"Sorry at nasabi ko iyon. Hindi ko pala kaya. Mahal na mahal kita eh." Pag-aamin ko sa kanya habang lumalandas ang luha sa aking mukha.

"Pero masakit Red. Gusto kong dumistansya sa iyo. Gusto kong hayaan ka nalang."

"Huwag." Mas lalo akong napaiyak sa pagsingit niya. Ano ba talaga Red? What is stopping you?

"Pero hindi ko kaya. At alam mo iyon." Ang hina ko.

"Hindi ko iyon alam." Singit niya. Hinampas ko agad ang dibdib niya.

"I hate you."

"Aalis na tayo." Tumayo siya at dala-dala niya ako. Kumapit nalang ako sa leeg niya at pinulupot ang binti sa kanyang beywang. Hanggang sa makalabas kami sa cottage at pumasok sa Van. Hindi na ako bumitaw. Kahit nakita kong umiba ang mukha ng driver.

Bigla kong naalala na wala pala akong ligo at bihis. Tatlong araw. Ang baho ko pala! Shit.

Bumitaw ako agad sa kanya at lumayo. Kita ko ang gulat sa mukha niya. As if.

"Wala akong ligo. Bakit hindi mo sinabing mabaho ako? I really hate you." Naiiyak kong sabi.

"I don't know what you are talking!" ugh!

"Wag ka munang lumapit sa akin. Mamaya na pag nakaligo na ako. Please." Yumuko ako sa gilid at tinaguan ang mukha ko. Nakakahiya. Sa harapan pa ng mahal ko.

Wala siyang imik kaya dahan-dahan akong sumulyap sa kanya. Nanlaki ang mata kong nakatitig pa pala siya sa akin.

"So totoo nga ang sabi nila na hindi ka pa umuuwi sa bahay?" seryosong tanong niya.

Napatango ako.

"Why?"

"Alam mo kung bakit." Sabi ko at inirapan.

At tahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kaming bahay.

Malalaki ang ngiti ng mga kasambahay namin ng makabalik kami may narinig pa akong 'Welcome back, Ma'am!". Grabe naman!

Umuna akong umakyat sa kwarto namin at dumiretso agad sa CR. Sinulit ko ang oras sa pagbabad sa tub. Halos maubos ko pa at scented syrup soap sa tub namin. Dapat mabango ako. Mabangong-mabango. Iyong tipong hindi na aalis si Red sa tabi ko. Iyong maadik siya sa amoy ko.

Napasigaw nang biglang bumukas ang pintuan ng CR. Pumasok ang walang damit na si Red at napapikit ako agad. Hindi ko maintindihan bigla ang kalabog ng puso ko. Shit.

"Kanina ka pa diyan. Hindi ka pa aahon?" napalingon ako sa kanya. Nanlaki na naman ang mata ko. Nakatalikod na siya sa akin at napaulan siya sa shower. Kita ko ang perpekto niyang puwet. Oh god.

"Gusto kong mabango ako eh." Napalunok ako. Kita ko ang paglandas ng tubig sa kanyang puwet. Naiimagine ko kapag haharap siya sa akin. Help me lord.

"By 6pm, aalis na tayo." Aniya at nagsimulang magsabon. Napalunok ulit ako. Pwede ako din?

"O-okay."

"Red.." mahinang tawag ko. Lumingon ka naman.

"Yes?" pero nanatili siyang nakatalikod. Patuloy padin siya sa pagsasabon.

"Wala. Hihintayin ko lang na matapos ka at saka ako lalabas." Oh yes. Good alibi Arcise.

"Sige."

 Umiwas nalang ulit ako ng tingin. Hindi ko kaya ito. Baka talunan ko siya at itali nalang.

Nagbanlaw siya at umalis din pagkalipas ng ilang minuto. Saka pa ako tumayo at nagbanlaw din. Nilunod ko pati buhok ko sa tubig kanina kaya amoy rosas din ito.

Napahinto ako. Patay. Hindi ako nakadala ng towel. Fine. Dahan-dahan akong lumabas at nanlaki agad ang mata ko nang abangan niya ako sa labas at pinalibot ang towel sa katawan ko. Nanigas ang paa ko sa tinatayuan ko at nawalan ako ng bibig. Ramdam kong hinawakan niya ang beywang ko at pinapalakad papasok ng walk-in closet niya.

Kinuha niya ulit ang towel ko at pinunasan ang katawan ko. Mas lalo akong nanigas. Napasinghap nalang ako ng dumapi ang towel sa dibdib ko. Napatitig ako sa mukha niya. Walang siyang ekspresyon. Na parang hindi siya naapektuhan sa ginagawa niya sa akin. Ako lang ba ang apektado sa aming dalawa?

"Sino na naman ang nagtattoo nito?" tanong niya sabay tukoy sa tattoo ko sa balikat. Napasinghap ulit ako sa daliri niyang humawak sa beywang ko.

"S-si Mr. John Mark. Professional s-siya." Oh god. What is he doing?

"It looks professional." Of course. At sobrang saya ko pagkatapos ma tattoo ang  Mrs. Del Grande sa balat ko. Syempre. Mahal ko eh. Cursive pa ang lettering nito at medyo stylish.

Bumalik sa isip ko na wala pala akong damit at nakaboxer na siya. Napatitig ako sa ibabang bahagi ng katawan niya at napalunok. He is hard and this is dangerous.

"Alam kong hindi ka pa handa. Magbihis ka na." masungit niyang sabi at lumabas. Naiwan nalang akong nakanganga. I don't know what he is talking kaya lumabas ako at nanatiling walang saplot at yumakap  sa likod nito. I pressed my breast to his backbone and I felt him stiff a little.

"Pwede mo ba akong bihisan?" malanding sabi ko. Bakit ba? Eh sa asawa ako eh. Kung may mangyari, edi mangyari. Go signal nalang niya ang kulang may magaganap na.

"O-okay." Aniya at humarap sa akin.

Bumalik kami sa walk-in closet at siya ang namili ng damit. Napasimangot akong isang makapal na sweater ang pinasuot niya sa akin. Napalunok din akong sinuotan niya ako ng panty at wala man lang ekspresyon doon. Ang landi ko.

"You look fine. Kain na tayo." Palihim nalang akong napangiti nang sa wakas ay nakita ko siyang lumunok. May epekto pala ako sa kanya. Tinataguan lang niya. Pero bakit?

Nagbihis muna siya at saka kami bumaba.

May mga pagkain ng nakahanda sa lamesa at may cake. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang nakasulat sa cake.

Happy Anniversary!

Dahan-dahan ko siyang nilingon at niyakap siya. Nagtago ako agad sa dibdib niya at naramdaman ko namang pumalibot ang braso niya sa likod ko.

Iniangat na naman niya at pinulupot ko ulit ang binti ko sa beywang niya at niyakap ang kanyang leeg.

"Sorry." Naramdaman kong lumakad siya at umupo. Tahimik ang paligid pero may bungisngis akong narinig na mahina. Palihim akong napakunot noo ng makilala ang nagmamay-ari ng bungisngis na iyon pero hindi ko nalang pinansin.

"Its been 4 years already." He whispered nowhere pero rinig na rinig ko iyon.

"Sorry Red. Nakalimutan ko. Sorry." Hinarap ko siya at dahan-dahan kong dinampi ang labi sa labi niya. Halatang nagulat siya kaya bumitaw din ako agad.

"Sorry." Hinalikan ko naman ulit siya saglit.

"Sorry." Hinalikan ko naman ulit pero pinatagal ko na this time. Long steady kiss and we are good. Nang makita kong medyo lumambot ang mukha niya at hinalikan ko ulit siya saglit. Wala na akong pakialam sa mga nanonood.

"Sorry talaga. Paano ako makababawi sa iyo?" masuyong sabi ko at hinalikan ko ang tungki ng ilong niya.

"Hahanapin mo na ako lagi. Aalamin mo na kung nasaan ako. Bawiin mo ang sinabi mo noong nakaraan." Nakanganga nalang ako.

"And I want a baby."

Behind Walls (Ruptured Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن