Dali-daling pinatay ni Maricar ang cellphone. Laking gulat nya ng sya ay lumingon ay nasa likuran na niya si Kyla.
MARICAR: Oh!! A-anong ginagawa mo dito? K-kanina ka pa ba dyan?
KYLA: Aa.. H-hinde, kararating ko lang. Tinatawag ka na kasi nila, kakain na tayo.
MARICAR: Ah ganun ba.
Nagsimulang maglakad si Maricar pabalik sa bahay nila Marco. Ngunit hindi na rin napigilan ni Kyla ang sarili.
KYLA: Umm. Maricar? S-sino yung kausap mo sa phone kanina?
Napalingon si Maricar sa tanong nya at tinawanan na lamang si Kyla.
MARICAR: Haha.. S-si Roland lang yun.
Sagot nya at tama nga ang hinala ni Kyla.
KYLA: Anong pinag-usapan nyo?
MARICAR: Aa.. Wala, tinanong nya lang kung kamusta na yung project natin.
Bigkas ni Maricar, napaisip si Kyla ng malalim dahil hindi naman iyon ang narinig nyang pinag-usapan nila. Napansin ni Maricar na napatahimik si Kyla sa sinabi niya.
MARICAR: Sus! Wag kang mag-alala hindi ko aagawin si Roland sa'yo.
Pabirong bigkas ni Maricar. Napangiti at namula na lamang si Kyla, lagi syang namumula sa tuwing inaasar sa kanya si Roland. Nagsimulang nalaman ng lahat na may gusto sya kay Roland nung nagpunta sila sa Baguio at naglaro ng Truth Or Dare.
MARICAR: Tara na!
Nakangiting yaya sa kanya ni Maricar. Sabay na bumalik ang dalawa sa loob ng bahay.
JUNE 28, 2013.
FRIDAY 10:35PM
Tapos na silang kumain at natapos na rin nilang gawin ang kanilang project.
JULIAN: Aaa.. Sa wakas natapos din.
JUSTIN: Grabe, sumakit yung likod ko dun, kakahalo.
Reklamo nila.
JERRY: Ano nang susunod na gagawin?
NICO: Movie Marathon!
Agad na suggest ni Nico sa kanila.
JOANNA: Grabe, bawal nga daw mag-ingay e.
NICO: Hihinaan lang naman natin e, ok lang ba Marco?
Tanong nito.
MARCO: Aa.. A-yos lang naman.
Sagot nyang may pag-aalinlangan. Natuwa ang lahat sa sagot niya.
RANDY: Basta wag horror, siguradong magsisitilian yang mga babae.
Iniligpit nila ang gamit nila at saka pumasok sa loob at nagkanya kanyang pwesto habang naghahanap ng magandang mapapanood si Nico. Habang nag-aabang ang lahat kung ano ang isasalang na pelikula, nagulat sila ng bitbit nina Franlklin at Karlene ang gamit nila.
HIKO: Uy! Uuwi na kayo? Hindi ba kayo mag-o-overnight?
Gulat na tanong ng mga ito.
FRANKLIN: Alam nyo naman na hindi ako pinapayagan na mag-overnight di ba.
KARLENE: Ako rin, di rin ako pinapayagan na mag-overnight, alam nyo naman ang buhay ng unica hija.
Maarteng bigkas ni Karlene na medyo kinainisan ng ilan.
ALFIE: Ang daya nyo naman.
JERRY: Sus! Hayaan nyo sila, di naman sila kawalan.
Diretsong sagot ni Jerry. Umalis ang dalawa at inihatid ito ni Marco sa gate ng bahay nila.
Hindi nagtagal ay nagkaisa rin ang lahat sa panonooring pelikula. Kumpleto ang lahat na nanonood at nakapatay pa ang ilaw na parang nasa sinehan. Sa kalagitnaan ng kanilang panonood ay mayroong kumatok sa pinto nila Marco.
KATHLEEN: Marco, may kumakatok sa pinto nyo.
Agad na tumayo at isinindi ni Marco ang ilaw at saka nagtungo sa pinto. Binuksan nya ito at ang mga taong kumakatok ay ate at kuya niya, marami itong mga bitbit na paperbag at mukhang nanggaling sa grocery.
MARCO: Guys, si Ate Marianne nga pala tsaka si Kuya Marlon.
Pakilalani Marco. Nagbatian ang lahat.
MARIANNE: Hello, kamusta? Kumain na kayo?
JOANNA: Opo.
Tugon nila.
MARLON: Meron kaming dalang mga pagkain dyan, baka gusto nyo ng snacks?
MARICAR: Ok lang po..
Tugon nila. Tinulungan ni Marco na bitbitin ang mga dalahin ng kanyang ate at nagtungo sila ng kusina habang sila Nico ay nagpatuloy sa panonood.
JUNE 29, 2013.
SATURDAY 02:42AM
Tulog ang lahat sa mga guest room nila. Habang mahimbing ang tulog ng iba ay naalipungatan naman si Joanna kaya't naisipan nya munang magpunta sa restroom.
Sa kanyang pagpunta sa restroom ay mayroon syang narinig na boses na nanggagaling sa kusina. Imbes na pumunta ng kusina ay naintriga sya kung sino yung taong nasa kusina at nagsasalitang mag-isa. Sumilip sya sa kusina at doon nya nakita si Maricar na mayroong kausap sa phone.
MARICAR: ... Wag ka ngang paranoid, hindi naman nila nahahalata e ... Wala si Candice ngayon dito, sya lang sa tropa yung hindi sumama dito ... Basta, sumunod ka na lang sa plano ...
JOANNA: Maricar?!
Napalingon si Maricar at nagulat sya ng makita nya si Joanna. Agad nyang pinatay ang phone.
ΦΦΦ END OF PART XVII ΦΦΦ
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XVII
Start from the beginning
