Chapter 30

7K 95 6

**GRAND FINALE**

 Madilim ang bahay, at ni walang bukas na ilaw. Gayunpama'y pumasok sina Cristy dito at Angel. Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa pinaka main door. Bukas ito, at dumerecho silang dalawa sa loob. Mas lalong dumilm. Alertong humakbang si Cristy. Naka-ready sa anumang mangyayari. Kinakabahan siya, pero pinaglalabanan niya iyon. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Nagulat pa silang dalawa du'n pero kinuha na din agad nito para sagutin. Hindi naka rehistro ang number nito sa kanyang phone book. Sinenyasan muna niya si Angel na huwag maingay bago lumayo nang ilang hakbang dito, at sinagot ang tawag.

" Hello! " Aniya dito pigil hininga na makagawa ng ingay.

" Ano bang sabi ko sa'yo?! Huwag na huwag kang magsasama ng mga parak! Baka gusto mong unahin ko na ang Mama mo, huh?! " Ani ng boses sa kabilang linya. Walang iba kundi si Larry. Galit na galit ito.

" Wala naman ako kasama, ah? " Maang na tanggi ni Cristy dito. Pinatatatag ang boses.

" Ulol, gaguhin mo na ang iba 'wag ako!! "

" Teka! Teka! Please naman oh! Ok, papaalisin ko sila! " Natatarantang wika muli ni Cristy.

" Dito na kayo pumunta, sa hide out ko! Lumipat na kami! Dalhin mo si Sanda, kapalit ng magulang mo! Kung hindi ka dumating after thirty minutes, alam mo na mangyayari! "

" O-Oo, pupunta na kami! Bakit pa kase kayo lumipat? "

" Huwag ka nang maraming satsat dyan! Bilisan nyo na, kung gusto mo pang mabuhay ang mga magulang mo! "

" S-Sige, on the way na kami! Huwag mo silang sasaktan, please! "

" Gaga! Dalian nyo! Ayoko ng pinaghihintay ako! " Saka pinutol na nito ang tawag.

" Angel nasa ibang lugar na sila, wala dito! Lika na bilis! " Aya ni Cristy sa kasamang bata.

" Oo, ate! Sana umabot tayo! Ang sama talaga ni Larry! " Ani Angel naman.  Patuloy ang pagsunod sa likod ni Cristy. Nang makalabas ng gate ang dalawa'y sinenyasan ng dalaga ang isang tinted black na kotse. Si Ronnie ang nagmamaneho nu'n. Agad itong lumapit sa kanila at ibinaba ang bintanang salamin ng kotse.

" Ano?! Bakit hindi kinuha 'yang bata?! " Wika agad ni Ronnie pagkasilip nito kina Cristy.

Wala namang imik na sumakay ang mga ito bago sinagot ang binata.

" Wala, lumipat sila! Natunugan tayo! Bilis, Ronnie, nasa Bulacan sila! "

" Tsk! Tsk! Ang utak din nang animal na 'yun! Okey, maglagay kayo ng seatbelt! "

 Tumalima naman sina Cristy sa huling sinabi nito, at saglit pa'y parang lumilipad na ang pagpapatakbo ni Ronnie sa kotse. Tumawag na rin si Cristy sa mga kasamahan na sumunod na lamang sa kanila ang mga ito dahil lumipat si Larry ng lugar.

~ ~

" Huwag kayong mag-alala at uunahin ko ang anak ninyong pulis, bago ko kayo isusunod! Ha ha ha ha! " Tinig ni Larry. Naroon siya sa kwarto kung saan nakagapos ang mag-asawa. Natutuwa siyang pagmasdan ang dalawang matanda na nahihirapan. Panay bugbog ang inabot ng asawa ni Agnes. Siya nama'y sampal sa magkabilang pisnge ang natamasa sa palad ni Larry.

" Pweeh! Buhay ka pa'y sunog na ang kaluluwa mo sa impyerno! Hintayin mo lang ang sundo mo't pareho tayong magsasama-sama! " Gigil sa galit na wika ni Agnes.

" Tsk! Tsk! Be good to me! Ha ha ha! Baka sakaling buhayin ko pa kayo! " Pinahid ni Larry ang laway na tumilamsik sa kanyang mukha gawa ni Agnes.

" Paaaaak! " Sampal muli ang inabot ng huli. Bago bumunot ng baril si Larry.

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!