Chapter 26

4.5K 43 0

 " Nak ng! Tingnan nyo kung sino 'yun! " Sigaw ni Larry sa mga natirang tauhan. Nagpaalam naman si Hanah na gagamit ng banyo.

Umalisto ang mga ito at pinalibutan ang lugar kung saan nadinig ang ingay. Sinenyasan ni Larry ang isa na mauna. Lahat sila'y armado ng baril.

Dahan-dahan itong lumakad papunta sa mga baldeng malalaki. Isa-isa itong nagtingin doon. Nang sa ikaapat ay nagulat ito.

" Bang! Bang! " dalawang tama sa noo nito at bumagsak. Naunahan ni Ronnie ito. 

" Animal ka! Lumabas ka dyan! " galit na sigaw ni Larry. Subalit walang sumagot dito. Sinenyasan niyang muli ang tatlo na sumugod doon. Ayaw sana ng mga ito ngunit napilitan din ng tutukan ni Larry ng baril niyang hawak. Takot ang mga ito na matulad sa nauna.

Nakakuha naman ng tyempo si Ronnie at pinagulong niya ang mga balde sabay nagkubli doon para makalipat sa kabilang side kung saan nandoon ang bintana na dinaanan niya. Nagkapalitan ng putok.

" bang! Bang! Bang! Bang! Bang! bang! Bang! Bang! Bang! Bang! bang! Bang! Bang! Bang! Bang! "

Nadaplisan sa balikat si Ronnie pero napatay niya ang dalawa pa sa mga tauhan ni Larry. Inaasinta na nya ang huli ng may sumugod sa kanya. Inagaw nito ang baril. Babae iyon. Si Hanah. 

" Larry! Andito sya! " Sigaw pa nito habang nakikipag agawan ng baril kay Ronnie. Pilit namang nilabanan ito ng huli. 

" tsug! Ahh! Pak! "

Sinipa ito ni Ronnie. Napabalandra si Hanah sa mga case na nakakalat. Tinakbo naman ni Larry kung nasaan nanggaling ang sigaw sa kanya kanina ni Hanah. Susugod na sana siya sa mga ito ng isang dulo ng baril ang tumutok sa gilid niya. 

" Tigil! Akinang baril mo! " Ani ng babae. Naka black shirt ito, pantalon, at sumbrero. Naalarma naman si Larry tumigil nga ito pero naulian din at agad na inagaw ang baril na natutok sa kanya. Nagpambuno sila ng babae.

" Cristy! Bakit sumunod ka pa?! " Sigaw ni Ronnie sa bagong dating. Nakilala niya ito kahit may kalayuan ang pagkakita niya. 

" Kailangan mo ng back up. Alam ko, kaya sumunod ako dito! " Wika naman nito. Sabay sinapak si Larry at pinatikim ng dalawang upper cut. Isa siyang black belter kaya sanay din siya sa manu-mano na laban. Timilapon si Larry sa mga galon na naroon. Halos pumutok ang kilay nito, at ang labi ay tumutulo ang dugo. Hindi pa nakuntento si Cristy, tinadyakan pa niya ito ng sunud-sunod. Saka naman nagsidatingan ang iba pang tauhan. Binunot niya ang dalawa pang baril sa kanya likod at pinaputuhan ang mga ito.

" Bang! Bang! Bang! Bang! " Nasapol ang dalawa, ngunit nakapag tago ang ilan pa.

Binigwasan naman ni Ronnie si Hanah ng sapak. Matibay ito at hindi niya mapatumba. Ngunit napasandal lang ito sa dingding na malapit sa baril niyang hawak kanina. Nakita agad 'yun ni Hanah. Mabilis na kinuha, subalit inasinta na ito ni Cristy.

" Bang! " Sapol ito sa ulo at namatay na hindi man lang nakalabit ang hawak na baril.

Kinabahan si Ronnie doon, buti nalang at naunahan ito ng partner niya.

" Tara nah! Sa ibang araw na tayo bumalik! " Aya niya kay Cristy na sinang-ayunan naman nito. Sa labas ng building ay nagsidatingan pa ang mga alagad ni Larry.

Palihim na nakatakas ang dalawa, at derecho sila sa bahay ni Cristy na tinuluyan pansamantala. Naroon din si Sanda niya dinala.

Si Larry nama'y agad na dinaluhan ng mga tauhan at dinala sa ospital. Buhay pa ito sa tinamong bugbog kay Cristy.

~

Si Angel naman ay ganap nang nagkamalay. Hindi niya kilala ang lalaking nabungaran niya.

" Sino po kayo? Nasaan si Ate Sanda ko?! " Magkasunod na tanung ni Angel. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon.

" Ha? Ah ako ang Tito ni Randy. Sinong Sanda? Ikaw lang kase ang pinabantayan niya s'kin dito. O, wag ka muna gumalaw baka makasama sa'yo. " Anito, ngunit nag alala din pagkat pinilit ng bata na tumayo.

" Gusto kong makita ang ate Sanda ko! Kuya balikan natin sya! Kawawa naman po siya! Baka nahuli na naman siya nila, at ikinulong doon! " Muling wika ni Angel. Naiisip kase niya ang ate Sanda niya. Baka pinatay na ito nila Larry.

Itutuloy...

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!