ko— " wika ni Roel na nabigla sa dalawang kasama na nakahandusay at wala nang buhay pero naputol iyon ng may magsalita.

" Pumasok na kayo lahat sa bahay! Bilis! " Si Larry. Sigaw niya sa mga tauhan. Ngunit alisto ang mga mata na nakamasid at hawak ang baril.


" Opo! "


" opo boss, opo! " Magkakasabay namang sagot ng mga ito. Isang matalim na tingin ang ipinamalas ni Larry sa mga tauhan bago tuluyang pumasok ang mga ito. Nang maiwan siya'y dumayal muna siya sa mga kasamang pulis, para mapuntahan ang bangkay ng kanyang tauhan at maiayos ang mga ito.

" Helo, sarge! Nagkaroon ng shoot kill dito sa bahay ko! Natodas dalawa kong tauhan paki puntahan naman. Hindi ko kilala kung sino yumari eh! " Ani Larry sa kasamahang pulis na nasa kabilang linya.

" Nak ng! Anyare? Bakit nalusutan ka? Baka may atraso ka dyan?! " Wika naman ng kausap nito sa kabilang linya.


" Ewan ko nga eh! Hayop na yan! Naisahan ako! "

" Tsk! Tsk! Sige magpapadala na ako ng mga mag iintindi! Magreport ka today about sa issue na yan! "

" Ok sarge, salamat! " Iyon lang ang naging usapan nila, at nagpaalam na rin si Larry. Tiim bagang ito na pumasok sa bahay niya. Naroon nadatnan niya ang kanyang mga tauhan na tahimik at walang imik.

" Bang! Bang! Bang! " Nagpaputok agad siya ng baril sa mga ito sa tindi ng galit. 


Nagulat naman pagdaka ang mga ito, at nagsitayo agad na nakahilera. Yuko ang mga ulo na parang maamong mga tupa. Nang makalapit si Larry sa mga ito'y isa-isa niyang binigwasan ito ng suntok sa panga. Wala namang pumalag.


" boss.... " Tanging nasambit ng mga ito.

" Mga inutil! Ang dami ninyo nalusutan pa kayo ng dalawang bata lang! At niyari pa ang dalawa ninyong kasama!! Anung silbi ng mga ibinabayad ko sa inyo kung isasabit nyo pangalan ko!!! Bang! "


Nangangalaiti sa galit na sermon ni Larry sa mga ito. Binaril pa niya ang binti ng isa.


" Boss kasi... Pa'nu naman... " Pag angal pa ng mga ito.

" Tsuggg! Pak! " Muli pang bigwas ni Larry, at nanahimik nalang ang mga ito. Maga ang mga labi at putok. 


Iniwan na niya ang mga ito, at nagbihis na siya ng pang pulis niya uniporme. Baka kase dumating ang mga kasamahan niya. Isang matalim na tingin muna ang pinakawalan niya sa mga tauhan bago lumabas para ayusin ang gulo na nangyari.


Payapa namang nakahiga si Sanda sa isang marangyang kama. Maayos na ang kanyang kasuota, at nagamot na ang litid niyang naipit sa paa. Pinagmamasdan siya ng isang babae. Armado ito ng baril, at halatang magaling ito sa paggamit niyon.

" Nahanap ko rin kayo! Sa wakas... " mahina nitong naibulong.


Itutuloy...

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!