Banat ni Justin dahilan upang mawala ang konsentrasyon niya.
FRANKLIN: Gusto na rin kasi nyang magpakasal.
Pang-aasar nila.
JESSICA: Weh, pa-epal. Tinititigan ko yung picture kasi parang pamilyar sa'kin yung babae.
FRANKLIN: Weh, palusot!
JESSICA: Pamilyar sya sa'kin kasi may kahawig sya.
JUSTIN: Sino?
Tanong ni Justin. Muling tinitigan ni Jessica ang litrato.
JESSICA: Hawig nya si Jean Garcia.
Bigkas niya at natawa na lamang ang dalawa.
FRANKLIN: Sus! Lahat na lang?! Nung nakita mo rin yung picture ng mama ko sabi mo hawig nya si Angelica Dela Cruz.
JESSICA: Totoo naman a, ayaw mo nun? Artistahin mama mo.
Pabirong bigkas ni Jessica.
FRANKLIN: Ewan ko sa'yo.
Bigkas niya at lumabas muli si Justin at Franklin upang tulungan ang iba. Samantala, muling napatitig si Jessica sa mukha ng babae sa litrato.
JUNE 28, 2013.
FRIDAY 08:16PM
Tapos nang magluto sina Kathleen ng pagkain at naghahain na sila ng mga pagkain habang si Karlene at Kyla naman ang nagtatawag sa kanilang mgakasama.
KARLENE: Guys, malapit na ba kayong matapos? Maghugas na kayo ng kamay, kakain na tayo.
Anunsyo ni Karlene. Unti unting nakumpleto ang lahat sa kusina. Nagbukod ng pagkain si Marco.
MARCO: Guys, mauna na kayong kumain, dadalhan ko lang ng pagkain si lola sa taas.
Dinala ni Marco ang pagkain na para sa lola nya. Nagsimula ng magsikuha ng pagkain ang lahat, dahil hindi magkasya sa mesa ang iba ay bumalik sa sala at doon kumain. Halos kumakain na ang lahat ng may mapansin si Jessica.
JESSICA: Si Maricar? Nasaan?
Tanong nito at doon lang nila napagtanto na hindi sila kumpleto.
LUISA: Nasa likod sya, hindi ko alam kung anong ginagawa.
KYLA: Ako nang tatawag.
Boluntaryong bigkas ni Kyla. Inihinto nya ang kanyang pagkain at tumayo sa kanyang pwesto. Nagtungo sya at lumabas sa likod ng bahay nila Marco upang tawagin si Maricar.
Paglabas ni Kyla ay nakita nya si Maricar na nakatayo sa malayong bahagi ng bakuran. Nakatalikod ito at nakadikit ang kamay sa isang tainga at mukhang mayroong kinakausap sa phone.
KYLA: Maricar, kakain na!
Sigaw nito ngunit mukhang hindi ito narinig.
KYLA: Maricar!
Tawag nya ngunit nakatuon pa rin si Maricar sa pakikipag-usap sa cellphone. Dahil sa pagod ng kakasigaw ay nilapitan na lamang ito. Habang papalapit ay naririnig nya ang mga sinasabi ni Maricar sa cellphone dahilan upang manahimik ito papalapit at nakinig ng maigi. Narinig rin nya ang boses ng lalaki sa phone at sigurado syang kilala nya ang boses na ito.
MARICAR: ... Oo, nandito kami lahat maliban lang kay Candice ... Hindi naman siguro nila mahahalata yun ... Basta wag mong ipagsasabi kahit kanino a ... Basta ako nang bahala ... Sige, usap na lang tayo mamaya baka hinahanap na nila ako ...
ESTÁS LEYENDO
The Game Maker: Dice Game
Misterio / SuspensoThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XVII
Comenzar desde el principio
