Chapter 21

5K 39 0

A/N

Hello there mga adixans! Malapit na po matapos ito, super thank you po sa lahat na sumubaybay kay SandA. More 5 or 10 chapters nalang. Exciting po ang mga huling kabanata nito kaya kapit lang. Hahaha! Char! XD pasensya na po sa matagal na update...

~ ~ ~

 Naunang nakalabas si Angel. Si Sanda nalang ang nagpahuli. Ibayong ingat ang ginawa nila nang ganap na makalabas. Pagkat may mga tauhan si Larry na nagbabantay magdamag. Tatlo sa harapan ng bahay, at tatlo din sa magkabilang gilid. Isa naman sa Likuran.

" Ate... " Mahinang tawag ni Angel kay Sanda. Kasalukuyan na silang naglalakad papunta sa may halamanan. Lumingon ito pagdaka sa kasama.

" Bakit? " Paanas na tanung niya.

Hindi naman nagsalita si Angel tiningnan lang ni si Sanda sabay inginuso ang lalaking nakaupo sa silya. Humihilik ito. Sa katawan ay may baril na nakahanda. Nagkatinginan silang dalawa pero walang namutawing mga salita. Nagpatuloy silang gumapang papunta sa malagong mga halaman sa may pader. Hinanap ni Sanda ang hagdang kawayan doon na ginagamit ng hardinero kapag magpuputol ng mga sanga. Madali nya lang naman iyon nakita at magkatulong silang dalawa na itinapat ito sa may parte ng mababang pader. Sumenyas siya kay Angel na mauna nang umakyat, hintayin nalang siya sa labas.

Takot man ito ay napilitan na ngang mauna sa kanya. Kailangan kase na masiguradong walang makakakita sa kanila. Nang mawala si Angel sa taas ng pader ay sumunod na si Sanda. Pigil-hininga siya sa pag-akyat dahil baka magising ang lalaking tauhan ni Larry na nakatalaga sa likurang bahay at makita siya. Medyo may kataasan pa rin ang pader pero kinaya iyon talunin pababa ng dalawa. Subalit sakto namang nasagi ni Sanda ang latang basurahan at naglikha iyon ng ingay. Takot silang nagkatinginang dalawa. Nakiramdam sa loob ng bakuran kung magigising ang tauhan ni Larry.

" Hoy, Rex! Anong ingay 'yun? Dito banda nanggaling! " Sigaw ng isang tauhan. Nadinig iyon nila Sanda at nagmamadali silang naghanap ng mapagtataguan. Hindi pa sila pwede tumakbo dahil napalinsad ang paa niya at naipit ang litid doon.

" Huh! Wala naman ah! " Sagot ni Rex sa kasama. Kakagising lang nito.

" Anong wala eh meron kaya at hindi ako bingi! Palibhasa tulog ka ng tulog dyan! " Si Gregor iyon, nang mapadako ang tingin nito sa may pader na may nakatapat na hagdanan.

" Tssk! Lagot tayo kay boss Larry nito! " Naisigaw pa niya sabay pumunta malapit sa hagdan. Umakyat agad doon. Si Rex nama'y tinawag ang iba pang mga kasamahan nila at sumunod din kay Gregor.

" Tingnan nyo ang ang kwarto sa loob ng bahay! Bilis! May nakatakas sa mga alaga nila boss! " Utos ni Gregor. Tumalima naman agad ang mga ito. Isa-isang pinuntahan ang bawa kwarto ng mga dalaga ng sa kwarto naman nila Sanda at Angel pumasok ang mga ito. May dalawang parang nakahiga sa kama at nakakumot. Naintriga ang mga ito at pumasok na ng tuluyan. Pabigla nilang hiniklas ang kumot subalit iba ang tumambad sa kanila. May unan iyon na pinagmukhang katawan lang. Naalarma ang mga tauhan ni Larry.

" Bang! Bang! " Putok ng baril sa labas. Si Gregor iyon. May nakita kase itong pusa at binaril.

" Hanapin natin! Hindi pa yun nakakalayo! " Ani kasama ng mga tauhan ni Larry. Si Elvis.

" Sige, halughugin ang buong bahay. Pati sa labas! " Wika naman ni Roel. Nagsitanguan lang ang iba pa at naghiwalay na sila.

" Ate, Pa'nu ka nyan? Baka makita nila tayo dito? " Si Angel, may pag aalala sa boses nito, at garalgal na.

" Mauna ka nang lumayo dito! Bibilang ako ng tatlo! Tumakbo ka na at iwanan ako. Magkita nalang tayo dun sa may arko, yung huling naabot natin nu'n, tanda mo ba? " Seryoso namang sagot si Sanda sa kasama. Mahirap na kaseng magtagal sila sa pinagtataguan. Hindi malao't madali ay makikita sila doon kaya dapat silang maghiwalay nito.

Itutuloy..

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!