Chapter 24

4.8K 36 3

 Nag diyal sa kanyang cellphone ang babae na nakakuha kay Sanda at sandali pa'y...

" Hello! " Anito.


" Yes, hello Cristy? " Sagot sa kabilang linya.

" Yes, tita Agnes.... Nahanap ko na siya! " Natutuwang balita nito sa ginang. Sinulyapan pa niya ang dalaga sa kama.


" Talaga hija? A-Ano.. A-Ah pwede ko ba siyang makita? Pa'nu? Saan? Diyos ko! Salamat po dininig mo po ang matagal ko nang pinagdarasal! " Ang ginang muli. Sunud-sunod na tanong nito kay Cristy, at maiyak-iyak pa.


Napangit siya sa sarili. Sa isip ay nabigay na rin niya ang matagal nang nais nito. Ang mahanap ang anak nitong dalaga.


" Tita, hindi pa po pwede sa ngayon. Kailangan nya muna ng pahinga. Kumalma lang po kayo dyan at nasa mabuti na po siya. " Sagot naman ni Cristy dito. Saka nag paalam na. Ayaw na muna niya ikwento kung saan niya natagpuan si Sanda ang mahalaga ay alam na ng Mama nito na ligtas at natagpuan niya ito.


Atleast ito man lang mapasaya niya ang tao na nagligtas ng pangalawang buhay niya noon. Malaki ang utang na loob niya dito. Muli na namang nanariwa sa kanya ang lahat. Bangungot ng kanyang nakaraan na gusto na nyang kalimutan.


Bumaling siya sa isang single sofa at naupo. Sabay isinandal ang katawan at ulo dito. Sa twing ganu'n siya'y lagin niyang nakikita at naririnig sa isip ang isang dalagitang babae na pinagtatangkaang halayin. At iyon ay walang iba kundi siya. Pasalamat nalang siya't buhay pa ng iwanan. Subalit mahina na.


* * FLASHBACK * *


Nang iwan siya ni Alex nu'n sa damuhan inakala nito na wala na siyang buhay. Hindi nito alam na nawalan lang siya ng malay dahil sa lakas ng paghampas nito sa kanya. At nang mapag ulian siya ulit ng malay ay nagtagumpay na itong gahasain siya. Masakit pa na pinasakan nito ng kahoy ang kanyang pagkababae kay labis na dumugo iyon. Gusto na nyang sumuko sana at hayaan nalang mamatay ang sarili subalit may tumawag sa kanya mula sa kanyang pagpikit. Hindi niya ito kilala pero pinagising siya nito at sinabihang kumilos.


" Kumilos ka anak! Hindi ka pa pwedeng mamatay! Marami kapang misyon na gagawin! " Ani tinig na narinig niya. Kusang gumalaw ang kanyang katawan. Gumapang siya ng gumapang papunta sa may kalsada. Subalit nawalan ulit siya ng malay tao ng makaabot doon marahil sa sobrang dugo na nawala sa kanya, maging ang inabot niyang paghampas sa kanyang ulo.


Eksakto namang binabagtas ng isang ginang ang kalsadang iyon kasama ang asawa nito. Galing sila sa probinsya dahil nagbakasyon. Doktor ang mag asawang ito, at nang makita nila si Cristy na nakahandusay sa gitna ng kalsada'y agad nila ito dinaluhan. Naawa ang mga ito sa dalagita at iniuwi nila ng malamang buhay pa ito mahinang-mahina na lamang.


" Pa' parang biktima siya ng rape! " Ani Ginang na asawa ng lalaki. Si Agnes iyon. Bakas sa mukha ang pag aalala.


" Oo Mie, halika tulungan natin. Buhay pa sya oh! " Sagot naman nito.


" Teka, kukunin ko muna extrang kumot na dala ko para mabalot ang katawan niya. Kakaawa naman. Naalala ko lalo ang anak ko! "


" Magmadali kana Mie, para mailigtas pa natin siya. "

Saglit pa'y naisakay na ito ng mag asawa sa kotseng dala. Nasa backseat nila ito nilagay.


Itutuloy...

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!